Chapter 15

11.5K 341 67
                                        

Note: This chapter is dedicated to brokenjezz. (Bakit kaya brokenjezz name mo? Broken hearted ka ba? Haha! Nosy ako.) Thank you sa request mo ng update ni Lance sa message board ko. Eto na request mo. Salamat sa paghihintay.

Sa mga naka-miss kay Jemie at Katie, Fickleminded15 and Rona_Bio, eto na po sila.

PLEASE VOTE, COMMENT, POST A FEEDBACK. Thank you!

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Zanary, is Tito Lance not coming home tonight?" tanong ni Katie sa akin habang kumakain kami ng dinner.

"I don't know, Katie. Maybe he's still busy with his work in the office and he'll come home late later. Finish your food para maka-sleep kayo ni Kuya nang maaga." Itinuloy ko na rin ang pagkain kahit na nagtataka rin ako kung bakit wala pa si Kulot. It became very unusual na hindi namin siya kasabay sa dinner dahil lately ay palagi na siyang maagang umuuwi sa hapon.

Pagkatapos naming kumain ay nilinisan ko muna yung dalawang bata.

"Katie, brush your teeth carefully. You're always wetting your shirt whenever you're brushing your teeth." Hinawakan ko yung toothbrush niya para sana tulungan siya.

"Ako na lang, Zanary. I can brush my teeth already. Mommy said, I'm a big girl now."

"Zanary, please read a story for us before we go to sleep," sabi naman ni Jeremy habang naliligo siya sa kabilang glass panel.

"Mmmm!" sabi ni Katie bago nagmamadaling nagmumumog ng tubig. "Zanary, dun na lang tayo sa big bed ni Jemie. Then read us a story."

Pumayag naman ako. Bago kasi sila matulog sa gabi ay magkahiwalay ko silang binabasahan ng stories. Ngayon lang sila nag-suggest na sabay ko silang basahan. Sinamahan pa nila ako sa kitchen habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin bago kami umakyat ulit sa kwarto ni Jeremy para sa storytelling namin.

"And Carl became friends with all the other children in their village."

"Kasi good boy na si Carl?" tanong ni Katie sa kanan ko. Si Jeremy naman ay nasa kabilang gilid ko.

"Yes. Good boy na kasi siya at di na madamot sa ibang mga bata. And what are the lessons that you've learned from the story?"

"We have to share our food with other people!" Katie answered loudly.

"And our toys too!" pasigaw din na sagot ni Jeremy na nagtaas pa ng kamay.

"And help other people also!" sagot ulit ni Katie.

"We should not fight with other children!" sagot ulit ni Jeremy.

Nagtakip ako ng magkabilang tenga. "Ang ingay yata ng dalawang katabi ko. Nakakabingi eh."

Natawa sila pareho saka sabay pang yumakap sa akin. Katie kissed my cheek and giggled playfully.

"Sorry, Zanary," she said. "I love you."

Napalingon ako sa kanya. Parang gusto ko biglang maiyak dahil sa sinabi niya. Kaya gustung-gusto ko talaga ng mga bata dahil sobrang sweet and charming nila. "Really? Love mo 'ko?"

"Yes! Love ka namin ni Jemie. Right, Jemie?" Dumapa pa siya para makita yung kuya niya sa kabilang gilid ko. "You told me that you love Zanary also, right?"

Napalingon din ako kay Jeremy. Ngumiti siya sa akin bago isinubsob yung mukha sa braso ko.

Natawa ako. Nahiya pa 'tong little boy namin. "Love din kayo ni Zanary."

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon