I was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Jeremy, let's go. Uwi na tayo," tawag ko kay Jem habang nakikipaglaro sa mga classmates niya sa school playground.
He took his bag from the ground and ran towards me and Katie.
"Bilisan natin. We need to get home as fast as possible. Katie, walk faster, anak." I grabbed her hand and pulled her towards the parking area.
Nag-attend pa kasi ako ng PTA meeting for them. Bumalik muna ako sa pagtuturo this school year kahit na mabigat sa loob ko na iwan sa nanny at nurse sina Zailey at Zendrix. Kapag kasi hindi pa ako bumalik sa trabaho within five years of not practicing my profession, hindi na ako makakapagturo ulit not unless if I took another 12 units of educational course. Naaawa tuloy ako sa dalawang pinakabunso ko dahil hindi ko sila matutukan. Zailey was just three years old and Zendrix was only two. Wala naman akong planong iwanan yung profession ko dahil mahal ko iyon at ayoko naman na nag-iisa si Lance na nagpapakahirap kumayod para sa aming lahat. Pero priority ko muna yung mga anak namin habang maliliit pa sila.
"Mommy, why are we in a hurry? Dahan-dahan lang po. Baka po matipalok ako," Katie told me.
Jeremy laughed at her. "Anong matipalok? Katie, it's matapilok."
"That's just the same, Kuya. Naintindihan mo pa rin naman yung sinabi ko, di ba?"
Napangiti na lang ako dahil mula noon hanggang ngayon ay palagi pa rin itinatama ni Jeremy yung mga wrong words na nasasabi ng kapatid niya habang si Katie naman ay palagi siyang iniirapan at sinisimangutan kapag ginagawa niya iyon.
"Kasi naman ang bata-bata mo pa pero yung may heels pa na school shoes ang ipinabili mo kay Daddy," I told her.
Hindi kasi ako nakasama sa mall noong ipinamili ni Lance ng school things itong magkuya dahil nagbabantay ako kina Zail and Zend that time sa mansiyon. And Lance being a spoiler father, palagi lang naman siyang sumusunod sa mga gustong ipabili nitong mga bata na parang palaging nagtatapon ng pera. And Katie was also very kikay and a certified fashionista even at her young age. Lahat ng magustuhan na damit, sapatos, at accessories sa mall ay palaging ipinabibili sa Daddy niya kaya nga gustung-gusto palagi nung mga bata na siya ang kasama sa mall dahil palaging nakukuha ng mga ito yung mga gusto nila. Alam kasi nila na kapag sa akin ay di pwede yung ganun. Kaya lagi kong sinasabihan si Lance na wag sanayin at i-spoil yung mga bata sa ganun dahil ayokong lumaki ang mga ito na materialistic at dahil lumalabas din na para akong kontrabida tuwing tumatanggi ako sa mga gusto ng mga bata tapos siya ay payag lang nang payag sa kanila. Kuripot siyang tao pero pagdating kasi sa mga anak namin ay gusto niyang palaging ibinibigay yung mga luho ng mga ito.
"Kasi naman, Mommy, my classmates are always teasing me. Pandak daw po ako."
I smiled at her. "Darling, hindi ka pandak. Medyo maliit ka lang talaga."