Chapter 3

11.1K 291 32
                                        

This chapter is dedicated to tespurano. Welcome back from your home in Bacolod na walang wifi. Hehe! Thanks for reading! Stories ko agad ang naalala mo sa pagbabalik mo. 

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Nanghihina akong napaupo sa bago kong kama habang nakatulala sa maleta sa harap ko. Napahinga ako nang malalim. "Tama ba 'tong desisyon na ginawa ko? Mukhang di naman yata ako magugustuhan nung mga bata eh." Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama at tumitig sa kisame. Naalala ko na naman 'yung ginawa sa akin ng Monteverde na 'yun kanina. "Santa banana! Di yata ako tatagal sa bahay na 'to."

Napapikit ako at di ko maiwasang di maalala ulit 'yung mga nangyari two days ago at 'yung naging pag-uusap namin ni Teacher Misty that day.

Isa ako sa mga pre-school teachers na nagko-conduct ng free summer class para sa mga batang three to five years old sa school ni Teacher Misty. Nagulat ako nang biglang may lalaking sumigaw kaya napalingon ako at nakita ko si Monteverde. Kilala ko na siya mula college dahil bukod sa pinsan siya ni Teacher Misty na classmate ko noon ay may banda rin siya dati at tumutugtog sila palagi sa mga school programs. Ilang beses ko rin siyang nakasama noong college dahil kay Teacher Misty at noong nag-tutor ako ng mga pamangkin nila sa pinsan nila na si Kuya Karlo.

Tinawag niya 'yung batang malapit sa amin. Looked like the little girl was watching us while the children and I were singing under the tree. Namukhaan ko agad 'yung bata. Siya 'yung anak ng isa pang pinsan ni Teacher Misty na pumanaw kailan lang which was Lance's older brother. When I saw the little girl crying in front of her mother's casket, automatic na nanikip yung dibdib ko at parang gusto kong yakapin 'yung bata noon. Malapit at magaan talaga ang loob ko sa mga bata. Ganoon pa rin ang nararamdaman ko nang makita ko ulit si Katie na nakatayo ngayon sa di kalayuan. Kaya bwisit na bwisit ako nang marinig ko kung paano siya kausapin ng tito niya. Ang baliw lang! Di ba alam ng Monteverde na 'to 'yung pwedeng maging impact ng mga sinasabi niya sa personality nung pamangkin niya? Kaya di ko napigilang sumabad nung kausap niya 'yung bata. Kaso sinungitan pa ako ng hudyo! Wag ko raw siyang pakialaman. Gusto ko siyang habulin noon para kutusan. Sinong matinong tao naman kasi ang papatol nang ganun sa isang walang muwang na bata na naulila kailan lang sa mga magulang nito?

Later on my afternoon session with the incoming kindergarten pupils, sinundo ni Mommy Abby 'yung anak niyang si Hash. Sakto naman na sinundo rin ni Teacher Misty 'yung anak niyang si Yesha kaya nagkakwentuhan muna silang dalawa sa classroom ko habang naglalaro pa 'yung dalawang batang magpinsan sa mat area. Hindi sinasadya na marinig ko 'yung kwentuhan nilang dalawa. Ang lakas kasi ng boses nila at kami-kami na lang din naman ang naiwan sa loob ng classroom ko dahil sinundo na 'yung ibang mga bata ng guardians nila.

"Kamusta? How's your pregnancy with your second child? Sobrang excited siguro ni Kuya Gab. Naka-jackpot na siya finally!" natatawang sabi ni Teacher Misty kay Mommy Abby.

"Sinabi mo pa. Silang dalawa ni Hash 'yung super excited talaga. Madalas nagigising na lang ako sa umaga na nakalapit pareho 'yung mga mukha nila sa tummy ko at kinakausap 'yung baby kahit na two months pa lang naman si baby at di pa sila naririnig."

"Naku, ganyang-ganyan din si Yuseff at Yesha dati nung ipinagbubuntis ko si Yurika. Ang tagal naman kasing hinintay ni Kuya Gab at Hash 'yang baby n'yo na 'yan eh. By the way, alam mo bang wala talagang balak si Kuya Lance na i-enroll sina Jemie at Katie? Nandito nga kanina at nagpapahanap ng tutor. Ako 'yung nanghihinayang talaga. Lalo tuloy akong naaawa dun sa dalawang bata. Supposedly, ie-enroll na talaga dapat sila ni Ate Katelynne dito kaso nga the unfortunate thing happened to them."

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon