Two months na ang nakakalipas magmula nang mailibing si Mama. Nag-eempake ako para sa pag-uwi ko sa probinsya, naka-graduate na rin kami.
"Aalis ka talaga? Iiwan mo ako rito?" tanong ni Blake sa akin.
"Kailangan e. Kailangan kong pumunta sa probinsya dahil nandoon ang mga kamag-anak ko." tugon ko.
Kumunot ang noo ni Blake at hinampas ang mesa.
"So paano na tayo?" galit niyang saad.
"It's over." mahinahon kong sabi.
Naiiyak sya at tila gustong magwala. Yumuko ako at sobrang na-didismaya.
"Over?! Trisha hindi pwede!"
"Mahihirapan lang tayo Blake. Mas mabuting maghiwalay na lang tayo." saad ko.
"Iniwan mo na ako noon, tapos– Ano ba?!" pasigaw na sabi ni Blake.
Nandito na yung taxi na maghahatid sa akin sa Port ng Barko, kaya naman nagmadali na akong umalis.
"I need to go."
Pinipigilan ako ni Blake, humarap ako sa kanya at sinampal ko sya.
"Then fine! Ganyan ka naman di ba, paasa ka." saad ni Blake.
Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya.
Pagsakay ko ng taxi, nakita ko syang umiiyak at nakatitig sa sinasakyan ko.
"Manong tara na ho."
Napaiyak na lang ako. Tama ang ginawa ko. Mamumuhay na ako ng tahimik. Iiwan ko na ang mga mapapait kong karanasan dito.
Binuksan ni Blake ang pintuan ng taxi.
"Blake please!" inis kong sabi.
Hinawakan nya ang kanang kamay ko.
"Thank you for everything. I love you!" umiiyak na sabi ni Blake.
Napaiyak ako lalo sa sinabi nya. Paraan nya ba 'to para hindi ako umalis? No! Hindi mo ako mapipigilan BOSS!
"Sige na, ayoko nang patagalin 'to. Ayaw kitang mamiss." saad ko.
Nakita ko ang mga luha sa mata ni Blake. Pumikit ako at tumalikod.
"I love you too, Blake." bulong ko.
Hindi na ako lilingon– AYOKO NA!
Aalis ba ako? Hahayaan ko bang maagaw sya ng iba sa akin? Nagbuntong-hininga ako.
"Manong paki-tigil ho."
Bumaba ako at bumalik kung saan naroon si Blake.
Humahagulgol ako ng iyak pabalik sa kanya.
"Hindi ko kaya!!" sigaw ko.
Agad ko syang niyakap ng sobrang higpit at pinaghahalikan sa pisngi.
"Ayoko Blake, ayoko! Hindi ako aalis." Sabi ko.
"I knew it. Hindi mo ako matitiis." Pabirong sabi ni Blake.
"I love you!"
"I love you more."
~
🖋author_mj17
