Chapter Sixty-Five

4.7K 81 3
                                        

Four days na lang! :)













Pinayagan ako ng mga boss ko na hindi na muna pumasok, naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko. Nandito kami ni Ebony sa pool at kanya-kanya kaming pindot sa cellphone. Alam ko kalandian na naman nya ang jowa nya, at ako naman panay ang scroll.

May bago na namang post ni Blake.











Blake Hidalgo updated his status:
     "I really,really miss this."













Maraming fans at concerned citizens ang nagko-comment at tinatanong ang meaning ng post nya. Ano naman kaya ang namimiss nya? AKO BA :) Hihi.
Ang assumera ko na masyado, oa na ha.

"Best, excited ka na ba?" Tanong ni Ebony.

"Oo naman, kaya sana gumaling na ako agad." Sagot ko.

"Uhm- di ba isasama ka sa States ng magulang ni Joseph?" Ebony.

Itinigil ko muna ang pagse-cellphone at nakipag-chikahan muna.

"Hindi ako pumayag na sumama. Nakakahiya naman kasi, hindi pa naman nila akong totally kilala tapos isasama ako sa ibang bansa." Ako.

"Tama yan Best! Atsaka, magbabakasyon ka naman dun di ba?" Ebony.

Natawa kaming dalawa :) Ang weird namin noh? Kaming dalawa na lang ang nakakaintindi nun. Pumasok na kami sa loob para kumain. Puro fruits and vegetables lang muna ang kinakain ko, para madali kong mabawi ang mga nawala kong energy. Naks naman!

"Pero best nakakapagtaka lang ha, wala bang feelings sayo si Joseph?" Ebony.

"Ikaw naman! Kailangan lahat ng makilala ko magkagusto sa akin? OA ka ha." Ako.

Binato nya ako ng slice ng apple sa mukha :)

"E di ba si Shawn--"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita .. Okay na sila ni Shawn at ayokong balikan pa ang mga nakaraang yun. Magselos pa yang babaeng 'yan!

"Past is past." Ako.

"Wow ha, past is past?! Kaya pala hindi ka makamove-on sa Blake na yun." Ebony.

Napatigil ako sa pagkain .. Oo nga no -_______- Bakit kasi ganun? Excited pa rin ako na makausap sya, konsultahin sya, makita sya kahit sa picture lang. Atsaka nagseselos ako everytime na may nakikita akong .. Argh! Stop Trisha. Maganda ka okay?

"Best, akyat muna ako." Paalam ko.

"Okay Best, ako na ang bahala dito." Ebony.















Rest again and again :) To maintain my pretty face and sexy body! Hihi. Pang-FHM kaya ako, nahiga na ako sa kama at nagbasa na naman ng libro. Ayoko na munang mag-cellphone at baka mang-gigil na naman ako.

Ini-imagine ko na lang ang mga nangyayari sa binabasa ko. Para atleast may Thrill.
























(Blake's POV)

Nasa shoot ako ngayon kasama ni Courtney. Nandito kami sa Miami ngayon .. Wooooh! Ang sexy nya grabe. Ang ganda dito, puro ang sand. Ang daming hot girls!

"Are you ready?" Courtney.

"I'm always ready." Bulong ko.

Nagpunta na kami sa beach, pose lang ng malupit para naman bumenta ang magazine namin. Feel na feel naman ni Courtney ang pagkakayakap ko sa kanya.

Hindi naman masyadong matagal ang shoot at natapos din agad kami.

Bumalik na ako sa tent para magpit ng damit.

"You are always chatting your ex!" Galit na sabi ni Courtney.

Huh? Anong problema nya?! Ang sarap nyang ihagis ha.

Pagtapos magbihis ay naupo na ako at nag-start nang magpaka-subsob sa cellphone.








  BLAKE'S CHATBOX

Me: Hi ☺

Trisha: Ano? Balak mo na namang landiin ako.

Me: Haha, in your dreams weirdo!

Trisha: Sus, ikaw pa? Namimiss mo ako yun ang sabihin mo.







Parang tinatamaan ako sa mga sinasabi nya .. Napapangiti nya ako -______- Blake wag kang magpapa-uto. Hayaan mo nga sya!











Me: Wala lang kasi akong mapag-tripan. Kaya wag kang feeling okay?

Trisha: Magsisisi ka rin BABE ☺

   (Trisha Ashram is offline)












Sinusubukan mo talaga ako huh?
Hindi kita namimiss noh. Asa ka na naman! Nag-scroll na lang ako sa mga stories, puro hugot ang post ni DOLL .. I mean Trisha :)

Hanggang ngayon ba nagdudusa pa rin sya sa mga ginawa nya sa akin? Haha. Kung pinatawad nya ako noon e di sana good friends kami ngayon. O di ba, madali lang naman yung hinihingi ko e. Kaso wala, matigas sya!

Ayoko nang paulit-ulitin pa ang mga ganitong paliwanag, nawawalan ako ng focus sa trabaho ko.

"Blake, are you free tonight?" Courtney.

"Why?" Ako.

"Let's drink tonight! I will introduce to you my good friends." Courtney.

Ngumisi lang ako at tiningnan ko sya. Interesting uh!

Pero ayoko na muna, magpapahinga na muna ako .. Nakakasawa na kasing puro hang-out na lang!

Magiging seryoso na muna ako sa buhay ko ngayon ..

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon