Chapter 34

10.8K 304 45
                                    

Tomorrow pa ang sched ko ng update pero dahil good vibes na ako at naliwanagan na sa mga pwedeng mangyari sa buhay ko, eto, mag-u-update na ako.

(⌒.−)====== ranked #4★

I'm so happy!

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Napabuga ako ng hangin pagkalabas niya ng pinto. Lumabas na rin ako rito sa banyo para kausapin sana siya nang mas maayos at para mag-apologize pero wala na siya rito sa kwarto at yung dalawang bata na lang ang inabutan ko. Napakamot ako sa ulo ko. Pucha! Ang tanga ko talaga eh.

"Daddy, where is Mommy Zanny going?" Katie asked me.

"Wait lang, Katie," sabi ko bago ko kinuha sa bag ko yung cellphone ko. I called Gab's number.

"Bakit?" tanong agad niya pagkasagot sa tawag ko.

"Ano'ng ginagawa mo pag nagagalit si Abby sa 'yo?"

Bigla siyang natawa. "Tinawagan mo pa talaga ako para tanungin yan? Anong hangin ang umihip sa iyo at manunuyo ka na yata ng babae ngayon?"

"Sira ulo! Wala akong panahon para makipag-asaran sa 'yo. Sagutin mo na lang yung tanong ko."

"Nilalambing ko. Kapag galit siya di ko muna kinukulit. Hinahayaan ko muna siyang kumalma. Mahirap makipagsabayan sa taong galit kasi di yun makikinig sa 'yo lalo na kapag babae. Complicated kasi sila mag-isip at lahat ng mga anggulo tinitingnan nila at isusumbat sa iyo kapag mainit yung ulo. Kapag okay na siya saka ko siya sinusuyo."

"Paano mo sinusuyo?"

"Nililigawan ko," sabi niya saka tumawa. "But kidding aside, Lance, nililigawan ko talaga. Binibigyan ko ng flowers o kaya ipinagluluto ko."

"Corny mo! Nanunuhol ka lang eh."

"Dude, hindi yung kakornihan ang tinitingnan ng mga babae sa isang lalaki kundi yung effort niya."

~❁*✲*❁~

Effort? Anong effort naman ang gagawin ko? Bibigyan ko rin ng flowers? Ipagluluto ko? Eh hindi naman ako marunong magluto.

"Daddy, is Mommy Zanny not going to eat with us?" Katie asked me while we're having lunch here inside one of the restaurants in this resort.

"Did you and Mommy fight again, Daddy? Umiiyak po kasi siya before siya lumabas ng room natin kanina eh," tanong naman ni Jem sa akin.

Sometimes I really hate how this children looked like their father so much. Ang gagaling mag-observe at mag-interrogate eh.

"May kasalanan ako kay Mommy n'yo and I want to say sorry to her kaya lang ayaw niya akong kausapin." Pucha! Ni hindi nga siya bumalik sa hotel room namin para sumabay mag-lunch. I didn't even know where she is right now.

Katie smiled at me. "Pag nagagalit po si Mommy Zanny sa amin ni Kuya Jemie, kini-kiss po namin siya tapos nawawala na po yung galit niya sa amin. You should kiss Mommy Zanny also para di na po siya magagalit sa 'yo."

I rumpled her hair at her innocence. Akala nila ganun lang din kadali yun para sa aming mas matanda sa kanila. "Bilis na. Let's finish eating para makapasyal na tayo. Baka makita natin si Mommy Zanny habang naglalakad tayo."

Pagkatapos kumain ay nagpunta kami sa mga kubol kung saan may mga tindang souvenir items.

"Daddy, oh! May butterfly keychains! Bili mo po ako para sasabit ko sa bag ko pag nagsi-school na rin po ako."

Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga butterflies kung bakit gustung-gusto sila ni Katie. Napansin ko kasi na ang daming designs na butterflies sa kwarto niya pati sa mga gamit at mga damit niya. "Ayun, butterfly shaped na pillows, gusto mo rin?"

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon