Nakauwi na kami sa bahay. Himala, ang linis ngayon dito?
Dumeretso ako sa kusina, malinis din. Umakyat ako sa taas para i-check si Blake kung buhay pa ba 😂Wala sya dito O_____O Hala! Baka iniwan na nya ako, baka hindi sya nakatiis. Dali-dali akong bumaba at lumabas para hanapin sya.
"Looking for me?"
Napalingon ako sa kanan ko .. Nakaupo sya sa pool at umiinom na naman ng beer. Nilapitan ko sya at naupo din sa tabi nya.
"Kumain ka na ba?" Ako.
"Umorder ako ng pizza, hindi ako kumain ng tanghalian e. Pano kasi yung isa dyan, ang sama ng ugali!" Blake.
"Dapat lang sayo yun mayabang ka kasi! Tara na, maaga pa tayo bukas." Ako.
Tumayo na ako .. Aba! Tuloy pa din sya sa pag-inom, pilit ko syang hinihila patayo.
"Mauna ka na." Blake.
"Bahala ka nga." Bulong ko.
Pumasok na ako sa loob dahil inaantok na rin naman ako, hindi na ako kumain dahil nagluto ang Mommy ni Shawn para sa amin.
Nasa kwarto na ako't nakahiga. Hays! Pagdilat ko bukas, mag-iiba na ang takbo ng buhay ko. Taga-sunod na naman ako kay Blake, utusan na naman. Nagbasa na muna ako ng libro para mabilis akong antukin.
"Best, mamimiss kita." Biglang pasok ni Ebony.
"Ikaw naman, lagi tayong mag-uusap kapag nandoon na ako. Sobrang mamimiss ko kayo promise!" Sabi ko.
Tinabihan nya ako sa kama at doon daw sya matutulog, hihi. Grabe! Mamimiss ko lahat nang 'to.
(Blake's POV)
Inaantok na ako -_____- Aish! Dapat kasi hindi ko muna sya pinaalis dito sa tabi ko, para kahit asarin nya ako atleast may kausap ako. Hays! Pumasok na ako sa loob at doon itinuloy ang pag-iinom, last beer na matutulog na ako.
"Naka-ilan ka na?" Trisha.
Pababa sya at may dalang libro, lumapit sya sa akin.
"Last na 'to." Ako.
"Matulog ka na pagkatapos mo, baka mahirap kang gisingin bukas." Trisha.
Tumango lang ako .. Hindi pa rin sya umaalis sa harap ko, ano pang kailangan nya? Naghihintay ba sya ng GOODNIGHT KISS? Tumayo ako at hinawakan ko sya sa magkabilang braso.
"B-bakit?" Nauutal nyang tanong.
"Hahahaha. Feeling mo na naman, may dumi ka kasi sa mukha." Sagot ko.
She think I will kiss her?! Haha, no way. Tumaas na ako at hinayaan ko nang sya ang magligpit ng kalat ko. Nahihilo na kasi ako, baka masapak ko lang sya.
(Trisha's POV)
Nakahawak ako sa mukha ko, akala ko hahalikan nya ako? Argh! Niligpit ko na ang kalat ng magaling na demonyo.
Pasuray-suray na syang maglakad, sana mahulog sya :)
Hays! Ang kalat nya, puno na yung basurahan sa kusina. Pagtapos ko magligpit ay umakyat na ako sa kwarto ko para matulog.
Tumapat ako sa pinto ng kwarto ni Blake, alam ko gising ka pa. Kakatok dapat ako pero naisip ko .. Para saan? Bakit? Pumasok na lang ako sa kwarto ko.
"Magkakasama na ulit tayo." Bulong ko.
GOOD BYE PHILIPPINES AND HELLO AMERICA!
I can't believe this! Paalis na kami ni Blake ngayon :) Inihatid kami nila Shawn at Ebony dito sa AirPort.
"Best, mamimiss talaga kita! Ingat ka ha." Naiiyak na sabi ni Ebony.
Niyakap ko sya ng napaka-higpit, grabe na talaga! Hindi ko sya tinigilan sa pagyakap at halik sa pisngi, BFF ko to e :(
Flight na ata namin .. Lumakad na kami ni Blake, as usual ako pa rin ang naghila ng maleta ko! Wala syang paki sa akin.
"Hoy unggoy!" Ako.
"Ano ka ba? Nakakahiya ka naman, tara na." Blake.
Aish! Nagsisimula na ang impyerno sa buhay ko. Pasakay na kami ng eroplano, nauna pa syang pumwesto banda sa bintana.
"Hmp! Parang bata." Bulong ko.
"You don't care! Wag mo akong iistorbohin ha." Blake.
"Bakit naman?! Wala akong makakausap e." Sabi ko.
Tinanggal nya ang shades nya at tinitigan ako O____O Huh?!
"Talk to your self." Sabi nya.
Kumuha na lang ako ng mababasa ko, soooooobrang mahabang-mahaba pa ang byahe namin. Tumapat yung flight attendant sa akin at inaalok ako ng maiinom.
"Orange juice please." Ako.
Naramdaman kong gumalawa ang demonyo, agad naman akong napalingon .. Hmp! Nagbasa na lang ako ng magazine, shocks! Kinakabahan na ako -_____- Hindi ko alam kung maganda pa ang kahihinatnan ng mga ginagawa ko.
"Matulog ka." Bulong nya.
Tiningnan ko ulit sya .. Nakatanggal ang shades nya at nakatingin sya sa akin.
"Ayoko." Pagmamatigas ko.
"Bahala ka, maboboring ka. Hinding-hindi kita kakausapin!" Sabi nya.
Isinandal ko ang ulo ko sa braso nya. Agad syang napa-deretso ng upo, ang damot naman nya!
"Ano ba?!" Inis nyang sabi.
"Pahiga please?" Ako.
"Aish! Mangangalay ako, stop acting like you are my girlfriend. Kainis!" Blake.
Nyenyenye! Stop acting,stop acting ka pang nalalaman. Inilapat nya ang ulo nya sa bintana .. Nakakaasar na talaga!
"Hoy." Kinakalabit ko sya.
"Trisha, wag mong hintaying itulak kita." Blake.
"Inaantok nga ako." Ako.
"Then sleep." Blake.
Malamang pag inaantok matutulog, isinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan. Argh! I hate this, suko na ako. Tatalon na ako pabalik sa amin :(