Pinilit kong tapusin 'tong chapter na 'to for you, mememepowpowpow, para umabot pa sa birthday mo. Hehehe! Ito na lang ang birthday gift ko sa 'yo, bhe. Thank you for the birthday treat, Sundate, movie date natin kanina sa Tri Noma! Hehe! Super nag-enjoy ako sa mga kwento mo at nakatagpo ako ng kaibigan na kasing daldal ko at kasing lakas ko tumawa.
She's just my reader who became my friend. And finally, we've already met today to celebrate her birthday.
Guys, nood kayo ng Despicable Me 3. Super nag-enjoy kami sa movie!
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Hindi ko naman siya itinatago sa 'yo. Ayaw lang talaga kitang puntahan because the last time we saw each other, you almost shattered my king cobra!" narinig kong sabi ni Lance habang naglalakad kami ni Jem sa hallway.
"Kasi gago ka!"
"Aray naman! Kung di ka lang buntis..."
"Ano?! Ano'ng gagawin mo sa akin?"
"Wala! Pasalamat ka mataas ang respeto ko sa mga buntis."
"Wow ha! Kelan pa?"
Halos tumakbo na ako dahil baka bigla niyang maisiwalat na buntis ako pero kailangan ko pa rin mag-ingat dahil baka matalisod ako o kaya ay mahulog sa hagdan.
"Umupo ka nga at kumalma ka. Baka dito ka pa mapaanak sa bahay namin."
"Nakakainit ka kasi ng ulo!"
"Bakit ganyan kayong mga buntis? Ang bibilis uminit ng mga ulo n'yo?"
"Oo nga po, Tita Misty. Parang si Mommy Zanny, mabilis din po uminit ulo niya," narinig ko pang sabi ni Katie.
"Teacher Misty!" sabi ko habang pababa ng hagdan.
"Hoy wag kang tumakbo! Pasaway ka talaga! Baka mahulog kayo ni baby boy!" sigaw ni Lance habang tumatakbo papunta sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Oo nga, Zarry. Baka mahulog kayo ni Jeremy," sabi naman ni Teacher Misty.
Whew! Buti na lang talaga at medyo slow siya.
"Ikaw, may kasalanan ka sa akin! Nag-resign ka na nga sa school ko, di mo pa sinabi sa akin na may relasyon pala kayo nitong kumag kong pinsan na 'to."
"Pwede naman sabihing gwapo. Kumag talaga, Chebz?"
"Tse! Epal ka nang epal! Di kita kinakausap! Lumayas ka nga sa harap ko. Si Zarry ang gusto kong makausap." Binalingan niya ako. "Hindi ko io-honor yung resignation letter mo. Nakakainis ka talaga. Nagre-resign ka dahil sa walang kakwenta-kwentang lalaking yan?"
"Hoy, Chebz, nakakasakit ka na ng damdamin ha," angal ni Lance sa tabi ko.
Hinawakan ko siya sa braso para patigilin siya. I turned to Teacher Misty again. "Pasensiya ka na kung hindi namin sinabi sa 'yo. Ang totoo kasi nahihiya ako dahil hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin mo. Noon pa lang kasi paulit-ulit mo na akong wina-warning-an tungkol sa kanya kaya lang..."
"Kaya lang nahulog ka pa rin?" Binato niya ng matalim na tingin si Lance. "Pati kaibigan ko kasi nilalandi mo! Wala kang patawad!"
"Kasalanan ko bang ipinanganak akong super handsome, very charming, and ultimately irresistible? And besides, di ko na siya kailangang landiin dahil college pa lang patay na patay na siya sa akin."
Siniko ko siya sa tagiliran. "Ang kapal mo talaga!" sabay pang sabi namin ni Teacher Misty sa kanya.
"Pero seryoso, Zarry, talagang sigurado ka na ba? Hindi ka ba natatakot sa lalaki na yan? Haragang babaero yan eh."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
