May mga nagtanong sa akin kung bakit daw 31 na yung kasunod ng update ko last time. Nasaan daw yung 28, 29, 30. ILABAS N'YO, GUYS! BAKIT N'YO TINATAGO SA KANILA? Hehe! Di n'yo po talaga yun makikita kasi wala pa naman chapters 29 and 31. Ngayon ko pa lang po ipo-post ang 28. Ito po yun. Announcement lang po yung Untitled Part 31 na yun kaya di ko na pinalitan yung heading.
Anyway, this chapter is dedicated to ShaniLouReyes na mas kinikilig pa raw kina Lance at Zanny kesa sa love life niya. Haha! Girl, buti ka nga meron love life. Ako zero forever yata! Wahaha!
-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
This was my third day since I came back to work pero bakit parang tamad na tamad ako? Noong nakakulong lang ako palagi sa bahay ay inip na inip ako at gusto ko nang pumasok sa trabaho. Pero ngayon namang nandito na ako sa opisina ay parang gusto kong umuwi palagi. Pinipilit ko naman mag-focus sa trabaho pero hindi ko talaga magawa. Palagi kasing pumapasok sa isip ko si Zanny saka yung kakulitan nung dalawang bata.
I heard a knock on my door. "Pasok!" sigaw ko. Si Toffer lang naman ang allowed kumatok sa pinto ko at di na kailangang dumaan pa kay Trina, yung bagong secretary ko.
"Bro, tara na. Puntahan na natin yung construction site ng condo ni Mr. Chan sa Mandaluyong."
Napatingin ako doon sa digital clock sa ibabaw ng mesa ko. Past 1 na pala. Tumayo na ako at hinubad yung coat ko saka isinampay sa sandalan ng swivel chair ko. "Let's go," I told Toffer while walking closer to him.
We were already on our way out of my office when my phone suddenly rang. I felt my heart leaped when I saw Zanny's name on the screen. Pucha talagang babae ito. Hindi ko alam kung bakit ganito yung epekto niya sa akin eh. "Zanny."
"Lance, lalabas kami ng mga bata ha? Kanina pa nila ako kinukulit eh. Especially Katie. She wanted to watch Beauty and the Beast."
"Yes, Daddy! I want to watch Beauty and the Beast! Nood po tayo movie sa cinema, Daddy!" I heard Katie screamed in the background, figuring out that Zanny's phone was in speakerphone.
"Uwi ka na po, Daddy! Let's watch movie in the mall!" Jeremy screamed also.
Taena, ang aga pa para umuwi ako. Siguradong puputaktihin na naman ako ng panunukso ni Toffer nito.
Napatingin ako kay Toffer at nakita kong nakangisi na nang nakakaloko ang gago.
"Daddy Lance has to work, Jem and Katie. Tayo lang muna ang manonood, okay?" Zanny told them.
"Aaaaaah... It's more exciting to watch a movie with Daddy Lance eh," Katie complained.
"But, baby, hindi kasi pwedeng basta na lang aalis si Daddy sa work niya."
"Anong oras ba yung showing?" I asked Zanny while Toffer and I were riding the elevator.
"Hindi ko pa alam eh. Ipapasyal ko na lang muna yung mga bata habang wala pa. Anyway, kasama naman namin sina Kuya Gerard at Kuya Jarvis."
"Hindi ba pwedeng during weekend na lang manood?"
"You promised to bring them to Enchanted Kingdom on Saturday and—"
"Shoot! Yeah! And I promised to teach them how to swim on Sunday. Sige ganito na lang. Dadaan lang kami ni Toffer doon sa isang construction site sa Mandaluyong tapos kayo naman sa Mega Mall magpunta. Susunod ako sa inyo dun." Pagkatapos kong sabihin yun ay narinig kong nagsigawan yung mga bata. Napangiti ako. It really amazed me how simple things like this could make those children very happy already. Hindi ko naman kasi naranasan yung ganito noong bata pa kami ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...