Sowri, tinapos ko pa yung My Dear Heart bago mag-update. Hehe! Baka may makita kayong errors, pakiunawa na lang kasi pag nag-eedit ako eh nakakatulog na talaga ako. Sowri din di na ako maka-reply masyado sa comments n'yo. Busy na kasi sa school eh.
This chapter po is dedicated to JudyJhinAnneMaeBauti na excited masyado sa updates. Hehe!
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Pinihit ni Lance yung doorknob at pilit binuksan yung pinto. "Bakit ayaw bumukas?"
"May lock yan sa labas, di ba?"
"Since when?" tanong niya habang pinipihit pa rin yung doorknob nang paulit-ulit.
"Since before we even came to this house," I answered sarcastically.
"Jeremy! Open this door!" sigaw niya habang kinakalampag yung pinto. "Tangina, sinong tanga naman ang gagawa ng pinto na nasa labas yung lock?!"
"Baka yung kuya mo? Kasi dito nila ikinulong yung mga bata dati para turuan ng leksiyon dahil palaging nag-aaway."
He turned to look at me. "How did you know that?"
"Katie, told me before."
"Well, you know what? This is your fault."
"Hah! At ako pa talaga may kasalanan? Di ba ikaw yung naunang mag-tantrums diyan?"
Iniwan niya yung pinto at siniyasat yung laman nitong storage room until he found a chair. He dusted it off and sat on it. "Tangina ang init dito! Ang dilim pa!"
Kinalabit ko yung switch ng ilaw sa gilid ng pinto kaya lumiwanag. "Ayan po, Mahal na Hari. Mura ka nang mura. Pasalamat ka hindi ka pa naririnig nitong baby ko," halos pabulong kong sabi pero narinig pa rin niya.
"Baby mo lang?"
Hindi ko na siya pinansin. Wala siyang kwentang kausap eh. Umupo na lang ako sa sahig kahit medyo maalikabok saka sumandal sa pader.
Mga ilang minuto rin ang lumipas na hindi kami nagpapansinan nang sa wakas ay kinibo niya rin ako. "Hoy, dito ka na umupo. Baka bawal sa BABY KO na maalikabukan diyan."
Inirapan ko siya at dumukdok sa mga braso ko na nakapatong sa nakabaluktot kong mga tuhod. Ayoko na siyang patulan dahil naiinis lang ako at bawal sa akin ang ma-stress. Hindi ko alam kung galit pa rin ba siya o nang-aasar na lang kaya ganyan siya sa akin eh.
Ilang sandali pa ay narinig ko siyang gumalaw at naglakad saka umupo sa tabi ko. "Are you sleepy again?"
Hindi ko siya pinansin ulit.
"Or are you feeling dizzy again?" tanong ulit niya at hindi nakaligtas sa akin yung biglang pagbabago ng boses niya. Naging masuyo kasi iyon at malambing.
Hanggang sa naramdaman kong hinawakan niya yung gilid ng ulo ko saka kinabig at ipinatong sa balikat niya. Nag-init yung sulok ng mga mata ko dahil sa ginawa niya na yun. Kahit na mag-inis-inisan o galit-galitin pa siya sa akin, dama ko pa rin na may natitira pa rin siyang concern para sa akin.
Dumilat ako habang nakahilig pa rin yung ulo ko sa balikat niya. "Lance, may pag-asa pa bang bumalik tayo sa dati?" Yumakap ako sa katawan niya. Siguro ito na yung magandang pagkakataon para makapag-usap na kami para magkaayos na. "Sorry na sa nagawa ko, Lance."
He put an arm around my back and placed his other hand on my chin and raised my face before he dipped his head down and kissed my lips. Iyon lang yung ginawa niya pero automatic na natanggal ng halik na yun yung bigat na nakadagan sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Fiction généraleI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
