Chapter 23

11.8K 351 87
                                        

 Note: Dahil birthday ko ngayon, kahit sobrang busy ko pa dahil nagdo-drawing ako ng materials ko right now para sa demo ko at dahil mahal ko kayo at si Lance of course, (haha! Kasama talaga yun!) eto po at nag-open talaga ako ng laptop para isingit ng updating. Ito po ang blowout ko para sa inyo! Hope you'll all like this chapter at sana mapaiyak ko kayo ulit. Hehe!

hamoyj_28, this chapter is dedicated to you! Thank you po sa nakaka-touch na comment mo about Lance's story. And please read my other stories as well. Thank you from the bottom of heart! 

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥  

  ~❁✲❁**♥**❁✲❁~  

Pagulung-gulong na naman ako rito sa kama ko pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi na naman mawala sa isip ko yung ginawang paghalik sa akin ng Monteverde na yun. Lagi na lang ganito. Bwisit talaga yun! At talagang nahuli pa kami ni Jeremy! At sinabi pa niya kay Katie yung nakita niya kaya buong maghapon ay walang ginawa yung magkapatid kundi tuksuhin kami ng tito nila.

Napahinga ako nang malalim bago umupo. "Wala ka ba talagang balak patulugin ako? Hay naku!" Naihilamos ko yung palad ko sa mukha ko.

Bumaba na lang ako mula sa kama at lumabas ng kwarto ko. Iinom na lang ako ng gatas sa kusina, hoping that it would make me feel sleepy.

Nagsalin ako ng fresh milk sa isang mug at inilagay ko muna yun sa loob ng microwave oven para painitin. Umupo ako sa stool sa harap ng island countertop habang pinalalamig nang bahagya yung gatas ko. Napasubsob ako sa ibabaw nun dahil hindi pa rin maalis sa utak ko si—

"Ay Monteverde!" gulat na sigaw ko nang biglang may brasong pumulupot sa tiyan ko mula sa likuran. Muntik na tuloy akong mahulog sa stool. I heard a silent chuckle behind me kaya napalingon ako.

"Gotcha, darling!" He quickly pecked my lips that sent electrifying sensation again all over my body. "Kaya pala hindi ako makatulog dahil sa kaiisip mo sa 'kin."

Siniko ko siya patalikod. "Bwisit! Akala mo ba nakakatuwa ka?"

"Bakit ba kasi masyado kang magugulatin? Ang sarap mo tuloy asarin."

"Bakit hindi ka pa natutulog? It's already past twelve," tanong ko habang umuupo siya sa katabi kong stool. He was now using a cane. Nagpabili siya kanina kay Ate Dolores dahil ayaw na raw niyang gamitin yung crutches niya.

He flashed his attractive smile again. "Kasi nga iniisip mo pala 'ko kaya ayaw akong dalawin ng antok."

"Ha-ha!" I said sarcastically.

"Ikaw din. I bet you couldn't sleep for two reasons."

Tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumiti ulit siya sa akin. "That's because you couldn't stop thinking about me and..." he flashed his naughty grin, "I couldn't stop thinking about you also."

"Sapakin kaya kita! Nakakairita ka! Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"I was sitting on the couch in the living area. I saw you getting down the stairs kaya sinundan kita rito." Tumayo siya at naglakad papunta sa ref.

Sarado na kasi yung ilaw kaya siguro hindi ko siya napansin na nakaupo doon kanina. "Ano yun? Nagmumuni-muni ka sa living room?"

"Parang ganun na nga. Iniisip nga kasi kita."

"Ewan ko sa 'yo, Kulot." Humigop ako ng gatas sa mug ko. I saw him took a can of beer from the ref. "Ano ba yan? Madaling-araw na, magbi-beer ka pa? Ibalik mo nga yan diyan. Ipag-iinit na lang din kita ng gatas kung gusto mong makatulog."

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon