This chapter is dedicated to enlocco. I really chose this chapter for you kasi mahaba at may mga revelations si Zanny about the past, at dahil favorite ko ito. Hehe! My simplest way of showing gratitude to all your encouragements and for believing in my writing ability. Hope you'll like this chapter. Thank you.
-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Tadaaaa!" sabi ko kina Katie at Jem habang hawak yung mga damit na pampalit nila.
"Kanino po yan, Daddy?" Jem asked me.
"Dun sa katabing unit. May mag-asawa dun na may mga anak na maliliit. Hiniram ko pero wag ko na raw ibalik. Medyo malaki lang 'tong mga damit para sa inyo pero pwede nang pagtyagaan kesa sa wala kayong maisuot."
"Okay po, Daddy. I'll change my clothes already," sabi ni Jem bago kinuha sa akin yung damit niya. "Katie, wag kang titingin sa akin ha," sabi niya bago nagsimulang magbihis.
"Tss! Nahiya ka pa. Ano naman ang makikita ni Katie sa 'yo, little birdie?"
"Lalaki rin po itong little birdie ko pag lumaki na 'ko!"
Natawa ako. I turned to Katie on the bed. "Change ka na rin ng clothes mo. Or do you want me to call Mommy Zanny to help you?"
Umiling siya. Nakasimangot pa rin. Napabuga ako ng hangin bago lumapit sa kama at umupo sa harap niya.
"Bakit kasi ayaw mong kausapin si Mommy Zanny mo? Are you mad at her?"
She shook her head again.
"Hindi naman pala eh. Then why don't you want to talk to her?"
"Because she lied to me and to Tita Misty. Mommy Katelynne and Daddy Justine said it's bad to lie."
Kinarga ko siya saka inupo sa kandungan ko. Tinawag ko rin si Jeremy at tinulungang isuot yung t-shirt niya bago pinaupo sa tabi ko. I turned to Katie again. "She didn't want to lie to you and to Tita Misty but she had to do that. Ayaw kasi niya na malaman ng ibang tao, especially Tita Misty and your Lala and Lolo, na girlfriend ko na siya."
"Why po? Ayaw po niya na girlfriend mo siya?"
Napangiti ako sa sarili ko. She's just four years old pero naiisip na talaga niya yung mga bagay na ito. "Gusto niya syempre. Sino naman ang aayaw maging girlfriend ko? Sa gwapo ko na ito? Kaya lang complicated kasi at mahirap pang ipaintindi sa inyong dalawa dahil masyado pa kayong bata. Ayaw niyang malaman ng iba na girlfriend ko siya because she's afraid na baka paalisin siya nina Lala at Lolo sa house. Do you want her to leave us?"
She shook her again. "No."
Si Jem naman ang tiningnan ko. "I don't want Mommy Zanny to leave us too, Daddy," he answered.
"Then promise me na secret lang natin na girlfriend ko si Mommy Zanny at boyfriend niya ako. Wala kayong pagsasabihan na iba. Okay?"
"Promise po!" they said in unison.
I turned to Katie again. "Kakausapin mo na ulit si Mommy Zanny, okay? She's very sad because she thought you're mad at her. Pag siya naman ang nagtampo dahil ayaw mo siyang pansinin, baka iwanan na talaga niya tayo."
"I will talk to Mommy Zanny already, Daddy. Magso-sorry na po ako sa kanya."
Napangiti ako. "That's my girl. Oh and by the way. Matulog kayong dalawa nang mahimbing dito, okay? Wag n'yo kami iistorbohin ni Zanny sa kabilang room. Baka dun pa kayo makitulog eh."
"Bakit po, Daddy?" Jem asked.
"Kasi..." Napaisip ako. Taena, anong palusot ba sasabihin ko para di kami maistorbo ni Zanny mamaya? "Kasi yung mga mag-boyfriend at mag-girlfriend, they need quality time together for each other. ALONE. Kasi pag di sila madalas magkasama, baka magkahiwalay sila. Gusto n'yo bang magkahiwalay kami ni Mommy Zanny n'yo? Di ko na siya magiging girlfriend."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Aktuelle LiteraturI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
