Chapter 25

11.4K 363 110
                                    

Note: Emo akong tao kaya maraming salamat po sa inyong lahat na nagbabasa, bumoboto, at nagko-comment sa stories ko dahil kahit hindi naman ako sikat na author, I really appreciate you, guys, for giving my stories a chance to be read. Konti lang ang followers ko, konti ang readers ko pero hindi naging reason yun para suportahan n'yo ako at i-try na basahin ang stories ko. Hindi ko po alam kung gaano ko ie-express yung pasasalamat ko sa inyo kasi minsan naiiyak ako dahil may nagkakagusto pala sa mga ginagawa ko. Sobrang touched po ako sa inyo na mga sumusuporta sa akin at hindi po ako iniiwan kahit alam kong marami nang nang-iwan sa akin sa ere at tinigilan nang basahin itong story ni Lance at Zanny. Hahahaha!

At dahil tapos na po yung demo ko kanina, babalik na po ako sa regular 3-4 days na posting ko ng updates! Yey!

This chapter is dedicated to mraaurea. Ilang beses na kasi kita nakikita sa mga comments. Thank you sa support mo sa story ko.

-AaliyahLee ( ^ . −) ~~♥  

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Mommy, next time chocolate drink naman po baon ko. Please?" sabi ni Jeremy habang kumakain ng breakfast niya.

"Fresh milk is healthier than chocolate drink, Jem," sabi ko naman habang inaayos yung baon niya sa loob ng lunchbox.

"Hsss... Nakakasawa nga naman pag parating milk yung baon niya. Dapat may variations din," kontra naman sa akin nitong si Kulot na kumakain rin ng breakfast niya. "Dapat may milk, chocolate drink, coffee, juices, soft drinks, buko, gulaman, o kaya samalamig din," suhestiyon pa niya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Baliw ka ba? Anong soft drinks, coffee, gulaman, at samalamig pinagsasasabi mo diyan? Baka sa susunod beer at alak na kasunod ng suggestions mo. Milk and water nga lang ang healthiest drink para sa mga tao at yung home made juices kaya dapat bata pa lang sinasanay na silang uminom ng mga ganun. At ikaw, Monteverde, konsintidor ka. Mahilig ka talaga sa variations dahil hindi ka nakukuntento sa isa."

"Hoy! Namemersonal ka na! Baon pa ba pinag-uusapan natin dito?"

Inirapan ko siya. "Bakit guilty ka?"

"Lalim ng hugot mo, Mommy Zanny. Selos ka ba?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Bakit ako magseselos?"

Ngumisi siya sa akin. "Ikaw naman. Bakit ka magseselos eh sa loob ng dalawang buwan, puro ikaw lang ang babaeng nasisilayan ng mga mata ko?"

"Shut up!"

"Ayaw pa kasing umamin na nagseselos siya," narinig kong bulong niya bago tumusok ng isang hotdog mula sa serving plate.

"May sinasabi ka?"

"Sabi ko my eyes adore only you. You don't need to get jealous dahil ikaw na lang ang babaeng gusto kong palaging tinitingnan ngayon."

Hindi ako nakakibo agad. Bigla akong nablangko at di makaisip ng comeback dahil sa sinabi niya.

"Kinilig ka naman diyan," tukso pa niya sa akin.

"Tigilan mo nga ako sa pang-aasar mo, Kulot!" singhal ko sa kanya.

"Di pang-aasar yun. Paglalambing ang tawag dun," sabi niya saka tumawa.

I narrowed my eyes on him. I quickly grabbed the chicken sandwich that I made from Jeremy's lunchbox and was about to throw it to him when he suddenly stopped me.

"Tsk! Tsk! Tsk! Not a good example, Mommy Zanny." Tumayo siya saka isinubo sa bibig ko yung dulo ng hawak niyang hotdog na nakatusok sa tinidor. "Kumain ka na lang ng hotdog ko, Mommy. Init ng ulo mo eh," sabi niya habang pulang-pula yung mukha dahil halatang nagpipigil ng tawa.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon