Chapter 2

11.8K 319 34
                                        

Note: Dedicated to SuperWattyAddict. Thank you for correcting my mistake on chapter 1. Hehe! Thank you for the SuperWattySupport sa lahat ng stories namin mula noon hanggang ngayon!

-AaliyahLee ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"What? Ang sabi mo sa 'kin sa phone nung isang araw ay hindi mo ie-enroll 'yung mga bata dahil lang sa ayaw mo silang ihatid at sunduin dito sa school. Tapos ngayon gusto mo namang ihanap kita ng tutor slash nanny para kina Jeremy at Katie? You're so unreasonable, Kuya Lance! What the hell's getting inside your mind?" Misty told me.

Nandito ako ngayon sa private office niya rito sa school niya. Isinama ko sina Jeremy at Katie dahil ayoko na ulit silang iwan sa bahay nang walang kasama. Ayaw pa nga sana nilang sumama sa 'kin. Kung di ko pa sinabing Tita Misty nila ang pupuntahan namin ay di pa sila magbibihis na dalawa. Nandoon silang dalawa sa labas hawak ang iPad nila sa may reception area kasama ang secretary ni Misty.

"Hindi mo nga kasi ako naiintindihan, Chebz! May sarili akong kumpanya na pinapatakbo pero hindi ko maasikaso nang maayos dahil dun sa dalawang pasaway na anak ni Justine! Ano'ng gusto mo, bumagsak 'yung negosyo ko? Tapos gusto mo pang maging yaya nila ako na taga-hatid-sundo nila rito sa school? Pucha naman! Ikaw may asawa ka na palaging nakaalalay sa 'yo sa pag-aalaga sa mga anak n'yo. Eh ako wala! Taena, di na nga nakakaligo araw-araw 'yung dalawang bata dahil muntik nang mabagok 'yung ulo ni Katie sa banyo nung minsang naligo siya mag-isa dahil ano naman ang malay kong magpaligo ng bata! Kung di pa pupunta si Mommy sa bahay paminsan-minsan, di pa mapapaliguan 'yung mga bata. Muntik pang sunugin ni Jeremy 'yung bahay nung isang araw dahil nag-short circuit 'yung microwave oven nung ginamit niya para mag-init ng pizza! Kung hindi ba naman mga maldito, inaaway nila 'yung mga katulong na pinadadala ni Mommy kaya nagsisilayas lahat!" Napasabunot ako sa buhok ko. "Tangna! Di ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko!"

Napanguso siya. "Delikado ngang maiwan sila nang walang kasama sa bahay. Mag-asawa ka na nga kasi," kalmado at parang balewalang sabi niya.

"Tangna, wag mo na 'kong simulan dahil araw-araw nang mainit ang ulo ko."

She rolled her eyes on me. "O sige maghahanap ako sa mga teachers ko rito kung may papayag diyan sa kalokohang "Wanted: Tutor Slash Nanny" na naiisip mo," nakangising sabi niya.

I widened my eyes on her. "Meron 'yan! Pilitin mo sila! Hindi pwedeng wala! Ikaw ang may-ari nitong school na 'to!"

"Eh baka naman five thousand lang ang ipapasweldo mo dahil sa sobrang kakuriputan mo. Walang papayag sa gusto mong mangyari. Twenty thousand ang starting salary ng teachers ko dito."

"Titriplehin ko sa sweldo ng regular employees mo. Basta mawalan lang ako ng sangkaterbang problema dahil dun sa mga bata na 'yun."

Napahampas siya sa braso ko. "Hanep ah! Yaman ni Lance Caden. Biglang naging galante."

"Nang-aasar ka na naman, Chebz—"

"Tita Misty! Si Katie po tumakbo palabas ng office mo!" sigaw ni Jeremy nang buksan nito ang pinto.

"Teacher Misty, si Katie po nakalabas ng pinto!" sigaw naman ng secretary ni Misty mula sa labas ng private office.

Napatakbo kaming dalawa ni Chebz palabas.

"Paanong nakalabas?" tanong agad ni Misty.

"Pumasok po kasi si Ma'am Arevalo para itanong 'yung schedule niya. Nakasalisi po si Katie sa may pinto."

"Shuckz! Alert all the security, Brenda, and tell them to search the school premises. Kuya, tara, hanapin natin sa labas. Brenda, call me if there's an update. Jemie, come with me."

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon