Mag-isa lang akong nag-gagala ngayon .. I'm here in a very big book store. Bibili ako ng pagkaka-abalahan ko-
It's time to change everybody :)
Hmm- ano kayang maganda?
Horror, romance, jokes or fantasy? Hmm- isip Blake!
Okay, I'll pick romance. Nagpunta na ako sa counter para magbayad. Next, pupunta naman ako sa coffee shop habang nagbabasa ng book na binili ko. Wala akong kasamang body guards or driver .. I'm driving by myself. Malaki na ako.
Nandito na ako sa coffee shop.
"Blake?!" Huh O___________O
"Akala ko nasa France ka? What are you doing here?!" Ako.
Niyaya nya akong umupo sa tabi nya. OMG! You're in trouble Blake.
Nandito si Carby sa States?! What is she doing here? Naku naman, nadagdagan pa ang problema ko.
"Wala lang, sawa na kasi ako sa France e. So naisip kong hanapin ka, I'm really sick of you Babe!" Carby.
Eiw! Agad akong tumayo at lumipat ng upuan, nakakainis naman oh! Ako talaga ang hinahanap nya? Para ano, bigyan na naman ako ng problema.
"Pwede ba, don't you ever show your face again." Ako.
Lumabas na ako ng shop at nagmamadaling pumasok sa kotse. Agad akong nag-drive ng mabilis para takasan ang bruha sa buhay ko!
Nandito na ako sa bahay.
Wooooooooooh >____________<
Naupo ako sa sofa at itinuloy ang pagbabasa. Argh! Naiinis talaga ako.
(Trisha's POV)
Four days na lang ..
Inaayos ko na ang venue para sa pool party na apat na tao lang naman ang magse-celebrate. Hihi! Inilista ko na ang mga pagkaing ihahanda, ang mga iinumin namin :) Medyo magaling na ako, bumalik na yung energy ko.
Nandito rin si Joseph at may dala syang pizza na paborito ko. Alam nyo na yun! :)
"Okay ka na ba talaga? Baka mabinat ka." Joseph.
"Super okay na ako. Wag ka nang mag-alala." Say ko.
Tumango sya at kumain na rin. Yung mag-jowa magkasama na naman ata? Sinundo kasi ni Shawn si Ebony kanina. E malamang nasa date na sila ngayon!
"Ano palang gusto mong gift?" Joseph.
"Hindi na kailangan yun!" Ako.
Pinipilit nya talaga akong mamili ng gusto kong gift. Haha! Baka pag sinabi kong gusto ko ng Iphone bibili ka ba?
"Anything my sister." Joseph.
"Ikaw na ang bahala, basta galing sa puso." Biro ko.
Tumawa na naman sya kahit pilit lang. Hmp! Pumasok muna kami sa loob, medyo umaambon kasi. Nanonood muna kami and sakto ..
"Blake Hidalgo spotted in a coffee shop dating this Mystery Girl."
Huh? Sino naman kayang maswerteng babae yun? Malabo ang pictures, ang galing naman ng paparazzi na kumuha nito. Pinipilit kong tingnan ang mukha ng babae pero .. Wala talaga e! Sa tingin ko hindi sya yung Courtney. Nakatalikod kasi girl tapos si Blake nakaupo sa harap nya. Ay ewan!
Bahala kayo sa pamumuhay nyo.
"Namimiss mo sya?" Joseph.
"Ha? Hindi ah. Bakit mo naman natanong?" Ako.
"Halata sa mga mata mo e, parang nag-aalala ka na parang nagseselos." Joseph.
Yumuko ako at iniwasan ko na lang ang sinabi nya. Naghanda na lang ako ng drinks namin, I will prepare fresh fruit shake :)
"Hmm, ang sarap!" Joseph.
"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung mahal ko pa ba sya or hindi na." Sinimulan ko na ang masinsinang usapan.
Nakakahiya naman .. Pati sya napagsabihan ko pa ng mga ganitong problema. Hindi nya dapat malaman 'to e.
Hinawakan nya ang mga kamay ko at tila seryoso na sya.
"E di pilitin mong makausap sya, gumawa ka ng paraan para makapag-usap kayo ng maayos. Mahirap kasing umaasa ka lang na mag-oonline sya sa ganitong oras o araw. If you still love him, talk to him and explain kung ano ang dapat mong i-explain. And if you not love him anymore, set him free." Joseph.
Nakaka-touch yung sinabi nya. Napa-isip tuloy ako -________- Sundan ko na lang kaya sya sa States at pilitin kong ..
Mahal ko pa kasi sya e :( Sobrang namimiss ko na sya! Nahihirapan na ako, ayokong hayaang maagaw sya ng iba sa akin!
AKIN LANG SI BLAKE HIDALGO!
