Chapter 40

12.1K 364 190
                                    

This realization (5,712 words) chapter is dedicated to markiez11. Thank you for your comment on chapter 38. Sorry, di ko kasi pwede pagbigyan yung request mo at ng iba pang readers na bigyan ng new love interest si Zanary kasi first and greatest love ang gusto kong i-emphasize sa story na ito kaya nga di ko binigyan ng ibang karelasyon sina Lance at Zanny during the time na nagkahiwalay sila for almost 6 years. Gusto ko mula sa umpisa silang nagkita hanggang sa pagtanda nila ay sa isa't-isa lang nila naramdaman yung greatest attraction saka special feelings nila for the opposite sēx dahil sila talaga yung destined until the end.

Besides, guys, umiiwas na ako sa mga third party and love triangle chuchu na yan or kung gusto n'yo love square pa itawag natin para parehong bida eh may other parties. Haha! Kasi super common na yan sa mga stories eh. Pati ako nagsasawa na. Pwede naman ako maglagay ng conflicts sa stories ko na walang third party involved. Or kung naglalagay man ako, di ko binibigyan ng mahaba at malaking part yun sa story ko like si Xandra na dun sa bandang dulo ko na inilabas yung character niya. Ayun, sana maintindihan n'yo. Thank you!

Hope you'll all like this chapter!

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Why didn't you bring Katie at Jem here in our house?" tanong ni Hash sa akin habang nakaupo sa tabi ko rito sa couch nila.

"Kasama nila sa house namin yung mommy ko."

"Mommy mo po? Si Lola Bella?"

"Yeah."

"Papa said you don't like Lola Bella. Why po?"

"Secret." Kaya nga ako umalis dun kasi nasasakal ako sa mommy ko dahil alam niyang ako yung dahilan kaya umalis si Zanny sa bahay. Tapos iyak pa nang iyak sina Jem at Katie kaya nakadagdag pa yun sa guilt ko.

"Bakit po secret? Lola Bella is very nice. She's giving me stuffed toys whenever she's going here in our house."

"Gusto mo lang yatang bigyan din kita ng stuffed toys eh."

"Nope! Alam ko naman pong kuripot po ikaw eh."

Napatuwid ako ng upo. "Loko ka ah!"

She grinned at me. "Yun po kasi yung sabi ni Jem sa 'kin eh. He told me that you are very kuripot. Eh bakit ka po nagpunta rito sa house namin?"

"Gusto ko nga kasi makausap yung papa mo. Kanina mo pa tinatanong yan. Paulit-ulit ka lang eh."

"Eh bakit mo nga po gusto makausap si Papa?"

"Eh ikaw bakit sobrang daldal mo? Tanong ka nang tanong. Try mo kayang tumahimik."

"Hmp!" she said while pouting. "Jeremy told me in school mabait ka na raw po. Eh masungit ka pa rin po eh."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Pinagtsitsismisan n'yo pa 'kong magpinsan ha."

"Kinda." She looked around before she moved her face closer to me and whispered. "He told me and Yesha that you and Teacher Zanary are always kissing. Girlfriend mo raw po kasi si Teacher Zanary pero secret lang daw po namin yun saka bawal sabihin sa mommies and daddies namin."

Napaawang yung bibig ko. Kailangan ko na yatang pangaralan si Jeremy. Heck! Napakatsimosong bata. Baka kaya mabading yun.

I held Hash's hand. "Kayo ni Yesha wag kayong lapit nang lapit kay Jeremy ha. Nahahawa siya sa pagiging tsismosa n'yong dalawa eh."

"Oy, naligaw ka rito? At bakit sinusungitan mo na naman yung anak ko?" sabi ni Gab nang dumating din sa wakas.

"Baba!" sigaw ni Hash at mabilis na bumaba mula rito sa couch at sinalubong yung papa niya.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon