~✲QOMH 7 - Part 2✲~

9.6K 278 14
                                    

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Daddy, do you think they're still alive in the underground room?" Jeremy asked while we were eating dinner.

"Yeah. Nakaupo sila sa magkabilang wall pero hindi pa rin nag-uusap."

"How did you know?"

"May naka-install akong camera dun eh." He turned to me. "Dadalhan ko na muna sila ng pagkain. Baka gutom na yung mga yun."

Alam ko naman na hindi pa rin niya matitiis yung mga anak namin kaya naghanda ako ng pagkain sa isang plato.

"Mommy, sana po effective din yang technique na yan sa kanila like sa inyo ni Daddy before," sabi ni Katie.

"We'll see."

Pagkatapos naming kumain ay pinanood na naming lahat sa laptop ni Lance yung magkapatid doon sa underground room dito sa ibabaw ng kama namin. Hindi pa rin sila nag-uusap at hindi pa rin nila ginagalaw yung pagkain sa plato.

Around nine o'clock when Zailey finally walked towards the plate of food on the floor.

✲*✲*✲

"I'm already hungry," we heard him say and turned his head to Zendrix. At first he seemed hesitant to approach his brother. He looked at the plate of food again then returned his gaze back on Zendrix. "Gusto mo ng food, Zend?"

Parang nagulat pa si Zend dahil kinausap siya ng kuya niya. He was silent for a couple of seconds before he said his reply. "Bibigyan mo ba 'ko, Kuya?"

"Hati tayo kung gusto mo."

"Gutom na rin ako, Kuya."

"De kumain na tayo." He took the plate of food and brought it to Zend and they started eating together.

✲*✲*✲

Napangiti ako at napalingon kay Lance. A proud smile was also pasted on his lips while watching on what was happening on his laptop screen.

"Sana pagkatapos niyan di na po sila mag-aaway ulit," Jem said.

"Oo nga po. Next time di na kita tutulungan umawat sa kanila, Kuya Jemie. Nababasag yung pretty face ko eh," sabi naman ni Katie.

"Masyado pong malakas yung aircon n'yo rito sa room n'yo, Mommy," sabi ni Jem ulit.

"Pretty naman po talaga si Ate Katie like me," sabi naman ni Zean habang nakakandong sa Daddy niya.

"Awwww... Kaya super love ko si baby Zean namin eh," Katie said to her.

"Sobrang ginaw, Mommy. Lakas talaga ng aircon," sabi ni Jem ulit.

"Wag mo nang kontrahin kasi honest talaga ang mga bata," sabi ko sa kanya.

"Mga anak ko kasi kayo kaya natural talaga na maging pretty kayo pareho," sabi naman ni Lance sa kanila.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon