Cursed Montreal's Kiss (CMK)

8.2K 185 16
                                        

THIS MESSAGE IS RELATED TO MY ONGOING AND FUTURE STORIES ABOUT THE CURSED MONTREAL'S KISS. AFTER THIS MESSAGE, MISTY AND YUSEFF'S SPECIAL CHAPTER WILL BE POSTED SOON.

As some of you may know, dati akong editor ng Faded Memories and Perfectly Matched pero hindi lang po basta editing ang ginawa ko sa kanila dahil marami po akong mga eksenang idinagdag sa kanila while editing them. At nakikihati ako sa account ng isa pa nilang author that time dahil dun ko pinost yung story ko na His Pretend Actions pati yung links ng story ni Lance ay pinost ko rin dun. But last December 2016, nag-decide akong i-post ang copies ng FM and PM rito sa main account ko dahil hindi na maganda yung pakiramdam ko sa account na yun at dahil alam kong may karapatan din ako sa stories na yun.

Aminado naman ako na may mga kasalanan ako dun sa isa pang author nila pero maraming beses na akong nag-sorry sa kanya at maraming beses na rin siyang nag-sorry sa akin. But despite those things, hindi pa rin namin maiwasang magkasakitan. Paulit-ulit na at siguro dumating na ako sa point where I already reached my limit. Sabi nga sa kanta ng The Red Jumpsuit Apparatus, "I've finally had enough." These past few weeks, nagdesisyon akong dumistansiya na kasi nakakasawa na yung napakarami at paulit-ulit na misunderstandings. Naisip ko nga na di lang pala sa mag-boyfriend-girlfriend o sa mag-asawa nangyayari yung ganito. Kahit sa friendship pala ay pwede kang mawalan ng gana pag puro away-bati na lang ang nangyayari sa inyong dalawa.

Pinili kong manahimik at di na lang kumibo pero may mga parinig at patama pa rin akong nababasa so I've decided to finally BREAK MY SILENCE. Para kasing lumalabas na nang-aagaw ako ng characters when in fact, hiningi ko yung permission to write the stories of Gab's children para umusad na sila. Binigay niya yun sa akin at kung kailan nakaisip na ako ng mga scenes saka niya binawi yung permission na yun. Then dumating yung time na sabi niya ako na lang daw ulit ang gumawa dahil di na niya mahuhugutan pa yung mga yun at di na niya maaasikaso dahil super busy siya. Humugot ulit ako at nag-isip ng scenes para sa plot ng stories nila. Kaso binawi ulit niya yung permission na yun. Ilang beses niyang ginawa yun sa akin hanggang sa nawalan na ako ng gana at motivation dun sa stories ng mga anak ni Gab. Pabago-bago ng isip. Nasaan ang word of honor dun? Buti sana kung sarili niya lang ang affected sa unstable mind niya when it comes to making decisions. Kaso pati ako naapektuhan. Sino ang gaganahan at matutuwa kapag nakaisip ka na ng mga isusulat tapos biglang babawiin yung permission sayo para isulat yung mga yun? Gusto niya siya ang gagawa ng lahat ng yun eh di nga siya umuusad sa paggawa ng updates dahil wala raw siyang time magsulat tapos ibibigay daw niya sa akin yung mga magagawa niya kung kelan siya may matatapos para ipa-edit sa akin, then ako na naman yung taga-fix pag may naging glitches dun sa takbo ng stories. Kaya ayun, sabi ko bahala na siya dun stories ng mga anak ni Gab at sana nga mapanindigan niyang tapusin lahat ng stories ng mga ANAK daw niya tulad ng sinabi niya. Then what? Sumama yung loob niya sa akin ng bongga dahil di ko na siya pinagbigyan kaya pinagbubura niya sa account niya na itinuturing niyang bahay daw ng mga characters niya yung mga stories ko dun? Wow, thank you sa ginawa mo. Sabi ko na nga ba, dadating yung time na palalayasin ako dun sa account na yun kaya tama lang yung desisyon kong umalis nang kusa at maglipat bahay.

