Kagabi ko pa dapat ipo-post to kaso di na talaga kinaya ng powers ko i-edit dahil napipikit na 'ko at bumabagsak na sa akin yung tablet ko. Nagbabawi katawan ko ng tulog sa buong week na kulang na kulang ako sa tulog dahil sa work. Stressed pa ako sa makukulit na mga estudyante kong madakdak at sobrang ang hirap sawayin pati sa lechugas na mga DLL at teaching materials.
Anyway, this chapter is dedicated to ibitch159.
Enjoy reading, everyone!
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Wag mo siyang hahayaang mapagod kaya wag mo siyang hahayaan na gumawa ng mabibigat na trabaho. Stress ang number one na kalaban ng mga buntis kaya wag mo siyang bibigyan ng sama ng loob at mga problema."
Napatingin ako kay Ate Shaella nang tapikin niya ako sa braso. "Huy, are you listening to me?"
"Yeah."
"Kanina pa 'ko salita nang salita rito pero ang layo naman ng tingin mo. Importante 'tong mga sinasabi ko, Lance. You need to take care of her because the first trimester of pregnancy is very crucial and could be very dangerous also kasi diyan nagsi-start yung formation ng fetus sa loob ng tiyan niya. Isang pagkakamali lang, Zanary could have a miscarriage so you have to be very careful in treating her and in taking care of her."
Bigla akong kinilabutan sa mga sinabi niya dahil pumasok agad sa isip ko sina Gab at Abby at yung mga pinagdaanan nilang mga problema sa pagsasama nila nung dalawang beses na nakunan si Abby noon. "Ate Shae, pwede bang sa ibang araw mo na lang ako kausapin kapag malinaw na yung utak ko? Hindi ko rin kasi ma-absorb yung lahat ng mga sinasabi mo dahil distracted pa yung isip 'ko eh."
She nodded at me. "Sige, I'll just give you some leaflets and magazines about pregnancy para may guide ka. Basahin mo na lang para malaman mo kung ano yung mga dapat mong gawin para kay Zanary. Or you can also call me anytime or just come here in my clinic if you have questions," she told me as she gathered the things that she was referring to.
"Okay. Thank you."
Inabot niya sa akin yung mga yun saka ako tinitigan nang matiim. "Lance, don't you want the baby?"
"Hindi sa ganun. Alam ko naman na alam n'yong lahat na noon pa man eh allergic na 'ko sa idea na magkakaro'n ako ng asawa't anak sa future pero nagbago na yung pakiramdam ko na yun simula nung nakasama ko yung mga pamangkin ko especially Zanary. I just realized these past days that I already wanted to have my own family kaya nga naiinis ako kay Zanny because she kept her situation from me at wala siyang planong ipaalam sa akin na magkakaanak na kami kaya umuwi siya sa Tarlac."
"So nagkaro'n pala talaga kayo ng relasyon ni Zanary?"
"Yeah." I combed my hair with my fingers frustratedly. "Ganun ba talaga ako kagago sa paningin ng lahat, Ate Shae? Everyone's thinking that I couldn't change. That I'd always be the same irresponsible jerk that I used to be since I was young. Naiinis ako because even my own family thought the same way about me. Lagi na lang ganito kahit na sino pa yung mga nakakasama ko."
She looked at me understandingly and tapped my arm. "Unawain mo na lang, Lance. Pwede naman kasing hindi rin niya sinasadya yung mga bagay na yun. Hormonal kasi ang mga buntis kaya masyado silang moody. Madali silang mairita and they're very sensitive. They can easily be provoked to anger that's why they could be unreasonable and irrational a lot of times. Nagiging padalos-dalos tuloy sila when it comes to making decisions. You need to have a looooonger patience and understanding when you're dealing with Zanary now kaya wag ka nang magtampo sa kanya. Pag okay ka na, kausapin mo ulit siya nang maayos."
"Kamusta nga pala yung baby namin?"
"Zanary and your baby are both fine."
"Bakit parang palaging matamlay si Zanary at madaling manghina? Parang ang bilis niyang manlata at mahilo kaya palagi siyang higa nang higa."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Ficção GeralI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...