jaaaazzzzz, this chapter is dedicated to you. Matagal ka nang supporter ng stories ko at yung collaborated stories namin noon. Kahit noong hindi kita nakikita sa comments, I could see you voting the stories. Thank you very much!
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!
Guys, pasensiya na kayo. Siguro nakukulitan na kayo sa akin dahil palagi akong nanghihingi ng feedback sa inyo about sa updates ko. Gusto ko kasing malaman kung ano yung ideas na pumapasok sa utak n'yo about sa mga sinusulat ko. It kept me inspired and motivated to write when I know that you're loving the chapters that I'm writing.
MORE IMPORTANTLY, nakakakuha rin kasi ako ng ideas mula sa opinions n'yo. At madalas may mga nami-miss out akong details sa stories dahil ulyanin talaga ako at nare-remind lang ako kapag nababasa ko yung comments n'yo kaya nahahabol kong i-add yung details sa future updates.
MOST IMPORTANTLY, natutuwa akong magkaroon ng interaction sa inyo especially dun sa mga readers na talagang nakikipag-kwentuhan sa akin kaya mas nakikilala ko kayo deeper at yung iba nga sa inyo naging friends ko na rin. I really enjoy chatting with you, guys. Thanks for entertaining my messages also.
Kaya maraming salamat sa inyo, my loves. Hope you'll enjoy this chapter.
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Nakatitig ako sa picture na laman ng photo frame na hawak ko habang nakahinga rito sa kama ko. Picture namin yun ni Teacher Misty noong teacher's day last year doon sa stage sa loob ng gym. Hawak namin yung malaking bouquet ng flowers na bigay ni Sir Yuseff sa amin after ng teacher's day program. Si Sir Yuseff pa nga yung kumuha ng picture na yun at binigyan nila ako ng spare copy.
Nag-init na naman yung gilid ng mga mata ko. Sobrang bigat sa loob ko na iwan yung Torres Learning Academy. I had a lot of good memories from there with her, with all the faculty members, all the school staff, and most especially with all the children who became my pupils.
After I graduated in college, one of the best private schools in Quezon City hired me. When I topped the Licensure Examination for Teachers, mas lalo pang maraming schools ang nangulit at palaging tumatawag sa akin at pinipirata ako para lumipat sa school nila para sa susunod na school year. Malaki na kung tutuusin yung salary ko that time. Pero nang tawagan ako ni Misty at sinabing pinatayuan siya ng asawa niya ng school at hiring siya ng teachers, tinanong niya ako kung gusto ko raw ba na magturo sa school niya. Hindi dahil sa kung ano pa man pero napakalaki kasi ng utang na loob ko sa kanya. Classmates na kami since first year college. At kung hindi dahil sa mga pagtulong niya na paghahanap ng mga batang pwede kong i-tutor noon ay hindi ako makakaraos sa pang-araw-araw na mga gastusin ko dahil hindi naman sapat 'yung scholarships na natatanggap ko sa mga government agencies at bilang isang dean's lister. Nagpapadala rin kasi ako ng pera noon dito sa probinsiya namin para sa pag-aaral ng mga kapatid ko dahil mula nang mamatay yung asawa ni Nanay sa isang aksidente ay si Nanay na lang mag-isa yung nagtaguyod sa amin. He wasn't my real father pero itinuring ako ni Tatay Nando na parang tunay niyang anak noong nabubuhay pa siya. Hindi ko naman kasi nakilala 'yung tunay kong tatay. Australian daw siya sabi ni Nanay kaya nga hindi ko kamukha 'yung mga kapatid ko dahil mas mukha akong foreigner kaysa Filipino. Nag-DH kasi si Nanay sa Australia at doon nakilala yung tatay ko. And to make the story short, she fell in love with my biological father, nabuo ako, pero iniwan siya nung walang kwenta kong ama nung nalaman nitong ipinagbubuntis ako ng nanay ko.
Kaya noong tumawag si Misty sa akin, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin yung trabaho na inaalok niya. Gusto kong ako naman yung makatulong sa kanya kaya pumayag akong magtrabaho para sa kanya. Mahal na mahal ko yung trabaho ko sa Torres Learning Academy bukod pa sa napakaimportante para sa akin ng mga pinagsamahan namin ni Teacher Misty. Tinulungan ko siyang i-manage yung school. Dahil nga bago pa lang, we also did a lot of trial and errors in making decisions. Maraming beses kaming nagkamali sa mga desisyon namin sa umpisa pero dun sa mga pagkakamali na yun, dun kami natuto pareho. Mas naging matatag yung school until it prosper and prosper and became one of the leading private schools at this time.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Aktuelle LiteraturI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
