Chapter 14

10K 290 65
                                    

Note: This chapter is dedicated to JeDylz dahil nakita na naman kita sa notifications ko bago ako mag-update ngayon. Nakaka-miss pala yung makukulit mong comments. Hehe!

Last flashback muna ito tapos present na ulit. Next time na lang yung continuation ng flashback pero in Lance's point of view naman yun.

Thanks for reading, guys! Hope you'll like this chapter! POST ULIT KAYO NG FEEDBACKS. Haha, alam kong makulit ako pero kinukulit ko talaga kayo para sipagin din ako mag-type at hindi yung lagi akong nakakatulog kaya wala akong nagagawa. Haha!

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Pagkaalis niya ay parang bumalik na naman kami sa dati. Maya't-maya na naman siya kung mag-text sa akin. Palagi siyang nagkukwento tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa trabaho niya. Naaaliw naman ako kaya ini-entertain ko 'yung mga messages niya. Minsan nga ay tumatawag pa siya para mangamusta.

But Lance Monteverde would always be Lance Monteverde. Parang kabute na paulit-ulit na bigla na lang mawawala at di na magpaparamdam, tapos paulit-ulit din na bumabalik. Pero this time hindi ko na alam kung magpaparamdam pa ba siya ulit sa akin dahil dalawang linggo lang ang nagdaan pero nawalan na naman kami ng communication.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot kahit na alam kong mali na maramdaman ko 'yun para kay Lance. Mahirap umasa sa kanya. Para kasi siyang bagyo—unpredictable 'yung ugali. Saka hindi ko dapat kalimutan na si Lance Monteverde ay walang babaeng sineseryoso. Come and go lang ang mga babae sa kanya base sa mga kwento ni Misty at ayokong maging laruan lang niya.

Dumating yung graduation day namin at tinutuya ko yung sarili ko dahil kanina pa ako parang timang na di mapalagay at pasulyap-sulyap sa paligid. Kahit na ikaila ko pa sa sarili ko ay alam kong umaasa pa rin ako na dadating siya tulad ng sinabi niya. Pero nang tinawag ako para umakyat sa stage para i-deliver yung speech ko, tinanggap ko na sa sarili ko na hindi talaga siya dadating.

Pagkatapos ng speech ay dinig ko yung malakas na palakpakan ng mga tao. Pero kahit na nakuha ko yung highest distinction, hindi ko pa rin makuhang maging lubos na masaya. Dama ko kasi na parang may kulang. Na may disappointment akong nararamdaman dahil hindi niya tinupad yung sinabi niya noong huli kaming nagkita.

"Nay!" tawag ko sa nanay ko kasama 'yung tatlo ko pang mga kapatid nang matapos na 'yung commencement ceremony at natapos na rin kaming mag-picture taking ng mga classmates ko.

"Zai! Anak!" Niyakap niya ako nang makalapit sa amin. "Naku, pinaiyak mo naman kami sa speech mo."

"Oo nga, Ate Zai. Sabi nga nung katabi namin sa upuan kanina, ang galing-galing mo raw. Tapos pati siya umiiyak din eh," sabi naman ni Mareza, yung bunso naming babae na nine years old at kakatapos lang sa grade three.

Ngumiti ako sa kanila. Niyakap ko siya pati si Jerick at Aidan. "Kaya galingan n'yo palagi mag-aral para consistent honor students kayo."

"Syempre naman, Ate Zai! Idol ka kaya namin!" sabi ni Aidan, 'yung twelve years old namin.

Tiningnan ko silang lahat bago binalingan si Nanay, at hindi ko napagilan na tumulo 'yung mga luha ko. Inabot ko sa kanya 'yung hawak kong diploma na nakalagay sa holder. "Nay, para po sa inyo 'yan. Thank you po sa lahat ng hirap n'yo para mapag-aral ako. Hindi ko po maaabot 'to kung hindi dahil sa inyong lahat." Kahit mahirap lang yung buhay namin, alam kong si Nanay talaga ang pinakanaghihirap para maitaguyod kaming lahat. At alam kong lahat ng mga kapatid ko ay nagsisikap sa pag-aaral nila para lahat kami ay makaahon sa hirap ng buhay.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon