Note: Wala pong note. Busy po ako. Charaught lang. Haha! Pasensiya po at di ko na-replyan agad yung comments n'yo sa previous chapter kasi natuturete po utak ko sa kakaisip sa demo ko eh. In connection to that, medyo magiging slow muna po ang update ko rito kasi magpo-focus muna po ako sa paggawa ng materials ko para sa demo ko sa district office sa 29. Para po ito sa kinabukasan kaya dapat pagtuunan ng pansin. Haha! Maraming salamat po sa pag-unawa.
Anyway, this chapter po is dedicated to Pauliejpj. Pakihintay na lang po mangyari yung comment mo sa previous chapter. Hehe!
Please vote and post your feedbacks pa rin po. Thank you very much!
-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Wala sa sarili na napatango ako. This time hindi ko na alam kung ano yung nangyari at kung paanong nagawa akong ipasok ni Lance sa loob ng kwarto ko considering the fact that his leg was still on a cast.
I just found myself leaning against the closed door while he was taking his time in claiming my lips in a hungry kiss.
I opened my eyes as soon as he cut the kiss. Parehas pa kaming hinihingal na dalawa.
He pecked my lips again before he spoke. "Zanny, you are a very lousy kisser."
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Bigla siyang tumawa kaya sinampal ko siya nang mahina sa pisngi. "Bwisit! Lumayas ka na nga rito sa kwarto ko. Istorbo ka sa pamamahinga ko."
"Istorbo? But admit it, Zanny. You enjoyed our kiss."
"Hindi!"
"Hindi? Eh bakit ka namumula?"
Hinampas ko siya sa dibdib. "Ang kapal mo! Ikaw na nga yung nanghalik, nanlait ka pa!"
He grinned at me. "I said you're a lousy kisser. But yours are the sweetest lips that I've ever tasted." He ran his thumb along my lips and swallowed. "Tangina, parang gusto kitang halikan ulit, Zanny."
Para na namang kinikiliti yung loob ng tiyan ko. "Lumabas ka na nga, Kulot. Matutulog na 'ko."
"I'm gonna bet, Zanny. Hindi ka makakatulog ngayong gabi dahil sa kaiisip sa halikan nating dalawa."
Napanganga ako sa kakapalan ng mukha niya.
Hinawakan niya ulit yung baba ko at isinara yung bibig ko. "Hmmm... Sara natin kasi natutukso akong halikan ka nang mas malalim." Yumuko siya nang bahagya hanggang sa magpantay yung mukha namin. "Pwede naman nating gawan ng paraan yung pagiging lousy kisser mo. Next time I'm gonna teach you how to kiss properly."
"Next time? Assuming ka masyado na may next time pa ha!"
"You're gonna crave for more, Zanny. I'm sure about that. So prepare yourself. I know that was your first kiss. And that was also a first for me." He smirked at me.
Kumunot yung noo ko bago tumaas yung kilay ko. "Mukha mo, Kulot! First kiss mo yun? Ako pa lolokohin mo. Sa tingin mo naman maniniwala ako sa 'yo? Eh kung humalik ka daig mo pa yung nasa mga movies na pinapanood mo."
He suddenly laughed out loud. "I kiss better than those in the movies."
"Wow! Wow ha! Kakapit na ba 'ko rito sa pinto? Malapit na kong tangayin dahil sa sobrang kahanginan mo eh."
He smirked again. "What I'm trying to say is that was the first time I kissed that way."
Lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya. "What way?"
"Where I put feelings into a kiss."
Napalunok ako habang dama ko na naman yung pag-iinit ng mukha ko at yung malakas na tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Fiksi UmumI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
