Add me on Facebook para may makausap naman ako dun. Haha! Username ng account na yun is name ni Zanny: Zanary Faye Monteverde. Dating name ni Misty nakalagay dun. Pinalitan ko lang.
Warning: SPG! Hehe!
I've been itching to post this since Thursday but as a sign of respect to those who are keeping the Lenten Season, ayoko naman na bigyan kayo ng kasalanan kaya naghintay na lang ako ng Sunday. Haha! Maraming naghihintay nito para kina Lance at Zanny eh. Hehe! Short update lang po ito kaya bonus chapter lang. Tomorrow I will post another chapter.
This chapter is dedicated to RetzSelTorres kasi ikaw yung matagal nang naghihintay ng mga highlights sa story. Yung main highlight malapit na malapit na. Haha!
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Tumagilid ako ng higa sa kama. "Bakit kaya wala pa yung lalaki na yun? Past ten na." Kanina ko pa kasi hinihintay na umuwi si Lance. Mula nang bumalik siya sa trabaho ay ngayon lang siya na-late ulit ng uwi.
"Baka kaya may ginagawa na namang kalokohan yun." Napailing ako. "Hindi. Nangako siya sa amin na di na siya ulit magka-casino at magkakarera." Huminga ako nang malalim. Inabot ko yung cellphone ko sa ibabaw ng bedside drawer saka nag-type ng message.
«Lance, bakit hindi ka pa umuuwi? Ano'ng oras na oh.»
Umiling ako saka dinelete yung message. "Para naman akong clingy girlfriend." Nag-type ako ng bago.
«Lance, busy ka pa? Marami ba masyadong trabaho sa office?»
"Mukha naman akong nagdududa nito kung nasa office ba talaga siya. Sabihin pa nun wala akong tiwala sa kanya."
«Lance, miss na kita. Uwi ka na please.»
I bit my lower lip. "Ang landi mo, Zanary! Umayos ka nga!"
«Lance,—»
Lumipad yung tingin ko sa pinto nang marinig kong may kumatok. Mabilis akong bumaba mula sa kama at tumakbo papunta sa pinto. "Lance—" Napatingin ako sa baba. "Katie?"
"Mommy, I can't go back to sleep." Yumakap siya sa bewang ko. "Can I sleep beside you?"
I caressed her back. "Of course. Come." Isinara ko yung pinto at inalalayan siyang maglakad papunta sa kama ko. We went under the duvet before I embraced her. "Sleep ka na." Sinuklay-suklay ko ng mga daliri yung buhok niya para antukin agad siya.
"Mommy, when Daddy Lance arrive, tell him that I missed him already, okay?"
Napangiti ako. Between her and Jeremy, I noticed na siya talaga yung mas close kay Lance. "Okay, I'll tell him. Sige na. Sleep na." Ilang minuto ko pa siyang sinuklay at nakatulog na rin siya.
Naglalakbay na yung diwa ko nang magising ulit ako dahil sa pagkatok sa pinto ko. Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap ni Katie. I made sure na mahimbing pa rin yung tulog niya bago ako lumapit sa pinto at binuksan yun. Sumalubong agad sa akin yung nakangiting mukha ni Lance.
"Hi!" Kinabig niya ako saka niyakap at hinalikan. "Sorry. Did I wake you up?"
I embraced him back. "Hindi naman masyado. Half asleep pa lang ako. Bakit ngayon ka lang?"
"Nagkaro'n ng problema dun sa isang site namin kaya inasikaso muna namin ni Toffer bago kami umuwi. Na-missed ko tuloy yung dinner natin."
Napangiti ako. Papasa na siyang family man dahil sa mga ipinapakita niyang pagbabago. "Ipaghahain kita ng dinner. Iinitin ko lang muna yung ulam."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...