Chapter 52

13.1K 378 115
                                    

One week akong di nakapag-update. Sorry, super busy kasi talaga. Di ko magawang mag-type. Holiday nga dito samin nung Friday kaso maghapon naman ako nagpaka-Dora the explorer sa BIR, Landbank, Pag-IBIG, BDO, saka Philhealth. Kahapon naman nasa QC kami. Now ko lang nahawakan tablet ko.

Natawa ako sa comments n'yo sa last update. Magbabalik daw yung parents nina Jeremy at Katie. Hehe! Grabe ideas at imagination n'yo.

Anyway, I hope you'll all like this chapter. Enjoy reading!

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Wala nga rito yung mga amo ko kaya umalis ka na," narinig naming sabi ni Ate Dolor habang naglalakad papasok sa pinto pagkauwi namin galing sa lunch namin with Lance's family.

Nagkatinginan kami ni Lance. "Sino yun?" takang tanong ko kay Lance.

"Wag kang bastos. Hindi mo 'ko kailangang itaboy dahil kusa akong aalis kapag nakausap ko na si Lance."

Napataas yung kilay ko kay Lance nang marinig ko kung sino yung nagsalita.

"Nandito po si Miss XandWitch, Daddy!" sabi ni Katie.

Kumunot yung noo ko. "Miss XandWitch?"

Katie grinned at me. "Si Miss Xandra na witch po."

Napatingin ako kay Lance.

"Nagpunta kasi si Xandra rito sa bahay nung time na nagpunta ka sa Tarlac at napag-trip-an nitong dalawang bata."

"Eh bakit nandito na naman yung babae na yun?"

"Hindi ko na kasi sinasagot yung mga tawag niya kaya siguro nagpunta na rito." Inakbayan niya ako saka hinalikan sa pisngi. "Don't worry. I'm going to fix this, okay? Let's go."

Pumasok na kami sa loob.

"Eh, hindi ka nga welcome dito! Wala ka talagang kadala-dala. Gusto mo bang magmukhang pancake ulit na may chocolate syrup sa mukha? Kaya wag mo nang hintayin na si Lance pa yung magpalayas sa 'yo."

"What the—"

Nagulat ako nang makita kong itinaas ni Xandra yung kamay niya at akmang sasampalin na si Ate Dolor.

"Xandra!" sigaw ni Lance kaya napatingin siya sa amin.

"WITCH! BAD KA TALAGA!" sigaw ni Katie rito kaya kay Katie naman nito ibinaling yung matalim na tingin nito. Napayakap tuloy sa bewang ko yung bata.

"Katie, that's not good. You should not tell that to older people no matter how bad they are in your eyes," sabi ko.

She pouted her lips. "Sorry po," she told Xandra kahit nakabusangot pa rin yung mukha.

"Wow naman. Sobrang bait mo naman, Zanary, right? Baka naman lumagpas ka pa niyan sa langit," sarkastikong sabi ni Xandra sa akin bago binalingan si Lance at ngumiti nang pagkatamis-tamis na may halong pagmamakaawa. "Lance, I just want to talk to you. Please."

Lance turned to me. "Zanny, umakyat muna kayo ng mga bata. I'll just talk to her."

Tinitigan ko siya. Nag-aalala ako na baka maya-maya lang ay magpapadala na naman siya sa convincing powers at pang-aakit ng Xandra na yan at makakalimutan na naman niya na iyang babae na yan ang malaking dahilan kaya muntik na kaming magkahiwalay.

He smiled at me reassuringly. "Trust me?"

Tumango ako bago binalingan yung mga bata para umakyat na sa taas. Nag-usap na kami noon kaya alam kong kailangang kong ibigay sa kanya yung trust na hinihingi niya.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon