Chapter 10

12.8K 417 96
                                    

WARNING: MAGPAPAIYAK AKO!
BWAHAHA! ψ(`∇')ψ  Sinubukan kong i-edit to habang nakasakay ako sa UV Express kahapon papuntang QC pero di ko nagawa dahil nagluluha talaga ako at halos tumulo na sipon ko. Haha!

Hello, Rona_Bio! Thank you sa pag-aabang mo ng update. At dahil miss mo na si Lance, sabi niya sa 'yo ko raw i-dedicate yung chapter na 'to. Hehe!

Thank you sa lahat ng mga nagbabasa, bumoboto, and most especially sa lahat ng nagko-comment! Hope you'll like this chapter! You'll see Lance's soft side in this chapter.

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Pagkahintong-pagkahinto ng kotse ni Lance dito sa loob ng memorial park ay halos sabay pa kaming bumaba at sinuong ang malakas na buhos ng ulan.

"Saan dito?" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo kami pareho.

He grabbed my hand and pulled me towards the direction of the tomb of his brother. "This way!"

Ilang beses kaming lumiko sa mga musoleyo. "Malayo pa ba?"

"Fūck! He's there!" sigaw niya sabay turo doon sa isang malaking glass mausoleum sa di kalayuan.

"Jeremy!" sigaw ko habang tumatakbo kami palapit sa kanya. Nasa labas lang siya nung musoleyo at babad na rin sa ulan.

"Jem!" sigaw ni Lance at noon lang lumingon si Jeremy sa amin. Binitiwan niya 'yung kamay ko nang makalapit kami kay Jeremy saka siya lumuhod sa harap nito. He cupped the face of the wailing boy with his hands. "Bakit nagpunta ka rito mag-isa? Alam mo bang kanina pa kami hanap nang hanap sa 'yo?"

"Gusto ko dito na lang ako kina Daddy at Mommy. Ayoko na umuwi sa inyo. Lagi mo lang ako pinapagalitan. Di n'yo naman ako love pero si Mommy and Daddy alam ko love nila 'ko. Kaya dito na lang ako sa kanila."

Hindi ko na napigilang maiyak nang husto sa mga sinabi niya. Umupo na rin ako sa tabi ni Lance para matingnan nang husto si Jeremy. "Jeremy, kaya nga di ko kayo iniiwan ni Katie kasi love ko kayo pareho. Sina lolo and lola, worried na worried din sila sa 'yo at hinahanap ka rin nila ngayon kasi love ka rin nila. Si Tito Lance, love ka rin niya kaya lang iba kasi 'yung way niya of showing his love to you."

Umiling-iling siya. "Hindi naman totoo yung sinasabi mo! Liar ka! Iiwan mo rin kami ni Katie like Daddy and Mommy."

"How about you? Iiwan mo rin ba mag-isa si Katie? Di ba ikaw 'yung kuya niya? Di ba ikaw 'yung protector niya when somebody wants to hurt her? Paano na si Katie pag iniwan mo siya? Mawawalan na siya ng kuya saka ng magpo-protect sa kanya. You know, she's crying and looking for you already. Sabi niya iuwi ka na raw namin because she wants to hug you already."

Natahimik siya saglit at parang nalilito kung sasama ba sa amin o hindi.

"Let's go, Jeremy. It's raining very hard. You might get sick already," kumbinsi ni Lance sa kanya.

Nagsimula na naman siyang umiyak saka umiling-iling. "Ayoko na umuwi. Dito na lang ako kina Mommy and Daddy. Sila lang ang gusto ko. Ayoko sa 'yo, Tito Lance. Lagi ka lang nagagalit sa 'kin. Di mo naman kami love ni Katie eh."

"Jeremy—" Natigilan ako nang bigla na lang hinawakan ni Lance 'yung mga kamay ni Jeremy.

"Alam mo ba? Noong bata pa ako, naglayas din ako. Umalis ako sa house namin kasi feeling ko di rin ako love ng Mommy at ng Daddy ko. Lumabas ako sa subdivision tapos naglakad ako nang naglakad sa daan. Umulan din that time at basang-basa rin ako. When I saw a waiting shed, doon ako nag-stay. Until I became very hungry and cold. Wala naman may gustong magbigay ng food sa akin doon sa mga taong dumadaan. I became so afraid kaya sabi ko babalik na lang ako sa house. Kaya lang di ko na alam 'yung way pabalik sa house namin. Pero nagulat na lang ako nung may car na nag-stop sa harap ko tapos bumukas 'yung pinto sa backseat at may tumawag sa name ko. Alam mo ba kung sino 'yung nakahanap sa akin?"

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon