Note: This chapter is dedicated to RetzSelTorres. Thank you sa paghihintay mo ng update!
-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Pagkatapos ng pangyayari na 'yun sa bar ay hindi na ulit siya nagpakita sa akin. Hanggang sa nasanay na ako ulit na walang palaging nangungulit sa akin. Alam ko naman na kahit kailan ay hindi totoong magiging interesado sa akin ang isang lalaking katulad ni Lance Monteverde. Maaari ngang nagandahan siya sa akin noon pero para sa isang lalaking playboy na araw-araw ay nakakakita ng mga mas magaganda at sosyal na babae sa lipunan na ginagalawan niya, alam kong madali rin siyang magsawa sa babae.
Saka ito naman ang gusto ko talaga. Makatapos ng pag-aaral, makahanap ng trabaho, at makatulong sa pamilya ang pangunahing priority ko sa buhay. Wala akong planong pumasok sa kahit anong relasyon hanggang hindi ko naaayos ang buhay namin ng pamilya ko.
Hanggang sa dumating 'yung araw ng final demonstration namin nina Misty at Jones sa school. At kanina ko pa pinoproblema kung sino yung pakukuhanin ko ng video ng demo ko.
"Teacher Zanary, wala pa ba 'yung nanay at kapatid mo?" tanong ni Misty nang puntahan ako rito sa classroom ko. Kakatapos ko lang i-set-up 'yung LCD projector na gagamitin ko. At kumpleto na rin 'yung mga estudyante ko. Nag-text na rin 'yung demo evaluators namin mula sa university na malapit na silang dumating dito.
Umiling ako sa kanya. "Kaka-text lang at naiipit pa raw sila sa traffic eh."
Nanlaki 'yung mga mata niya. "Naku, pa'no na 'yan? Sino na'ng magvi-video nung demo mo? Naku! Naku! Kailangang-kailangan pa naman ng video dahil included 'yun sa portfolio natin."
Kanina ko pa nga pinoproblema 'yun dahil bukod sa mukhang hindi na makakaabot sina Nanay at Jerick ay wala ring video 'yung cellphone na gamit ko.
"Teka saglit ha. Gagawan natin ng paraan 'yan. Aba, baka naman nang dahil lang sa wala kang mai-submit na video eh magkaproblema ka pa sa graduation requirements mo. Running for Magna Cum Laude ka pa naman. Diyan ka lang ha. Hihila ako ng videographer for you." Lumabas nga siya at nang bumalik ay may hila-hila na sa kamay niya.
Napaawang yung bibig ko at hindi ko maikakaila na biglang bumilis 'yung pagtibok ng puso ko.
"Ayan! Imbes na gumala-gala ka sa buong school na akala mo supervisor ka, i-video mo na lang si Zanary para naman magkaro'n ka ng silbi," sabi ni Misty bago ako binalingan. "Si Kuya Lance na bahala sa 'yo, Zarry, ha. Good luck sa demo mo. Aja!" sabi niya bago lumabas ulit.
Nakatulala pa ako sa may pinto nang maramdaman kong may humawak sa baba ko at itinulak iyon pataas.
"Sara natin bibig mo. Nakaka-tempt halikan eh."
Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya. Tulad noon nakapaskil na naman 'yung pilyong ngiti sa mga labi niya.
"It's been a while. Long time no see, Zanary."
Hindi ko alam kung ano 'yung ire-reply ko sa sinabi niya kaya pinili kong maging civil na lang sa kanya. Isang buwan siyang hindi nagparamdam tapos ngayon feeling close siya. Ano'ng ini-expect niyang magiging pakikitungo ko sa kanya? "Pasensya ka na, Arch. Monteverde, naabala ka pa namin. Kailangan kasing i-video 'yung demo namin dahil kailangan naming isama sa portfolio 'yung CD ng final demo. 'Yung kapatid ko sana 'yung gagawa kaya lang nasa biyahe pa sila ni Nanay."
Kunot-noo niyang hinawakan 'yung kamay ko. "Why the sudden formality, Zanary?"
Pinili kong ignorahin 'yung tanong niya. "Pasensya ka na talaga. Pwede bang cellphone mo na lang 'yung gamitin para sa video? Sorry talaga. Makikisuyo na lang ako sa 'yo. Wala kasing camera 'yung cellphone ko eh. Kukuhanin ko na lang 'yung copy sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Fiksi UmumI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
