This chapter is dedicated to imugene. Ito na yung heartbreaking scene na sinasabi mo. Hehe! Thank you for reading and sharing your opinion on the previous chapter.
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Napahinga ako nang malalim nang mapasulyap ako sa wall clock. Almost midnight na pero wala pa rin si Lance. Pangatlong araw na siyang ganito kaya palagi na rin siyang hinahanap ng mga bata dahil hindi na siya nakakasabay sa amin kumain ng dinner. May hinala ako na kasama niya palagi sina Nixon at Xandra dahil noong isang araw ay narinig ko siyang kausap sa cellphone niya si Nixon.
Humugot pa ako ng isa pang malalim na buntong-hininga bago umakyat para matulog na. Sumasama na naman kasi yung loob ko kay Lance. Nababarkada na naman siya at natatakot ako na baka one of these days ay bumalik na naman siya sa dati.
Naalimpungatan ako nang marinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko. Alam kong si Lance iyong pumasok dahil kahit naman noon pa, tuwing late siyang nakakauwi ay dumadaan talaga siya sa kwarto ko para ipaalam na nakauwi na siya. Hindi ako gumalaw sa pagkakatagilid ko sa kama. I didn't even open my eyes to greet him. I just pretended that I was still sleeping. But the past three nights were different from tonight.
I felt the bed dipped down and his arm wrapped around my body. Hindi niya ako ginising unlike what he was always doing before. He just kissed my lips and went out of my room already.
Napadilat ako at hindi ko maiwasan yung paninikip ng dibdib ko. He smelled alcohol just like the other midnight. Napa-paranoid na naman ako. Paano kung si Xandra yung palaging kasama niya?
Kinabukasan ay pinilit kong itrato pa rin siya nang normal. Ayoko kasi na sasabihin na naman niya sa akin na wala na naman akong tiwala sa kanya.
"Daddy, saan po tayo papasyal sa Saturday and Sunday?" Katie asked him while sitting on his lap in front of the dining table.
"Next week na lang, Katie. May lakad ako sa Saturday night eh." Napatingin siya sa akin habang inilalapag ko sa mesa yung mga pagkain na iniluto namin ni Ate Dolor. "Sasama lang ako kila Nixon. Ayaw akong pakawalan eh. Ang tagal daw kasi nila akong hindi nakasama."
Tumango ako kahit gustung-gusto ko na siyang batukan. Parang hindi kasi ako makahinga habang nakikita ko yung disappointment sa mukha ni Katie at Jeremy. Every weekends kasi ay palagi silang ipinapasyal ni Lance sa kung saan-saan. This week ay halos hindi na nga siya nakakasama ng mga bata dahil palagi siyang late umuuwi and now he's going to spend his weekend with other people instead of the children eh ilang gabi na nga silang magkakasama ng mga kaibigan niya na yun. Besides, they're not good influence to Lance. Tuwing sila yung kasama ni Lance, nagiging kaugali nila si Lance.
"Katie, go to your seat now and let's eat. Ihahatid pa natin si Kuya sa school," I told her.
Agad naman siyang bumaba mula sa kandungan ni Lance habang takang nakatingin si Lance sa akin.
"Bakit ihahatid n'yo si Jem?" tanong agad niya dahil siya na talaga ang naghahatid kay Jeremy sa school bago siya pumasok sa office at kami naman ni Katie ay sumusunod na lang doon para sunduin yung kuya niya.
"Masyado ka kasing busy lately. Nakakahiya naman sa 'yo. Baka naiistorbo ka na namin masyado," sabi ko habang nilalagyan ng pagkain yung plato ng mga bata. Umupo na ako sa tabi ni Jem dito sa kabilang panig ng table. Ayokong tumabi kay Lance dahil isa siyang malaking bwisit.
"Zanny-"
"Jem, bilisan mong kumain. Ikaw din, Katie." Nagsimula na akong kumain at hindi na pinansin si Lance kahit ilang beses ko siyang nahuling nakatingin sa akin na parang may gustong sabihin. Hindi na ulit siya nag-attempt na kausapin ako. Alam kasi niya na kapag iniiwasan ko siyang kausapin ay bad trip ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Ficción GeneralI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
