~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Daddy, are we really going home already? Gusto pa po namin mag-swimming ni Katie," Jem asked Lance.
"Yes, Daddy. Later na lang po tayo umuwi pag gabi na," sabi naman ni Katie.
"Katheryne, nakita mo na ba sarili mo sa salamin ha? Mukha ka nang batang negrita. Ngipin at mata na lang ang kita sa 'yo pag nasa dilim ka tapos ayaw mo pang tumigil sa kaka-swimming," sabi ni Lance sa kanya.
Nanulis yung nguso ni Katie. "Daddy naman eh! Si Kuya rin po kaya!"
"Mas maitim ka kaya sa 'kin!" sabi naman ni Jem sa kanya.
"Parehas lang kayong maitim kaya tama na ang swimming," sagot ko naman. "Besides, Jem, you still have to rest para di ka masyadong pagod at mapuyat because you still have classes tomorrow."
"Tama. Mahaba pa biyahe natin. Kaya lakasan n'yo kain para di na kayo magutom sa kotse mamaya," sabi ni Lance sa kanila.
Nandito kasi kami sa isa sa mga restaurants dito sa resort at kumakain ng lunch.
"Mommy, puputi pa bo 'ko ulit? Baka tuksuhin po ako ng classmates ko tomorrow eh," tanong ni Jem sa akin.
"Oo naman babalik pa sa dati yung kulay n'yo. Kaya lang medyo matagal pa. Saka pag nagbalat na yang mga sunburn n'yo, yun ang mahapdi."
"Don't worry. When we get home, I will soak you both in vinegar para pumuti kayo agad," sabi ni Lance habang ipinaghihimay ng isda si Katie.
"Si Daddy lagi na lang po kami niloloko ni Katie," sumbong ni Jem sa akin.
"Hindi pa kayo nasanay diyan. Mas matakot kayo pag naging seryoso yan. Hindi yan si Daddy Lance kung hindi yan loko-loko."
Tumingin si Lance sa akin. "Ako na naman ang nakita mo-"
"Oh! Look who's here."
Napalingon kaming apat doon sa babaeng nagsalita at nakaramdam na naman ako ng hindi maipaliwanag na inis.
"Xandra," narinig kong sabi ni Lance.
Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya kay Xandra na talagang bikini lang ang suot at di na nag-abalang takpan ang sarili. Tumayo pa siya nang lumapit si Xandra sa kanya at bigla siyang niyakap bago humalik sa pisngi niya.
Wow naman. Super friendly naman nila sa isa't-isa.
"I didn't expect to see you here, Lance."
"How are you? We haven't seen each other for quite awhile," sabi ni Lance sa kanya.
"Well, whose fault is that?" taas kilay na tanong ni Xandra sa kanya habang nakahalukipkip.
Natawa si Lance. "Medyo busy kasi sa kumpanya at maraming importanteng bagay na inaasikaso."
"Hindi ka naman yata sa kumpanya busy kundi sa ibang mga tao."
Nagpuyos yung kalooban ko nang pailalim niya kaming tiningnan ng mga bata. Ang kapal ng babae na ito para i-regard kami as ibang tao.
"Sira! Alam mo naman. Since I had my accident, hindi ako nakapagtrabaho nang maayos dahil sa cast ko kaya tumambak yung mga trabaho ko."
And him being here in this resort, spending his weekend with us was not considered as an important thing for him that kept him busy?
"By the way. Finna and Trish are also here with me. They missed you already too. You might want to see them too and join us later."
Lance smiled at her apologetically. "Sorry, pero pauwi na kasi kami eh."
Oo nga pauwi na tayo pero hindi mo man lang naalala na ipakilala kami ng mga bata diyan sa "kaibigan" mo. Grabe para kaming di nag-e-exist dito. Nakita mo lang yan, nakalimutan mo na agad na kasama mo kami. Lagi ka na lang ganyan. You also did the same when we encountered Miss Yuri in the mall.
![](https://img.wattpad.com/cover/94244480-288-k716188.jpg)
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Narrativa generaleI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...