Chapter 47

11.1K 333 75
                                    

Guys, sorry, di ko mareplyan yung comments n'yo kasi sobrang busy na ng inyong lingkod na author at halos 4 na oras na lang ang itinutulog ko gabi-gabi bago pumasok sa school. Pero binabasa ko po sila pag may konting time ako.

This chapter is dedicated to MISAkilyn na nakikihula na rin sa mga mangyayari sa updates ko. Hehe!

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"YES! WE'RE GOING HOME ALREADY!" sigaw ni Jeremy at nagtatalon sa ibabaw ng couch nina Tita Bella.

"YEHEY!!!" sigaw din ni Katie at nakitalon-talon naman sa tabi ng kuya niya.

"Hay naku. Parang mga robot na biglang nalagyan ng bagong baterya. Ilang araw nang matamlay yang dalawa na yan. Ikaw lang pala talaga ang kailangan para sumigla ulit," natatawang sabi ni Tita Bella habang nakatingin sa mga apo niya.

Ngumiti ako sa kanya bago bumaling dun sa dalawang bata. "Jem, Katie, you might fall on the floor. Wag kayong tumalon," saway ko sa kanila.

Patalon silang bumaba saka tumakbo at yumakap sa akin. "Mommy, di ka na po aalis ulit, di ba?" Jeremy asked me.

"Yes, Mommy. You will stay with us forever and ever, right?" sabi naman ni Katie.

"Depende kung di na kayo magkukulit."

"Mabait po kami ni Kuya Jemie. Right, Kuya?"

"Yes! Mabait po kami ni Katie. Kahit po ask mo pa si Lala. Right, Lala?"

"Kayo mabait? Eh sino kaya yung napakaingay na batang atungal nang atungal sa phone kaninang tanghali? Nagwawala pa. Parang kinakatay na baboy," sabi ni Lance.

"SI KATIE!" malakas na sabi ni Jeremy.

"Di ako baboy! I heard you crying also last night because you can't sleep because you said you already miss Daddy and Mommy. Di ba po, Lolo?"

Natawa si Tito Caden. "Pareho lang kayong iyakin. At topakin."

"Uwi na kami sa bahay. Zanny's not feeling well since this morning. She just forced herself to travel," sabi ni Lance sa mga magulang niya.

Tita Bella and Tito Caden looked at me worriedly. "Medyo maputla ka nga, hija. Magpa-check up ka kaya muna," sabi ni Tita Bella

"Anemic lang po ako," kinabahang sabi ko. Sa totoo lang ay ayoko talagang magpakita sa kanila dahil baka makahalata sila sa kalagayan ko. Eventually, alam ko namang malalaman talaga nila lalo na at nandito na naman ako at titira malapit sa kanila. At natatakot ako sa mga pwede nilang isipin tungkol sa akin. I didn't want to lose their trust dahil napakabuti nilang mag-asawa sa akin.

I didn't even know how to tell Lance either. Alam kong pag nagpatuloy pa na palaging sumasama yung pakiramdam ko ay magtataka na talaga siya sa kung ano ba yung nangyayari sa akin. At natatakot pa rin ako. Hindi ko alam kung talaga bang gusto na niyang magkaanak o baka sinasabi niya lang yun para bolahin ako just to make me come back to him.

"Sige na. Go ahead. Mag-iingat kayo pauwi para makapagpahinga na rin kayong dalawa at malayo-layo pa yung ibinyahe n'yo," sabi ni Tita Bella.

"Ingat sa pagda-drive, Lance," paalala ni Tito Caden sa kanya.

"Yeah, yeah. You don't have to remind me that anymore. Hindi ko naman ipapahamak ang pamilya ko."

The three of us gaped at him. Did he really refer to us as his family?

"What?" parang nawiwirduhang tanong niya sa amin. Wala yata sa loob na nasabi niya yung mga iyon as if they just came from his mouth naturally and unconsciously.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon