Chapter 41

10.1K 333 77
                                    

This chapter is dedicated to noramunonbenjamin. Natatawa ako sa mga ideas mo para kina Lance at Zanny. Hehe! Sige galingan mo pa manghula sa mga mangyayari.

Guys, super haba na pala ng chapter na 'to nung tina-type ko kaya hinati ko sa dalawa kasi sa sobrang haba niya, di ko tuloy natapos i-type kagabi. Haha! Kaya magpo-post na lang ako ng continuation nito bukas.

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Kumain na kayo. We're gonna be late for your Christmas party."

"Daddy, hindi na po ba talaga babalik si Mommy Zanny dito?" Katie asked me for the nth time.

"I still don't know yet, Katie. Kumain ka na," utos ko sa kanya.

"Call mo po yung cellphone niya tapos sabihin mo po sa kanya na bumalik na po siya," sabi na naman niya.

"I tried for a hundred times already pero naka-off pa rin yung phone niya."

"Paano po pag di na talaga siya bumalik? De wala na po kaming mommy ni Kuya Jemie forever," sabi niya at nagsimula na namang umiyak.

Napahinga ako nang malalim bago lumapit sa upuan niya. I knelt on her side and embraced her. "Babalik siya. I'll make sure that she'll come back to us. Kaya kumain na kayo para makaalis na tayo." I wiped the tears on her face and kissed her cheek before I whispered on her ear. "Ibabalik ko si Mommy Zanny rito house so stop crying already."

"Promise, Daddy?"

I smiled at her. "That's a promise, Katie."

"Raise mo po yung right hand mo."

My smile widened before I raised my right hand. "I promise."

"Daddy, ayoko na lang po magpunta sa Christmas party. Hindi na po kami magiging happy ni Katie dun kasi wala naman po si Mommy Zanny eh."

Napalingon ako kay Jeremy. "You're Mommy Zanny's expecting the two of you to attend that party. Do you want her to be sad when she learned that you didn't attend that party?"

"Ayaw po," sabay na sagot nila sa akin.

"Besides, sasamahan ko na nga kayo di ba? Ayaw n'yo bang makasama ako?"

"Gusto po," sagot ulit nila.

"Kaya nga kumain na kayo. Don't worry, I'll make sure that she'll be there in our family reunion." Bumalik na ako sa upuan ko para kumain. Actually kahit ako ay nawawalan na rin ng ganang kumain. Lalo kapag napapatingin ako doon sa usual seat ni Zanny rito sa harap ng dining table sa tabi ng upuan ni Jeremy. Nakaka-miss na presence niya lalo na yung pag-aalaga niya sa amin. Pangalawang araw pa lang niyang wala rito sa bahay pero pakiramdam ko ay ilang taon na namin siyang hindi kasama. Parang sobrang laki ng puwang na iniwan niya sa buhay naming tatlo ng mga bata. We were not complete without her here with us.

Tama pala yung sabi nila na mas malalaman at mas maa-appreciate mo yung presence ng isang tao sa buhay mo kapag nawala na sila sa 'yo. I could live without my friends but it felt like I couldn't breath without Zanny in my life. Sobrang tanga ko para hindi ma-realize agad yun habang magkasama pa kaming dalawa.

~❁*✲*❁~

"Enjoy na enjoy lahat pero 'yang dalawang chikiting mo ayaw man lang mag-join sa mga games," sabi ni Misty habang kumakain kami rito sa loob ng classroom nina Jem kasama yung classmates niya at guardians ng mga yun. Nakaupo lang kasi sa upuan yung dalawa all throughout the party at hindi namin mapilit na sumali. Especially Katie dahil nahihiya sa classmates nina Jem, Yesha, saka Hash na hindi naman niya kakilala.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon