(oT︵T)o Tinawagan na ako for work sa June 5 kaya di ko alam kung paano ko na niyan isisingit sa buhay ko ang typing ng updates. 2 months lang naman yun kasi substitute teacher pa lang ako pero isang retiree teacher na lang ang hinihintay ko before ako ma-permanent. 5 PDS pa nga ang need ko i-fill up after ko mag-update. Kaway-kaway sa mga public school teachers diyan na nakaka-relate sa akin!
Saludo ako sa inyong lahat na nakapasok sa DepEd na walang backer. Para ka palang sumusuot sa maliit na butas ng karayom dahil sa dami ng hirap na pagdadaanan mo kapag gusto mong sa public school magturo.
Anyway, this chapter is dedicated to dadadadadadaday na naghahanap ng story ni Yui. Pero di ko na po siya magagawan ng story. Dati may plano kami gawan siya pero dahil sa mga nangyari sa amin nung isang author ay nawalan na 'ko ng gana sa Freaks. Kaya pasensiya na po kayo.
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Pagdilat ko ulit ng mga mata ko ay umaga na. Hinaplos ko agad yung tiyan ko at napangiti agad ako. "Good morning, baby." Thinking about my baby was really exciting me too much. Para bang hindi na ako makapaghintay na makita siya at makarga sa mga braso ko. "Excited na 'kong makita ka, baby." But my smile slowly vanished when I suddenly remembered what happened last night.
"Baby, nagpunta yung daddy mo rito kagabi at natatakot si Mommy kasi baka malaman niya yung tungkol sa 'yo. Hindi ko kasi alam kung ano ba yung tamang gawin ko lalo na nung nagkausap kami ni lola mo kagabi. Gusto kitang itago at ilayo sa daddy mo pero alam ko naman na mali yun. May karapatan siyang malaman yung tungkol sa 'yo pati na rin yung mga pinsan mo at yung lolo at lola mo sa Daddy Lance mo. Kaya lang pagkatapos ng mga nangyari sa amin ng daddy mo, nasaktan kasi si Mommy sa mga ginawa niya sa akin eh. Mas binibigyan pa niya ng importance yung ibang tao rather than me and your cousins. He really love his bachelor life at natatakot si Mommy na baka pati ikaw ay balewalain lang din niya tulad namin nina Kuya Jeremy at Ate Katie mo."
Napahinga ako nang malalim habang nakatitig sa kisame. Naalala ko na naman yung mga nangyari kagabi.
"Bakit kaya iyon yung kinanta nung magaling mong ama kagabi?"
Inabot ko yung cellphone ko saka binuksan iyon. Ilang araw nang nakapatay yun mula nang bumalik ako rito sa amin. I typed a line from his song that I could still remember in the search engine of Google and the results appeared after some seconds.
"Falling In," bulong ko dun sa title ng kanta na lumabas. Pinanood ko yung lyrical video na nakita ko and I internalized the lyrics of the song while watching and listening to it. "Don't be scared, it's only love, Baby, that we're falling in," pabulong na ulit ko dun sa lyrics.
Napailing ako bago pinatay ulit yung phone ko. "Imposible. Maniniwala ka na naman tapos aasa tapos masasaktan ulit sa huli. Tigilan mo na ang pagpapakatanga, Zanary."
Nakakakilig na sana dahil gustung-gusto ko naman talaga kapag kinakantahan ako ni Lance. But the situation now was already different. Mas malalim na yung problema ngayon kaya sa tingin ba niya ay madadaan pa ulit niya ako sa pakanta-kanta at pangiti-ngiti niya?
He should've exerted more effort to prove himself worthy of my forgiveness. Nakakadismaya dahil hanggang ngayon, para pa rin siyang yung Lance noon na pa-easy-easy lang ang treatment sa komplikadong buhay at mga problema. Until now hindi ko pa rin maramdaman na mahalaga ako para sa kanya. Na seryoso siya sa akin. Siguro kailangan ko na lang talaga tanggapin na hindi kami yung para sa isa't-isa. Iba yung priorities ni Lance at hindi ko kayang mabuhay sa magulong mundo niya. Hindi ko ipapasok sa buhay na yun yung anak ko kaya mas mabuti pa ngang hindi na lang niya malaman na magkakaanak na kami. Ayokong makipagkumpitensiya pa kami ng anak ko sa atensiyon at priorities niya kasi masakit maramdaman na hindi ka pinahahalagahan ng buo. Na parang umaamot ka lang sa kakaunting atensiyon na pwede niyang ibigay sa iyo.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...