Chapter 4

10.4K 304 35
                                        

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Kaya mo 'yan, Zanary! Wag mo na lang isipin at pansinin 'yung kulot na bakulaw na 'yun. Titigilan ka rin nun pag di mo siya pinansin. 'Yung mga bata ang purpose mo sa bahay na 'to kaya sila lang dapat ang pagtuunan mo ng pansin."

Tumango-tango ako bago nagbihis ng damit pambahay at lumabas ng kwarto ko. Mamaya ko na lang aayusin 'yung mga gamit ko sa closet. Maglilinis na muna ako dahil di ko na ma-take 'yung itsura ng bahay na 'to.

Bumaba ako at nilibot yung buong bahay. Hindi lang pala sala ang puno ng mga kalat. Pati dining area at kitchen ay mukhang dumpsite na rin.

Pumikit ako at huminga ng malalim bago naghanap ng garbage bags at mga cleaning materials. May nakita akong storage cabinet kung saan nakalagay yung mga 'yun. Sinimulan kong linisin ang mga kalat sa sala. Mamaya na lang ako lilipat sa dining area at sa kitchen.

Inilagay ko muna lahat ng mga kalat sa garbage bags at itinambak sa labas ng pinto sa likod ng bahay. Tatanungin ko na lang mamaya 'yung mga guards kung saan pwedeng itapon ang mga 'yun. Kinolekta ko 'yung mga toy cars and robots saka dolls at hinanapan ng mapaglalagyan sa itaas ng bahay. Pagbalik ko sa living area ay saka pa lang ako nag-vacuum ng couch at ng carpeted floor sa living area. Habang nagpupunas ako ng center table ay di ko maiwasang napatingin dun sa nakasabit na wedding portrait sa dingding.

Lumapit ako doon at tinitigan iyon nang husto. Alam kong magkamukhang-magkamukha si Monteverde at 'yung kuya niya base doon sa picture na nakalagay sa gilid ng casket ng kuya niya noong dumalaw kami sa lamay dati. Pero pag pala tinitigan sa malapitan ay saka lang makikita 'yung difference sa kanilang dalawa. Maamo ang mga mata ni Atty. Justine kaya mukhang napakabait. Si Kulot naman ay mga mata agad ang mapapansin mo kapag napatingin ka sa mukha niya because they looked so powerful like the eyes of his grandfather. He had a deep set of eyes, 'yun bang nakakalunod pag tumitig sa iyo at pabago-bago ang expressions na makikita mo doon. Madalas ay parang nang-aakit. Minsan naman ay parang mabalasik. Pero isa lang ang masasabi ko, tuwing napapatingin ako sa mga mata na iyon ay palaging pumapasok sa isip ko na naghuhumiyaw ang mga iyon at sinasabing playboy at bad boy ang nagmamay-ari sa kanila.

Napatingin naman ako dun sa babae. Napakaganda niya. Maputi at napakaamo ng mukha. Para kong nakikita si Katie twenty years from now. Magkamukhang-magkamukha kasi silang dalawa. Si Jeremy naman ay kamukha ni Atty. Justine. The couple looked perfect for each other. They were both smiling lovingly in that photo. Bagay na bagay sila. Sayang lang at maagang binawi 'yung mga buhay nila.

I couldn't help myself to utter a small prayer for them. "Wag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po 'yung mga anak n'yo."

Nang matapos ako ay lumipat na ako sa dining area at pagkatapos ay sa kitchen. Kasalukuyan kong kinukuskos itong sink nang bigla akong nakarinig nang malakas na pag-iyak kaya napatakbo ako para hanapin kung saan nanggagaling 'yun. Pagdating ko sa living area ay nakita ko si Katie na nag-iiiyak habang hinahagis 'yung mga throw pillows sa sahig.

Santa banana. Kakaayos ko lang ng mga 'yun eh. I suddenly had the urge to stop her but I restrained myself.

"Katie, why are you crying?"

Napatalon 'yung bata at gulat na napatingin sa akin. "Who are you?!" tanong niya habang lalo pang nilalakasan 'yung pag-iyak niya. "Bakit ginugulat mo 'ko?!"

Lumapit ako pero napahinto din agad nang bigla siya tumili habang patuloy sa pag-iyak.

"JEMIE! JEMIE! MAY STRANGER DITO SA HOUSE NATIN!" tili niya bago dinampot 'yung isang throw pillow at tumakbo palapit sa akin. Pinaghahampas niya ako nun kaya nagulat ako. "Siguro thief ka! You stole my dolls! Ibalik mo dolls ko! JEMIE! MAY THIEF!!!" she shrieked again.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon