~❁✲❁**♥**❁✲❁~
I was zipping my bag when Jem and Katie entered my room.
"Mommy, we're ready to go!" sigaw ni Jeremy habang ngiting-ngiti at sobrang excited.
Nakabihis na sila para sa pagpunta namin sa port for the year-end reunion na gaganapin for three days sa yate ni Grandpa Andy. Pero natuon ang tingin ko sa suot nilang t-shirt. Naka-print kasi doon yung picture nila pero sa shirt ni Jeremy ay may nakasulat na "Obedient Kuya" at sa shirt naman ni Katie ay may nakasulat na "Sweet Baby Girl".
Alam kong si Lance ang may kagagawan nito. Napaisip tuloy ako na ganito pala talaga sila kapag reunion nila. Pinaghahandaan talaga yung mga isusuot nila para pare-pareho.
"Zanny, are you ready? Tara na? Tinatawagan na 'ko ni Grandpa eh," sabi naman ni Lance pagpasok sa pinto ng kwarto ko.
Napakunot yung noo ko at napaawang yung bibig ko nang makita ko naman yung t-shirt na suot niya kasi naka-print doon yung picture ko at may nakasulat sa baba na "Loyal Boyfriend ni Zanny".
"Ready ka na pala eh," sabi niya. " Ito naman ang isuot mo," sabi niya bago ngiting-ngiting iniladlad yung isa pang white shirt na hawak niya.
Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko yung picture na naka-print doon. It was a picture of him, shirtless while showing his bare muscled chest and chiseled abs with a caption at the bottom, "Lovely Girlfriend ng Hot & Sexy na si Lance".
Napahawak ako sa dibdib ko dahil para akong naeskandalo dun sa picture at dun sa caption. Umiling ako. "No way, Lance! I will never ever wear that shirt!"
"Bakit naman? Bawal dun ang may suot na naiiba. Dapat magkakapareho ng theme every family."
"Nakakahiya naman isuot yang t-shirt na yan! Pumili ka man lang sana ng picture mo na disente at di nakahubad!"
"Di naman ako nakahubad dito! May pants kaya akong suot dito."
Napahawak ako sa sintido ko. Paano ko kaya malalaman yun eh naka-cropped yung picture hanggang sa ibaba ng tiyan niya lang. Hay naku, ang baliw talaga mag-isip ng lalaki na ito. Nakakasakit ng ulo.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Nahihilo ka na naman, Zanny ko?"
"Sumasakit ulo ko sa 'yo."
"Grabe ka naman. Ayaw mo talaga?"
I shook my head. "Ayaw."
"Ikinakahiya mo ba na ako boyfriend mo?" he asked in a hurt tone.
"Nahihiya ako sa gusto mong ipasuot sa akin dahil ang laswang tingnan."
He pouted at me. "So malaswa pala tingin mo sa akin?"
Napanguso na rin ako. "Dapat kasi yung katawan mo sa akin mo lang ipinapakita at di mo ibinibilad sa mga mata ng ibang mga tao.
Napangiti siya. "Ang selfish naman ng girlfriend ko." Hinalikan niya yung mga labi ko. "Sorry na. Di ko na uulitin. Suot mo na 'to. For today lang naman. Pinaghandaan ko pa naman 'to kasi ilang years nang palagi na lang akong nag-iisa sa family reunion namin. Ako lang palagi yung single. Lahat ng mga pinsan ko puro may pamilya na. Ngayon ko lang na-experience mag-prepare nang ganito for the reunion. Don't worry next year picture na ni baby boy yung ilalagay ko sa t-shirt natin."
Kinuha ko yung shirt sa kamay niya. "Nagpapa-guilty ka pa eh."
Nilingon niya yung dalawang bata. "Pssst! Baba na kayo sa kotse. Bilis! Aalis na tayo."
"Yehey!!!" sigaw nung dalawa bago tumakbo palabas ng kwarto ko.
"Sandali lang," sabi ko sa kanya bago tumalikod para magpunta sa banyo pero hinila niya yung kamay ko. "Saglit lang. Isusuot ko lang 'tong t-shirt na pinagbuhusan mo ng sobrang effort," I told him mixed with sarcasm.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
