Chapter 19

10.1K 359 74
                                        

Note: Good evening! Sorry, now lang nakapag-update at ngayon ko lang din binasa yung mga comments n'yo dun sa previous chapter kasi di talaga ako nag-open ng notifications ko the whole week kasi baka kako ma-stress na naman ako. Haha! Sorry po sa kadramahan ko sa previous chapter. Hehe!

Pero maraming salamat po sa inyong lahat na nag-post ng encouraging comments. At least sure na pala ako na may supporters naman pala sina Lance at Zanny at marami rin nagmamahal sa story nila. Thank you po sa comments n'yo misslittletallgirl, RetzSelTorres, Bhebz0689, carmelpagalunan, Maeanpedereso, tespurano, cherelyn081993, mememepowpowpow, iamdinah2426, Fickleminded15, Rona_Bio, vickylogronio. At may reader pala ako from Kuwai, hello po Pauliejpj! At yung comment mo po ang pinaka nakapagpatawa sa akin, hnojibas83. Super grateful po ako sa support nyo kaya maraming salamat po sa inyong lahat! PATI PO SA MGA BUMOTO, THANK YOU!

PLEASE VOTE AND COMMENT PO ULIT! If ever may errors kayong makita, palagpasin n'yo na lang po kasi di ko na ito nadaanan ng third editing. Haha! Yes, ganun ako kametikuloso sa updates, ilang beses ko talaga ineedit para mas mapaganda ko yung updates kaya minsan natatagalan.

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Good afternoon po. Sino po sila?"

Bigla akong kinabahan nang marinig ko yung boses niya. Gago ka, Lance! Para kang tanga! Umayos ka nga!

"Hello po?" sabi ulit niya.

Napasandal ako sa dingding nitong malaking commercial building na project namin. Ang sarap talaga pakinggan ng malambing na boses niya.

"Hello po?"

"You managed to get on the top again, huh? Congratulations, Teacher Zanary." Ilang segundo rin akong naghintay ng sagot mula sa kabilang linya, napatingin pa ako sa phone ko dahil akala ko ay naputol na yung tawag dahil hindi siya nagsasalita. I was about to speak again pero naunahan niya ako.

"Lance?"

A smile broke my lips. "I thought you already forgot about me."

"Hindi! A-ano kasi. Na-snatch kasi yung cellphone ko dati eh."

Napatuwid ako nang tayo at biglang naasar. "Na-snatch? Saan?"

"Nung nagpunta ako sa PRC nung nag-file ako ng application ko for LET. Naglalakad kasi ako nun sa daan at may biglang humablot nung cellphone ko."

"Tangna, in-snatch lang? Hindi ka ba sinaktan?"

"Buti nga hindi eh. Pagkahablot nung snatcher nagtatakbo na palayo." I heard her giggled. "Lumang-luma na nga yun tapos wala pang camera pero napag-interesan pa rin. Lugi pa yung snatcher sa 'kin eh."

Anong klaseng babae ba to? Natuwa pa sa nangyari eh muntik na nga siyang mapahamak. "Don't use your phone when you're walking on the road. Mag-iingat ka nga dahil maraming nagkalat na mga gago sa daan lalo na pag gabi. Maganda ka pa naman. Tangna, pa'no kung na-rāpe ka?"

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon