Chapter 37

9.2K 293 167
                                    

This chapter is dedicated to blackSilvel because of your long comment on the previous chapter with all the timbangan analogy. Hehe! Thank you so much!

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Mag-uumaga na pero dilat na dilat pa rin yung mga mata ko at nakatitig pa rin sa kisame. Mahapdi na yung mga mata ko at parang wala nang luha na tutulo galing dun.

Ayoko na ng ganito. Kung magpapatuloy pa rin yung relasyon namin ni Lance, hindi ko rin naman kayang isipin na pati si Xandra ay nadala na rin sa kama ng boyfriend ko. Palagi lang iyong papasok sa isip ko. At ayokong palaging ipapamukha at gagamitin against sa akin ng babae na yun yung katotohanan na yun. Hindi ko kayang i-take si Xandra. Mula noong umpisa pa lang ay mainit na yung dugo ko sa kanya. I might be irrational, shallow, and selfish, pero kung hindi siya kayang pakawalan ni Lance, ako na lang yung iiwas. Ayoko ng isang magulong relasyon at palaging may ibang taong pumapagitna doon lalo na kung isang babae. Ayoko rin yung ipinaparamdam sa akin na second priority lang ako. Gusto ko ng isang tahimik na buhay lang. Yung hindi ako masasaktan at kampante ako na wala akong dapat pagselosan. Hindi ko kaya na palaging may Xandra na nakabuntot kay Lance at palaging umeepal sa relasyon namin.

Tumagilid ako ng higa. Sumasakit na yung ulo ko dahil ilang gabi na rin akong halos walang tulog. Idagdag pa yung kakaisip ko sa mga problema ko sa amin ni Lance kaya parang gusto nang sumabog ng utak ko.

Bumangon na lang din ako kahit sobrang aga pa. Hindi rin naman kasi ako nakatulog dahil sa kaiisip sa nangyari sa amin ni Lance kagabi.

Bumaba ako at nagluto ng agahan namin. Seven o'clock pa kasi dumarating si Ate Dolor dito sa bahay. Hinango ko agad yung piniprito kong tocino. Para kasi akong wala sa sarili at natutulala kaya baka masunog pa yung niluluto ko.

Napahinga ako nang malalim at napatitig sa labas ng bintana. Ano na ngayon ang gagawin ko? Hindi naman yata tama na mag-stay pa ako rito sa bahay na ito kung hiwalay na kami ni Lance. Hindi ko kakayanin kasi maiilang lang ako sa kanya. Pero paano yung mga bata?

Napatingin ako sa baba nang biglang may pumulupot na mga braso sa baywang ko mula sa likod.

"Good morning, Mommy!" nakangiting bati ni Katie sa akin.

Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya rito sa kusina. Palagi na lang lumilipad yung utak ko.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Good morning." Yumuko ako para halikan siya. "Ang aga mo yatang nagising ngayon."

"Kasi po hungry na po ako eh. Si Kuya Jemie po naliligo pa."

"Sige upo ka muna dun sa chair. Tatapusin ko lang itong niluluto ko para maka-eat na tayo." Sinundan ko siya ng tingin habang sinusunod yung sinabi ko. Napahinga ulit ako nang malalim habang nangingilid yung luha sa mga mata ko. Sino na lang ang magluluto at mag-aasikaso sa kanila kapag umalis ako?

Inihanda ko yung mesa para makakain na kami. Papunta na sana ako sa taas para tawagin si Jeremy pero natigilan ako nang makasalubong ko sila ni Lance na nagbibiruan at nagtatawanan at parehong bihis na bihis na. Natigilan din si Lance nang magtama yung mga mata namin pero hindi siya kumibo.

"Mommy!" Tumakbo agad si Jem at yumakap sa akin. Umabot din siya ng halik tulad ng parati niyang ginagawa. "Good morning, Mommy!"

"Good morning. Katie's waiting for you already. Kumain na rin tayo dun."

He ran back to Lance and pulled his hand. "Daddy, bilisan mo po. Let's eat breakfast already."

Nagtama na naman yung tingin namin ni Lance pero hindi pa rin siya kumibo kaya napahinga na lang ako nang malalim habang sinusundan sila ni Jem ng tingin habang naglalakad papunta sa dining area.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon