Guys, anong parusa gusto n'yong ibigay ko kay Xandra sa story at baka sakaling mapagbigyan ko yung suggestions n'yo kung di yun magko-contradict sa plot ng story ko? Tell me your suggestions and why. Yung realistic lang ha. Baka mamaya sabihin n'yo eh yung tulad ni mememepowpowpow na kulamin daw si Xandra. Haha! Wag ganun. Thanks!
This chapter is dedicated to kimmy03llamado na hanggang sa Facebook eh kinukulit ako sa update. Hehe! Thank you for reading!
Add me on Facebook. Username: Zanary Faye Monteverde. Or maybe it would be better if you would send me a friend request tapos PM n'yo ako at the same time to tell me that you are my reader. Kasi naman yung ibang in-accept ko, feeling ko pati mga tatay n'yo eh in-add din ako sa FB. Haha! Tiningnan ko kasi yung profiles eh mga mukhang tatay na yun at di naman yung mga tipong magbabasa pa sa Wattpad. Meron pang mga Arabong nag-add sa akin. Kaloka!
WARNING: MAGHANAP MUNA NG TISSUE OR HANKY BEFORE READING THIS OH SO VERY HEARTBREAKING CHAPTER.
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Ihahatid ko na po kayo sa labas para maipahatid ko kayo kay Manong Art," sabi ko habang tumatayo. Pero nagulat pa kami pareho nang pagdating namin sa may living area ay inabutan namin si Lance at Xandra malapit dun sa front door na magkahalikan. Parang may tumusok sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila. Magkayakap pa sila habang nakapikit at kitang-kitang ko kung paano sabay na gumagalaw yung mga labi nila.
Nakagat ko yung ibabang labi ko sa pagpipigil na maiyak habang naiisip ko na ganyang-ganyan din si Lance kapag hinahalikan niya ako. At tuluyan nang tumulo yung mga luha ko nang marinig ko yung pag-ungol nilang dalawa. Nanghina yung buong katawan ko. Parang tinakasan ako ng lakas at anytime ay babagsak na lang ako.
Nakita ko pang dumilat si Xandra at napatingin sa gawi namin nang saglit na maghiwalay yung mga labi nila. A victorious smile formed her lips while looking at me before she held Lance's cheek and continued kissing him.
Hindi na ako nakatiis. Napaurong ako at mabilis na bumalik sa kusina at doon nag-iiyak.
"Zanary," tawag ni Ate Dolor sa akin na sumunod pala sa akin. Lumapit siya saka ako niyakap. Hinayaan lang niya akong umiyak nang umiyak sa balikat niya habang walang tigil na hinahaplos yung likod ko.
Hinigpitan ko yung pagkakayakap sa kanya na para bang doon na lang ako kumukuha ng lakas ngayon.
Iyon ba? Iyon ba yung magkaibigan lang? At hanggang dito sa bahay ay dinala pa talaga niya yung babae na yun at dito pa sila gumagawa ng ganun? Nasaan na yung respeto niya sa 'kin? Bakit ginagawa niya sa akin 'to? Kung gagaguhin lang pala niya ako, bakit ayaw pa niyang pumayag na maghiwalay na lang kami? Dahil ba sa masaya siya kapag maraming babae sa buhay niya? Masaya siya kapag maraming babae yung nagkakandarapa sa kanya? Ano ba talaga ako sa buhay niya? Parte lang ng koleksiyon niya? Masarap ba para sa kanya na may mga babaeng naloloko sa kanya? Lumalaki ba yung ego niya pag may mga babae siyang nasasaktan at napapaiyak? Kung balak lang pala niya akong paglaruan at di seryosohin, I hope he just spared me and just avoided me from the start.
Sobrang tanga ko rin naman kasi. Bakit ba kasi ako nagtiwala sa kanya? Bakit nagpabola ako sa kanya eh mula sa umpisa pa lang alam ko naman na na hindi marunong makuntento yun sa isang babae lang. Hindi siya pumapasok sa isang relasyon dahil ang alam niya lang ay maglaro. Gagamitin niya ang isang babae saka basta na lang iiwan. Iyon yung rason kaya umiiwas ako noon sa kanya. Kaya takot na takot akong buksan yung sarili ko noon sa kanya. At kung bakit nirerendahan ko yung puso ko na mahulog sa kanya. Kasi natatakot ako na baka paglaruan lang din niya ako.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Ficción GeneralI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
