Di dapat ako mag-uupdate ngayon kasi hinihiram na itong laptop eh. Kaso malakas kayo sa akin eh.
This chapter is dedicated to ZeinStorm_143. Thank you sa palaging paghihintay mo ng update ni Lance at Zanny and thank you for loving this story!
MAGUGUSTUHAN N'YO ITONG CHAPTER NA ITO KASI DI NA MAGTATAGUAN SINA LANCE AT ZANNY JUST LIKE WHAT iamdinah2426 IS SAYING. HAHA! POST YOUR COMMENTS/ FEEDBACKS! PLEASE VOTE! THANK YOU!
-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Kakatapos ko lang magluto ng champorado. I thought it was good to cook something hot for merienda dahil malamig ang panahon dahil sa ulan. Naglagay ako sa dalawang bowl para sa mga bata. Nagtimpla na rin ako ng gatas nila. I put them all in a food tray and brought them to the living area.
"Jeremy, Katie, food is ready!" Kumunot yung noo ko dahil hindi ko na sila dinatnan sa couch pero nataranta ako dahil narinig ko yung tawanan at sigawan nila sa labas ng bahay.
"Santa banana! Sinabi nang wag sila lalabas dahil mababasa sila ng ulan. Pero mukhang naglaro pa yata sila sa labas." Inilapag ko sa center table yung tray na dala ko at mabilis akong lumabas ng pinto.
Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko silang nakikipaglaro ng ball catching kay Lance sa ulanan doon sa lawn sa harap nitong bahay. I was about to yell at them when I suddenly saw Lance unbuttoning his white long sleeved polo shirt. Pakiramdam ko ay nag-slow motion bigla nung hubarin na niya iyon at isinabit doon sa sanga ng isang halaman.
Natameme na ako dahil sa nakita ko. Hindi ko na magawang magsalita nang makita ko siyang nakipaglaro ulit sa mga bata. I could see how his muscles flexed whenever he was throwing and catching the ball. Napahawak ako sa dibdib ko at napalunok lalo na nang mapatingin ako sa abs niya.
"Santa banana..." Napahawak ako sa noo ko. Bakit parang bigla yatang uminit kahit malakas yung ulan?
"Mommy Zanny!" narinig kong sigaw ni Jeremy sa pangalan ko.
Biglang napalingon si Lance sa gawi ko at nagtama yung mga mata namin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. "Goodness! Nahuli niya 'kong nakatingin sa katawan niya!" natatarantang bulong ko sa sarili ko.
"Mommy, let's play ball!" sigaw ni Katie.
I blinked my eyes. "Umayos-ayos ka, Zanary!!!" kastigo ko sa sarili ko bago ko binalingan yung mga bata. "Di ba sabi ko wag kayong magpapabasa sa ulan dahil baka magkasakit kayo? Pasok na kayo rito!"
Nabura yung mga ngiti nila. Napalabi sila saka napatingin kay Lance.
Ako naman ay parang biglang sinilihan sa kinatatayuan ko nang biglang tumakbo si Lance palapit sa akin. Gusto kong tumakbo rin pero papasok naman sa loob ng bahay pero para akong itinulos sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Lalo na akong nataranta nang makalapit na si Lance sa akin.
Santa banana naman talaga! At lumapit pa! Wag mong ipangalandakan sa akin yang katawan mo! Lalong umiinit ang pakiramdam ko! Nakagat ko yung ibabang labi ko. Pati ako ay naeeskandalo sa mga naiisip ko.
Ngumiti siya sa akin. Shucks! Wag ka nga! Nang-aakit na naman yang ngiti at mga mata mo eh!
"Ang party pooper mo. Kita mong nag-e-enjoy yung dalawa eh."
Napalunok ulit ako bago tumikhim. I tried to compose myself. "At pag nagkasakit sila, enjoy pa rin ba yun? Ha?!"
"Sandali lang naman kami eh." He grinned at me. "Sali ka na lang para ma-experience mo rin mag-enjoy sa ilalim ng ulan."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
