Chapter 16

12.6K 323 154
                                    

Note: Nagmamadali! Will bring my dogs to their vet. Annual injection nila ng 5-in-1. Enjoy this chapter na lang. Thank you!

Vote and post your comments please!

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Katie, why are you eating very fast? Your food is spilling out of your plate."

"Kasi Tito Lance might be hungry already. I'll bring him food in his room."

Napatitig ako kay Katie. Sa kanilang dalawa ni Jeremy, napansin ko na siya yung mas attached kay Lance. Si Jeremy kahit malapit na ang loob ngayon sa tito niya ay parang medyo reserved pa rin. And Lance seemed to be liking Katie a lot already. Lumalabas na yung sweetness niya sa dalawang bata especially with Katie.

After they finished eating ay magkatulong nilang nilagyan ng pagkain yung isang pinggan.

"Sige, galingan n'yo ang pagsisilbi sa tito n'yo at baka sakaling makonsensya siya at magtino na," sabi ko habang pinapanood sila. "Sige pa, dagdagan n'yo pa. Ipaubos n'yo yan sa tito n'yong mabait ha?" sabi ko habang nilalagyan ni Katie ng ketchup sa ibabaw yung pinaglalagay nilang pagkain sa pinggan.

"Katie, Tito Lance doesn't like ketchup. Mustard sauce and honey kaya ang favorite niya!" sabi ni Jeremy.

"Then put mustard sauce and honey on top the of the ketchup, Jeremy," nakangisi kong sabi.

Naglakad kami pabalik sa kwarto ni Monteverde. Dala ni Jeremy yung pinggan na puno ng halo-halong mga pagkain habang maingat naman na naglalakad si Katie bitbit yung isang baso ng tubig. Binuksan ko yung pinto ng kwarto.

"Dāmn, Zanary. Papatayin mo ba 'ko sa gutom?" salubong ni Lance sa akin pagkabukas ko ng pinto. "I'm already starving to death!"

Tiningnan ko yung kasunod kong mga bata. "Get inside and feed your hardheaded patient."

"Tito Lance, eat ka na po," sabi ni Jeremy nang makalapit sa tito niya.

Nakita kong nanlaki yung mga mata ni Kulot saka napangiwi nang mapatingin doon sa laman ng pinggan na dala ni Jeremy. "Ganito rin ba yung kinain n'yo? Are you sure this isn't poisonous?"

"Yes! Luto po yan ni Zanny!" sabi ni Katie.

Kumutsara siya ng pagkain doon sa pinggan habang nakangiwi pa rin. Dahan-dahan pa niyang isinubo yun. "Pucha, nakakakilabot naman yung lasa nito. Pagkain ba talaga 'to?" sabi niya habang ngumunguya.

Gusto kong humalakhak habang pinapanood siyang kumain dahil parang masusuka na talaga siya dahil nagluluha na yung mga mata niya at namumutla na siya.

"Penge ngang tubig! Tumataas mga balahibo ko rito sa pagkain na dala n'yo."

Halos ipaanod na lang niya sa tubig yung pagkain para lang maubos niya.

"'Yan! Last one, Tito Lance! Open your mouth. Say aaaah!" sabi ni Katie habang hawak yung kutsara ng pagkain sa tapat ng bibig ng Tito niya.

"Aaaaaah..." sabi naman ni Lance habang nakatingin sa akin.

Napakunot ang noo ko at muntik ko nang maibato sa kanya yung hawak kong blister packs ng mga gamot niya nang sabihin niya iyon nang paungol at kumagat-labi pa. Ngumisi pa ang kampon ng kahalayan sa akin. "Mabaog ka sanang kampon ng kahalayan ka! Bwisit!" gigil na bulong ko.

Bigla siyang tumawa nang malakas. "Paano pa tayo magkakaanak niyan kung ipinapanalangin mong mabaog ako?"

Napalingon bigla si Katie sa akin. "Zanny, you already have a baby inside your tummy like Tita Misty and Tita Abby?"

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon