~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Daddy, is it true that we can see the baby inside that TV?" Katie asked me.
Natawa kaming lahat dito sa loob ng clinic ni Ate Shaella.
"Baby, that's not a TV screen. That's an ultrasound monitor. Mamaya lalabas na si baby boy diyan kaya makikita na natin yung itsura niya," I explained.
"Parang sure na sure ka talaga na baby boy ang laman nitong tiyan ni Zanary ah," sabi ni Ate Shaella habang may nilalagay sa tiyan ni Zanny na nakahiga ngayon sa kama.
"Sure talaga ako. Damang-dama ko. Baby boy yan. Teka, ano ba yan, toothpaste?"
"Ultrasound gel 'to, sira! Ginagamit 'to para lumabas yung image ng baby sa loob ng tiyan ni Zanary."
"Pwede na namin malaman kung ano yung sēx ng baby namin?" he asked again.
"Yeah, since it's sixteen weeks already. Pwede na natin makita yung sēx ni baby. Do you want to take a peek of that body part?"
"No," iling ni Zanny. "Ayoko munang malaman. Gusto ko may suspense pag labas ni baby."
"Okay lang. Sure naman ako na baby boy talaga si baby," I said confidently. "Ate Shae, bakit sobrang tagal naman lumabas?" I asked while she was running a device on the top of Zanny's stomach.
"Sandali lang. Masyado kang mainipin."
I kept looking at the monitor and to Zanny. She was holding my hand tightly while staring at the monitor also.
"How about you children, ano'ng baby ba ang gusto n'yo? Girl or boy?" Ate Shae asked them while performing the ultrasound.
"I want a baby girl. Kasi may Kuya Jemie na po ako eh," Katie answered while looking at her Tita.
"Me too, Tita Shae. I want a baby girl also para po may playmate na sa mga dolls niya si Katie," sagot naman ni Jem.
"Mga taksil kayo! Umuwi na nga kayong dalawa! Wala na naman akong kakampi rito!"
Hinampas ako ni Zanny sa braso ko. "Para kang bata, Lance. Pati mga bata pinapatulan mo."
"Ayan, nag-a-appear na," sabi ni Ate Shae kaya napatutok kaming lahat ng tingin sa monitor. "Lance, Zanary, Jeremy, and Katie, meet your little baby."
May nakita na nga kaming form ng baby na lumabas sa monitor. Bigla na lang akong kinabahan habang nakikita ko yung baby namin. It stirred something deep inside me and it's making me feel emotional. Napatingin din ako kay Zanny at nakita kong naluluha yung mga mata niya.
"Bakit po hindi colored? Di ko naman po makita yung mukha ni baby eh," nakangusong sabi ni Katie.
"Parang x-ray. Wala naman pong kulay," reklamo rin ni Jem.
Natawa si Ate Shae. "Gusto n'yong makita yung 4D ultrasound ni baby n'yo? That's clearer and you can see the face of the baby."
"Sige, Ate! Gusto ko yan," sabi ko agad.
Ate Shaella performed the 4D ultrasound. Bigla akong na-excite makita si baby boy nang mas malinaw. Sino kaya ang kamukha niya sa amin ni Zanny? Kahit naman alam kong gwapo ako, maganda rin naman ang fiancée ko. Who wouldn't want to have a boy version of your future wife? Napapangisi ako habang ini-imagine ko sa utak ko yung itsura ng anak ko pag ipinanganak na siya.
Anak ko! Shīt! Who would've thought that time would come when I'd be imagining in my head that I would become a father and would hold my own baby in my arms? Who would've thought that I'd be this excited? Tuturuan ko siya mag-basketball, football, golf, or any ballgames na gusto niya. Ako rin ang magtuturo sa kanya magmaneho. Ako ang maghahatid sa kanya sa school tulad ng ginagawa ko kay Jem. I'd teach him how to draw and paint. Siyempre dapat gayahin niya ako kasi sa kanya ko ipapamana yung kumpanya ko someday.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
