~✲QOMH 5✲~

10.6K 307 70
                                        

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Katie, pakitulungan naman si Zailey sa art project niya sa school. Tinatapos lang namin ni Daddy itong project ni Kuya Jemie mo sa science," utos ko habang nandito kami sa den sa second floor ng bahay. It was almost the end of the school year kaya cramming kami sa pagtapos ng projects ng mga bata. Si Katie pa lang ang nakakatapos ng lahat ng projects niya. Si Jem naman ay nasa fifth grade na kasi kaya mas complicated yung school projects niya. He was currently doing his Math project right now kaya kami ni Lance ang gumagawa nitong solar system project niya. Zailey, on the other hand, was already in kindergarten.

Kahit papaano, sa kabila ng kidnapping incident na pinagdaanan namin noon ay naka-recover na yung mga bata sa inabot nilang trauma. Salamat na lang sa matiyagang pagtulong ni Kuya Jace sa aming lahat at nalagpasan na rin namin sa wakas yung point na yun ng buhay namin.

"Ididikit lang ba itong mga pebbles dito sa illustration board?" I heard Katie asked Zail.

"Yes, Ate," sagot naman ni Zailey.

"Ganito ba?"

"No, Ate. Sabi ni Teacher didikit daw po yan dun sa loob ng drawing."

"Ah, ganito?"

"Yes! Ganern!"

Napahinto kami ni Lance sa pagpipintura ng styro balls nang marinig namin yung sagot na yun ni Zailey. Lumipad bigla yung tingin niya sa mga bata, particularly to Zailey.

"What did you say, Zail?" Lance asked with widened eyes.

"Yes! Ganern!"

Lalo pang nanlaki yung mga mata niya at halos lumuwa na nga iyon. "AT TALAGANG INULIT MO PA HA!!!"

"Eh tinanong mo po, Daddy eh."

Natawa nang malakas si Katie habang dinidikit yung pebbles sa illustration board gamit yung glue gun.

Binitiwan ni Lance sa ibabaw ng Manila paper yung ginagawa niya saka lumapit kay Zail. "Bakla ka ba, Zailey McLaren?!"

Namilog yung mga mata ni Zail pati yung bibig niya. "What, Daddy? I'm not bakla! Boy po ako!"

"Eh bakit gumaganern-ganern ka?!" sita ni Lance sa kanya.

"Ikaw, Daddy, bakla ka po ba? Sabi mo po ganern-ganern din eh!"

Nakagat ko yung ibabang labi ko sa pagpipigil na matawa sa usapan nila. Pero si Katie ay talagang tawa na nang tawa habang pinapanood sila. Kahit limang taon pa lang kasi si Zail ay matalino talaga at magaling mangatwiran. Madalas kami pa yung binabaligtad niya kapag pinangangaralan namin siya. Medyo pilyo kasi siya pero kapag napaliwanagan naman nang maayos ay nakikinig naman. He was also very sweet and charming like his Dad. Between him and Zendrix, siya yung talagang carbon copy ni Lance mula ulo hanggang talampakan. Si Zend kasi kapag tinitigan ay kamukhang-kamukha rin ni Lance pero may biglang tingin na kahawig ko naman daw. Mas tahimik din si Zendrix kesa kay Zailey.

Teach Me How to Love (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon