Chapter Sixteen

9.3K 177 7
                                    

(Trisha's POV)

Maaga akong gumising para maabutan ko si Mama.

"Good morning Mama." pagbati ko.

I found her cooking sinigang. Namiss ko 'to. Naupo agad ako.

"Ang aga mo naman gumising." saad ni Mama.

Ngumiti lang ako. Sino ba'ng hindi magigising sa sobrang bango ng kaniyang niluluto?

"Papasok ka ba?" dagdag pa niya.

"Opo. Final semester na po kasi, kaya kailangan ko pang mas sipagan." tugon ko.

"Alam mo anak, okay lang sa akin kung hindi mo na kaya. Matatanggap ko naman. Lalo pa't ibang tao ang nagpapaaral sa 'yo. Nahihiya ako." malungkot na sabi ni Mama.

"Hindi pwede 'Ma. Babawi pa nga ako sayo e, tutuparin ko pa ang mga pangarap nating dalawa." saad ko.

Ngumiti lang siya. Sobrang bait talaga ng Mama ko. Kaya deserved niya ang lahat nang 'to.


*****

(Ateneo)

Mag-isa lang akong naglalakad sa pathway patungo sa aming classroom.

"Sorry."

A cold voice from my back. Unti-unti akong humarap. Boquet of flowers–

My favorite flowers.

Kinuha ko yun at halatang kinikilig ako.

Si Blake Demon Hidalgo pala.

"Trish sorry na." saad ni Blake.

"Ikaw pala." walang gana kong tugon.

"SORRY na please?" pagmamakaawa ni Blake.

Ang daming nanonood sa eksena naming dalawa. Baka isipin nila na may relasyon kaming dalawa.

"Pumasok ka na nga." pagtaboy ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang aking kamay at piniga ito.

"Please!" this time, nagagalit naman siya.

Tumingin ako sa paligid. Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya.

"Sige na. Bumalik ka na sa room mo, pinapatawad na kita!" bulong ko.

Ngumiti siya at tumakbo pabalik sa classroom niya.

"Muntik ka na ma-late!" salubong ni Ebony sa akin.

"Hinarang na naman kasi ako ni Blake." paliwanag ko.

May short quiz kami ngayong araw at wala akong idea tungkol dito. So ano'ng isasagot ko?

Kinabahan naman ako ng slight 'don.

Buti na lang at mabilis lamang lumipas ang oras. Matapos ang short quiz ay nagkaroon ng konting discussions. Malapit na rin ang OJT namin.

Nag-ring na ang bell, hudyat ng break time.

Hinarang na naman ako ng demonyo.

"Trish–" Blake.

"Ano na naman ba?!" inis kong saad.

"Sabay tayo." tugon naman ni Blake.

Kinuha niya yung bag ko at hinila ako papunta sa parking lot. Ano na naman kaya ang kalokohang naisip niya?

"Sakay." galit na saad ni Blake.

"Who are you to command me?!"

Isinakay niya ako ng sapilitan sa kotse niya at pinatakbo ito ng matulin. OMG! Kung magpapakamatay siya, huwag na niya akong idamay.

CONDO?!

Condo unit ni Blake?

Paglilinisin na naman ba niya ako?! Not this time.

Pagpasok ko sa loob–

FLOWERS.

TEDDY BEARS.

LETTERS.

"Sorry for all the mistakes I made. I know the pain I made you feel is too much. I hope you can still forgive me."

Ayan ang mga nakasulat sa letter. Kaya niya pala mag-effort ng ganito?

"S-Salamat." yun na lang ang nasabi ko.

Niyakap niya ako. Bakit? Bakit bumibilis na naman ang tibok ng puso ko?! Bakit may sparks? Kwitis? Piccolo?! Ano 'to?! Sasabog na ata ang puso ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Blake huwag kang ganyan. Please huwag mo na ako paasahin ulit.

"Trish." mahinang saad ni Blake.

"Bakit?" tanong ko.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Please let me love you."

Totoo ba 'to?!

Agad akong pumiglas sa kaniya at iniwas ko ang aking tingin. Bakit niya nasabi 'yon? Aish.

Naupo ako sa couch at uminom ng juice.

"Bakit hindi ka makasagot? Natatakot ka? Don't worry Trish, I will promise na magbabago na ako. Just let me love you!" saad ni Blake.

"Blake mahirap sagutin ang tanong mo. Alam ko na ang ugali mo, ang mood at bawat kilos mo. Kilalang-kilala na kita, kaya natatakot ako na i-level up pa 'tong relasyon natin. And besides, hindi ako pasok sa standards mo. Tigilan mo na 'to, boss." naiiyak kong tugon.

Natatakot akong sabihin sa kaniya ang mga ito pero– Bakit parang gusto kong suklian yung PAGMAMAHAL na sinasabi niya? Nakatitig lang siya sa akin.

"Kaya kong magbago!" halos sumigaw na si Blake.

Tumayo ako at nilapitan ko siya.

Hinawakan ko siya sa balikat at sabay—

I kissed him.

"T-Trisha?" hindi makapaniwalang sabi ni Blake.

"Kaya ko namang makipaglaro sayo e. Pero hindi pangmatagalan." saad ko.

Naguguluhan siya sa aking sinabi.

Hinawakan niya muli ako sa magkabilang pisngi.

"I'll wait until you say YES. Magbabago ako para sa 'yo." sasd ni Blake.

Pumikit ako, hindi na kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sigurado ba ako sa mga kalokohang 'to?

Naupo ako. Hays! Parang naiilang na ata ako.

Magluluto na lang ako, kaysa makipag-titigan ako kay Blake.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Blake.

"Magluluto. Baka kasi magutom ka, bigla mo na naman akong hagisan ng pera at pamalengkihin!" tugon ko.

Tumawa siya. Ito na lang yung paraan para hindi ako mailang sa kaniya.

"Gusto ko gumawa ka ng macaroni salad." utos ni Blake.

Buti kompleto ang ingredients dito. Nagsimula na ako sa request niya.

"Trish–"

Hindi ko siya pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

Naramdaman kong nasa likod ko na siya.

"Sagutin mo na kasi ako."

Humawak sya sa baywang ko.

Oh no!

Hinampas ko siya ng sandok sa ulo.

"Ano ba?!" galit kong sabi.

"Aray! Ang arte mo talaga. Hindi kita titigilan!" saad ni Blake.

Naiinis na naman ako sa kaniya.

Ano ba kasi'ng nakain niya? Totoo na ba ang nararamdaman niya para sa akin? Or paaasahin na naman niya ako?

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon