Chapter 45

11.7K 354 59
                                    

This chapter is dedicated to ramir35 na inulan ako ng comments na halos ang sinasabi lang ay puro sana matapos ko na itong story by first or second week of June. Hahaha!

Sorry, my lovely readers, pero medyo marami pa nang konting chapters ito bago matapos. Kanina pinapunta na ako sa school kung saan ako magtuturo at pinapapasok na ako nung principal mula bukas. Sobrang dami ko nang magiging mga trabaho pero pipilitin ko pa rin mag-update para sa inyo. Marami pa akong plans for this story and I will not sacrifice the quality of my plot para madaliin yung pacing ng story para lang matapos na siya agad.

Alam kong naiintindihan n'yo ako. Haha! Kailangan ko rin kumayod para sa amin ng pamilya ko. Thank you po.

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Nang magising ulit ako ay maliwanag na. Bumangon agad ako at nagmumog at naghilamos sa banyo. Nagpunta ako sa dining at inabutan ko si Aidan na inihahanda yung mesa. Binati pa niya ako bago ako pumasok sa kusina. Nakita ko si Mareza na nagluluto.

Inilibot ko yung tingin ko at pati sa labas ng bintana ay sumulyap ako.

"May hinahanap ka yata, 'Te?" puna ni Mareza sa akin habang hinahalo yung isinasangag niya.

"Sino naman ang hahanapin ko?"

"Wala na, Ate Zai. Bumalik na sa Manila kani-kanina lang. Ikaw kasi, lagi mong inaaway eh."

Parang nabitin yung paghinga ko dahil sa sinabi niya.

"Ganyan ba talaga? Kapag nasa tabi-tabi lang, binabalewala? Pero pag wala na saka hinahanap?"

Napanguso ko. Sabi ko na nga ba. Hindi talaga ako dapat naniwala dun sa lalaki na yun. Pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin kagabi eh susuko rin pala siya agad at lalayas. May nalalaman pa kunwaring I won't give up on you. Tss!

"Zai, gising ka na pala," sabi ni Nanay pagpasok sa pinto ng kusina. Inilapag niya sa countertop yung hawak niyang plastic ng mga gulay. "Dito, anak. Pakilagay na lang dito sa kusina iyang mga bitbit mo," sabi niya habang nakatingin sa may pinto sa likod ko.

"Good morning, Zanny ko!"

Napigil ko bigla yung paghinga ko at bigla na namang kumabog nang malakas yung dibdib ko nang biglang pumasok sa pinto si Lance.

Biglang bumunghalit ng tawa si Mareza habang nanunuksong nakatingin sa akin. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Isa pang baliw 'tong babae na ito eh!

"Bakit ka tumatawa, Mare?" tanong ni Lance paglapit sa kanya habang ipinapatong sa counter yung bayong at plastic ng mga saging na bitbit niya.

"Wala, Kuya. Si Ate Zai kasi. Na-miss ka niya saglit," sabi niya habang tawa pa rin nang tawa.

Napatingin si Lance sa akin habang nakangisi bago lumapit sa akin. "Na-miss mo 'ko?"

Inirapan ko siya. "Na-miss kitang barahin."

"Ayaw pa kasing umamin." Lumapit ulit siya doon sa bayong na dala niya kanina at may plastic na kinuha mula doon. "Eto oh. Ibinili kita ng white corn sa palengke. Sabi kasi ni Nanay paborito mo raw iyan kaya ibinili kita," sabi niya habang inaabot sa akin yung plastic ng mais.

Tumaas yung kilay ko habang nakatingin dun sa plastic na hawak niya. "Sumama ka kay Nanay sa palengke?" Namimili kasi si Nanay tuwing umaga para sa mga lulutuin niyang ulam para sa carinderia na binubuksan niya tuwing tanghali at gabi.

"Yeah!" he answered and smiled proudly na para bang isang napakalaking achievement para sa kanya ang makapunta sa palengke. "She taught me tips on how to buy things in the market para raw fresh ang mga mabibili ko. Saka kung paano tumawad sa mga tindera eh itinuro niya rin sa akin."

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon