Ilang araw na akong may sakit. Bored na ako rito sa bahay. Pero okay lang, nandito naman si Blake.
Inaalagaan pa rin niya ako, hindi siya pumapasok para sa 'kin. Grabe namang sakripisyo 'yan.
"Ano yang niluluto mo?" tanong ko sa kanya.
"I tried to cook rice porridge, but it turns out to be salty rice porridge." inis na tugon ni Blake.
Kailan ba siya natutong magluto? Hindi na ako magtataka kung bakit maalat yung niluto.
"Hindi mo na kailangan gawin 'yan para sa 'kin. Ako na ang magluluto." saad ko.
Tinikman ko yung niluto niya baka sakaling kaya ko pang i-retoke.
Ang alat nga!
"Trish–"
Humarap ako sa kanya. He's HALF-NAKED! Lalong tumaas ang temperature ko.
"Ikuha mo naman ako ng damit." utos ni Blake.
"Ha? Ah– oo sige." utal kong tugon.
Ano ba'ng nangyayari?
"Ito na. Hmm- Bakit nga pala hindi ka pumapasok?" tanong ko.
"Inaalagaan kita." tugon ni Blake.
"Hindi mo naman kailangan gawin yun. Paano kung bumagsak ka? Kasalanan ko pa." saad ko.
"As your future husband, it is my obligation to take care of you, my wife." saad ni Blake na may pakindat pang kasama.
Naupo kaming dalawa.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Blake asked me.
"Oo naman. Pwede na tayo pumasok bukas." saad ko.
Pinitik na naman niya ang noo ko. Favorite nyang gawin yun!
"No! Mabibinat ka." saad niya.
"E ikaw? Kailan ka papasok?" pag-aalala ko.
"Kapag okay ka na." saad ni Blake.
"Okay na nga ako." pangungumbinsi ko kay Blake.
Hinalikan niya bigla ang aking labi. Natulala na naman ako. Hays! Pabigla-bigla naman ang lalaking 'to.
"Ang daldal mo kasi e." natatawang saad ni Blake.
"Hmm- gusto kong gumala." saad ko.
"Hindi nga pwede! Trish ano ba, makinig ka nga." inis na saad ni Blake.
Hala nagalit na siya. Tumahimik na lang ako at nanood.
Inaantok ako. Bored na bored na kasi ako e. Ayaw naman ako igala ni Blake.
"Alam mo, magugulat na naman sila 'pag nalaman nilang tayo na ulit." muli akong nagsalita.
"Ano naman? Walang makakasira sa atin." seryosong sabi ni Blake.
Mahal niya nga talaga ako no? Ipaglalaban niya talaga ako. Hays! Sana nga talaga ganyan na siya forever. Mahal na mahal ko rin kasi siya.
Medyo bumubuti na ang pakiramdam ko. Medyo makulit na rin ako.
"Gusto ko talaga gumala." pagpupumilit ko sa aking nobyo.
"Hays, fine!" hindi nakatiis si Blake.
Hindi talaga ako matiis ng mahal ko. Kiniss ko sya sa pisngi to say thank You.
"Pag ikaw nabinat, ewan ko lang!"
Sumakay na kami sa kotse. Mabilis siyang nagmaneho. Nagmamadali ba siya?
----*
Mall.
"Masaya ka na?" tanong ni Blake.
"Hindi pa. Hindi pa nga ako nag-eenjoy e." saad ko.
Hinawakan nya ang kamay ko, kinikilig na naman ako.
"Wow! May bagong movie. I want to watch it." para akong bata na excited manood ng cartoons.
Hinalikan ako sa pisngi ni Blake, ang showy niya naman masyado. Nakakahiya sa mga nakakakita.
"Mag-arcade na lang tayo." saad ni Blake.
Hinila nya ako papuntang arcade.
Siya lang yung nag-eenjoy. Naiiyak na lang ako sa inis at pikon.
~
🖋author_mj17
