Ginabi na kami ng uwi ni Blake. Kaya mamadaliin ko ang report kasi nga di ba may pageant bukas. Sinalubong kami nila Tita Patricia at Tito Joey. Blake's parents. Gusto nila yun ang tawag ko sa kanila e.
"Hijo. Baka napapagod na magdala ng mga yan si Trisha. Tingnan mo oh?" saad ni Tita Patricia.
"She deserved that. Assistant ko sya." matapang naman na tugon ni Blake.
Ang sama talaga ng ugali niya. Ang sarap nang sapakin.
"Grabe ang bigat." reklamo ko.
Hinagis nya agad yung bondpapers sa akin. Pinaupo na rin nya ako sa harap ng computer.
"Nagugutom ako." this time ako naman ang mag-uutos sa kaniya.
"Remember, you're not a Barbie para umarte nang ganyan." galit na saad ni Blake.
"Aish! Bababa ako." nag-tangka akong umalis.
Hinarangan nya ako sabay inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. Nararamdaman kong namumula ang aking mga pisngi.
"Blushing." natatawang bulong ni Blake.
"Ah- E-excuse me." agad ko siyang tinulak palayo.
Iniuntog nya ako sa kaniyang dibdib. Ano ba 'to?!
"Go back." he said.
Bumalik na ako sa aking kinauupuan. Magpapaka-busy na lang ako.
"Yaya!" malakas na sigaw ni Blake.
Agad na umakyat yung katulong.
"Magdala ka nga ng makakain dito. Huwag masyadong special." saad ni Blake.
Medyo masakit yung sinabi niya, pero keri lang atleast may makakain ako.
Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain. Madami na rin akong nagagawa. Tumayo si Blake upang iabot sa akin yung pagkain.
"Oh ayan na!"
"Salamat." nakangiti kong sabi.
"Tss! Bilisan mo diyan."
Nagmamadali naman 'to masyado. It's already 11:30 in the evening. Pagod na ako, sobrang pagod.
"Tapos na." walang gana kong saad.
"Okay good. Dito ka sa sofa matulog." hinagisan niya ako ng kumot.
Lumipat na siya sa kaniyang kama. Laking gulat ko nang magtanggal ito ng t-shirt, agad akong tumalikod.
"Hey! Barbie." pagtawag niya sa akin.
"Ano na naman ba'ng problema mo?!" inis kong tugon.
"Gusto mo talagang tinatawag kang Barbie. HAHAHA. In your dreams!" saad niya.
Hinayaan ko na lang sya. Nahiga na ako upang magpahinga. Hays! Ano kayang mangyayari sa akin bukas? Kaya mo yan Trisha!
"Goodluck!"
"Salamat." saad ko.
Narinig ko yung tawa nya. Hmp! Itutulog ko na lang 'to.
*****
Thd next day.
"Barbie!" pagtawag ni Blake sa akin.
"Uhm?" matipid kong tugon.
"May rehearsal kayo."
Tumayo agad ako. Binilhan pa niya ako ng bagong damit na susuotin para sa school.
"Prepare yourself. Dahil pag natalo ka, I will kill you." pagbanta nito sa akin.
Grabe naman 'yon.
"Bakit ba?! Education student ka ba? Engineering ka e." inis ko namang sabi.
Bumaba na kami. Naka-smile yung Mommy at Daddy nya. Bakit kaya? Ah, nakakita kasi sila ng pulubing gumanda.
"Hija Goodluck mamaya ha? Galingan mo." niyakap ako ni Tita Patricia.
Ngumiti lang ako. Pero deep inside kinakabahan talaga ako.
*****
Pageant time!Inaayusan ako ng kinuhang make-up artist ni Blake. Full support ha? Pustahan kaltas 'to sa sahod ko.
"Goodluck." saad ni Carby.
Niyakap siya ni Blake. Isa rin siya sa mga candidate, she's representing BS HRM.
"You look so gorgeous." nakatingin si Carby sa akin.
"Nagmukha kang .. Basahang may decoration. Haha bye!" she flipped her hair while walking away.
WTF?! BASAHANG MAY DECORATION!!! Hindi ko matatanggap yun.
"Humanda sa akin yang girlfriend mo." inis kong sabi kay Blake.
"Tumigil ka nga. Nagbibiro lang 'yon." depensa niya.
Nawalan ako ng gana rumampa. Pumasok na ako sa Dressing Room para magbihis.
After six minutes..
Pumwesto na ako sa backstage.
"Basahan." bulong ng demonyitang si Carby sa akin.
"Monkey." tugon ko sa kaniya.
Halata sa mukha nya na napipikon sya. hahahaha. MONKEY!!
"Ladies and Gentlemen, the MS.ADMU 2017 Candidates!"
Rampa, Trisha, rampa!
"Carby Santos, representing HRM!"
Madami namang fans kahit papaano. Pang number 17 kasi ako e :)
It's my turn. Kabado akong lumabas mula sa backstage.
"GoodEvening and I'm so pretty. Hi! I'am Trisha Ashram presenting COLLEGE OF EDUCATION! Basahan man sa paningin ni Carby .. Pretty pa din! Thankyou.!"
Naghiyawan ang buong colliseum.
Pabibilisin ko na ang kwento. Dumako na tayo sa top 5. Syempre kasama kami ni Carby doon.
Ako na yung tatanungin.
"For you, what is BEAUTY?"
"Beauty is a weapon and a gift that you cannot use for being famous and popular. We can use this to a job! Hindi ito binigay ng Diyos para abusuhin or ipagyabang! Good Example ka na 'dun Carby Santos. Thankyou!''
Inirapan ko si Carby. Halatang naaasar na sya sa akin.
(Announcement of winners)
4th - college of engineering
3rd - HRM ( Carby Santos )
2nd - college of arts and sciences
1st - college of medicine"And the Ms.ADMU 2017 is none other Ms.Trisha Ahsram College of Education!"
WAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!! O-M-G. Umakyat si Blake sa stage at niyakap ako ng mahigpit. Tumingin ako kay Carby at nakita kong nagselos sya. Looser Carby!
Patindi nang patindi ang galit ni Carby sa akin. Haha so anong paki ko?! MAGANDANG BASAHAN AKO E.
~
🖋️author_mj17
![](https://img.wattpad.com/cover/96406414-288-k233963.jpg)