~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Langya, Lance. Seriously?" sabi ni Kuya Mark habang hawak yung shirt na suot ni Lance at binabasa yung nakasulat. "Loyal Boyfriend ni Zanny."
Biglang nagtawanan yung mga pinsan niya at asawa ng mga ito. Nasapo ko yung noo ko habang nakayuko. Sinasabi ko na nga ba at magiging katuwaan kami ng lahat dahil sa mga pinaggagawa ng lalaki na ito.
Nandito kami ngayon ng mga pinsan ni Lance sa living area para magkwentuhan dahil kakatapos lang namin kumain ng dinner.
"Zanary, wag kang mahiya sa amin dahil alam naman namin na si Lance ang may kagagawan ng mga t-shirt n'yo na yan," sabi ni Ate Marionne sa akin, yung asawa ni Kuya Migz.
"Nasaan na yung King of all Playboys?" tanong naman ni Kuya Migz.
"Nakalibing na," sagot ni Lance.
Nagtawanan ulit yung mga pinsan niya lalo sina Daddy Gab at Teacher Misty.
"Dapat yung picture na nilagay mo diyan, Kuya Lance, eh yung nakaposas ka. Tapos may tali ka sa leeg habang hila-hila ni Zarry yung dulo," sabi ni Teacher Misty habang tawa nang tawa.
"Tapos ang caption sa ilalim eh I'm a Slave for Zanny," sabi naman ni Daddy Gab habang nakikipagpalakasan ng tawa sa mga pinsan nila.
"In short, ANDER KA NA RIN!" sigaw sa kanya nung iba pa niyang mga pinsan.
"WHOOOO! MABUHAY! ANDER! ANDER! ANDER SI LANCE!"
"Pucha! Tigilan n'yo nga ako! Mga wala kayong magawa sa buhay n'yo! Tumalon na lang kaya kayo sa dagat!" pikon na sigaw ni Lance.
"Pikon! Di ba sabi mo noong college pa ako masaya ka sa buhay mo at ayaw mo ng sabit at sakit ng ulo?" sabi ni Teacher Misty sa kanya. "I told you na ipagdadasal ko na dumating na sa buhay mo yung babaeng magpapasakit ng ulo mo but at the same time eh magpapatino sa 'yo. Voila! Answered na ang prayers namin ni Grandpapsie at Tita Bella!"
"But this was the latest, Chebz," singit ni Daddy Gab. "Remember two years ago, dito rin sa reunion natin? He said he will stay bachelor forever and ever and we promised na puputaktihin natin siya ng panunukso pag nabaliw na rin siya sa pag-ibig. Ito na yun, Chebz! Ito na yoooon!!!"
"Yeah! I could still remember that! At ano nga ulit yung sabi niya nun, Kuya Gab?" sabi ni Teacher Misty bago sila napabunghalit ng tawa ni Daddy Gab.
"Tangina n'yo! Di na kayo nakakatuwa! Tumigil na kayo!" Lumapit si Lance sa akin at tinakpan yung magkabilang tainga ko. "Wag kang makinig sa kanila, Zanny ko."
Tinanggal ko yung mga kamay niya habang napaupo na si Daddy Gab sa lapag habang hawak-hawak yung tiyan sa sobrang katatawa. "IPAPAPUTOL NIYA RAW YUNG JUN-JUN NIYA PAG NANGYARI YUN!!!"
Napahagalpak kaming lahat ng tawa. Pati yung mga nanay at tatay nila na nandun sa kabilang panig ng living area ay nagtatawanan na rin dahil sa usapan dito sa grupo namin.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...