Note: This chapter is dedicated to japanese26. Thank you for reading my story and thank you for your comment on the last update.Guys, if any of you is getting offended when I'm putting curses (mura) on my updates, sorry ah. It's just my way of expressing my characters effectively. Kasi ang hirap naman kung gagawin kong napaka-wholesome ng stories ko at pati mga characters ko ay puro wholesome lahat. Mabo-bore lang kayo kung lahat ng stories ko eh ganun ang theme kasi di naman 'to children's story na bawal ang bad words at lahat naman ng tao sa totoong buhay ay may individual differences din. Ganun din po ang mga characters sa mga stories. Pag di ko pinagmura si Lance, ibang character na yun at di na si Lance yun. You get what I'm saying? Kasi yun talaga ang personality ni Lance at ng iba pang characters.
Sabi nga nung naging prof ko nung college, sa panahon ngayon pag nakarinig ka ng bata na nagsabi ng shīt, that doesn't mean na nagsabi na siya ng bad word because nowadays, yung pagmumura daw ay parang self-expression na lang at bigla na lang natin nabibitiwan unconsciously sometimes. Although hindi ko naman sinasabi na tama yung pagmumura. Oo nga at mali yun. Hindi maganda sa pandinig ng iba lalo pag matatanda ang nakakarinig at hindi dapat matutunan ng mga bata kasi nga bad yun. Sometimes we tend to judge other people also kapag narinig natin na puro mura yung lumalabas sa bibig nila kasi di tayo comfortable sa mga cursed words lalo na pag babae pa yung nagmumura. I'm also guilty of that kasi judgmental din ako minsan. Hahaha! Kaso sa panahon ngayon kahit saan ka magpunta at kahit anong lenggwahe pa yan, makakarinig at makakarinig ka pa rin ng mga taong nagmumura whether it's just an expression or baka galit na galit na talaga yung isang tao kaya nagmumura.
Yun lang po. Hindi po ako galit. Nagpapaliwanag lang. Sana may sense yung mga sinabi ko. Hehe! Anyway, hope you'll enjoy this chapter. More on Katie and Jeremy scenes in this chapter. Thanks for reading! Ignore n'yo na lang pag nakakita kayo ng errors.
-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"What came into those little brains of yours and you decided to do that thing ha?!" sigaw ni Monteverde dun sa dalawang bata habang nakatayo sa harap namin.
Tahimik lang na nakaupo si Jeremy sa tabi ko rito sa gilid ng kama habang nakatayo naman sa harap ko si Katie at pinupunasan ng wet wipes 'yung lipstick sa mukha at gilid ng mga labi niya na ginamit para magmukhang dugo. Puting-puti rin yung buong mukha niya na parang isinubsob sa isang palangganang baby powder.
"Di kayo sasagot? Do you really want to sleep outside the house?!"
"Sabi kasi ni Jemie kamukha ko daw si Mommy kaya matatakot daw si Zanary sa 'kin pag nakita 'ko. Kaya shinower niya yung face ko ng baby powder kaya nahaching-haching ako. Tapos nilagyan niya ng lipstip ni Mommy 'yung face ko para daw kunwari may dugo. Tapos nag-stand ako sa top ng chair para maging tall ako like Mommy."
"Eh bakit nga gusto n'yong matakot si Zanary?"
"Sabi kasi ni Jemie para daw malaman namin if Zanary really loves us, tatakutin daw namin siya. Pag daw umalis din siya like 'yung mga nannies na tinakot namin dati, hindi daw totoo na love kami ni Zanary."
Napahinto ako sa pagpupunas ng mukha ni Katie at napatingala kay Monteverde na mukhang natigilan din sa narinig na rason ni Katie. They were doing this thing because they wanted to prove if I really loved them and I wouldn't leave them even if they would try to scare me. It somehow stirred something inside me.
"Do you want Zanary to leave you?"
Umiling-iling si Katie saka yumakap sa baywang ko. "No! I want Zanary to stay because she's nice and beautiful, and she cooks delicious food."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...