Nag-decide na lang akong i-cut yung connection para di na lang ako ma-stress at matahimik na ako. Kasi mas natahimik yung buhay ko nung inilayo ko na yung sarili ko dahil bawat away ay nakakaapekto sa emosyon ko at sa mga bagay na ginagawa ko. No matter how much you value the friendship, dadating ka rin pala sa point na mapupuno ka at magsasawa na, at mas gugustuhin mo na lang na dumistansiya para matahimik na lang yung loob at isip mo.

One time, nag-conduct po ako ng survey kung gusto n'yo pa ba o hindi ko na ituloy yung idea ng CURSED MONTREAL'S KISS (CMK) sa future stories ko. Actually, mas marami po talaga ang nag-respond ng yes. But after what happened to me and the author who gave that idea to FM and PM, nag-decide po ako na wag na lang ituloy yun. Susundin ko na lang po yung sinabi ng isang reader sa akin na, "I think there is no need for you to put the CMK since it's (the other author's) idea. You can think of another plot for your own stories. And whatever it will be babasahin pa rin naman namin yun since maraming naghihintay sa iba pang montreal boys."

Ipinagpapatuloy ko pa rin po ang pagsusulat maybe because writing is also my passion ever since (kaya nga po pinost ko rin dito sa account ko yung RELATIONSHIP STATUS: MBIC na 4 years ago pa noong isinulat ko) and I want to inspire other people also with my ideas. Kaya maraming salamat po sa inyo na nagpatuloy sa pagsuporta sa akin dito sa account na ito at maraming salamat din po sa pagtitiwala sa ability ko.

If you think of yourself as an uneducated, hopeless, worthless, and stupid person, then nobody will ever dream and want to BECOME LIKE YOU ESPECIALLY ME because I value myself for God created me with the purpose to inspire and educate people. Paparinggan at patatamaan pa talaga ako sa quote na dino-down kita eh ikaw naman mismo ang walang tiwala at nagdo-down sa sarili mo. Nagtiwala ako sa kakayahan mo. Alam mo yan dahil paulit-ulit kong sinasabi sa 'yo na magaling ka. Pero wala na akong magagawa kung walang kwenta talaga ang palaging tingin mo sa sarili mo. REMEMBER THAT YOU CANNOT GIVE WHAT YOU DO NOT HAVE. Kaya kung puro ganyan ang tingin mo sa sarili mo, hopelessness, worthlessness, and stupidity rin ang maibibigay mo sa ibang mga tao. Only you and no one else can judge yourself best dahil ikaw lang ang pinaka nakakakilala sa sarili mo. So instead of sulking there and putting down yourself, why don't you just do ways to improve and make yourself become better. Prove to me that you can really stand on your own because if there's one good thing which came out of these situations, napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko palang tumayo sa sarili kong mga paa at hindi ko na kailangang magtago pa sa anino ng ibang tao para matuklasan ko na may talento rin pala ako sa pagsusulat.

SO PEOPLE, NEVER EVER TREAT YOURSELF AS A WORTHLESS PERSON BECAUSE GOD CREATED YOU TO BE ON THIS EARTH FOR A PURPOSE. WE ARE ALL SPECIAL IN HIS EYES. KUNG MALIIT ANG TINGIN N'YO SA SARILI N'YO AT WALA KAYONG TIWALA SA SARILI N'YO, PAANO PA MAKIKITA NG IBANG TAO YUNG HALAGA N'YO?

Yun lang po. Pasensiya na ulit at nag-MMK na naman ako. Iniisip n'yo siguro na ano ba paki n'yo sa gulo namin. Kailangan ko lang ilabas yung bigat sa loob ko para wala na akong iisiping mga ganyan na pampabigat sa loob ko dahil na-express ko na yung side ko. Maraming salamat po, readers, at nangangako ako sa inyong lahat na kahit wala na ang CMK ay gagawin ko pa rin lahat ng makakaya ko para mabigyan kayo ng magagandang istorya.

Siya, out na muna po ako at itutuloy ko na yung naudlot kong typing ng special chapter nina Misty at Yuseff na nung January ko pa sinimulan. Thank you!

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

Teach Me How to Love (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon