(After 2 Days)
Nasa restaurant kami ngayon kasama si Shawn,Ebony at .. CARBY -____- Kakarating lang nya kahapon. Naiilang ako, natatakot, ewan ko ba ewan!
"So Trisha, you are Shawn's secretary? At balita ko, maganda ang taste mo when it comes to editing and fashion." Carby.
Lumunok muna ako .. Okay Trisha! Kaya mo yan.
"H-hindi naman masyado. Hilig ko lang mangeelam sa mga editors kasi close kami." Ako.
Hinawakan ni Shawn ang kamay ko, ang lamig kasi! Halatang ninenerbyos ako.
"And Ebony, you are now a pastry shop owner?" Carby.
Tumango lang si Ebony at nginitian nya si Carby ng napaka-plastik.
Shawn please! Tapusin na natin 'tong pagkain natin. Naiihi, natatae na ako!
"Bukas darating yung makakasama mo sa photoshoot. Ako na lang ang magsusundo, magpahinga ka na Carby. Ikaw din Trisha." Shawn.
Hay salamat! May one day rest ako :) Maghapon akong mahihiga sa kama!!
"S-shawn una na kami." Paalam ko.
Hindi na ako makatiis e. Baka makarinig pa ako ng mga hindi kaayaayang salita.
Hinawakan ako sa kamay ni Carby and she smiled at me. Hulaan ko, aasarin mo na naman ako.
"Don't leave." Carby.
Naupo ulit ako.
"Kailangan na kasi si Ebony sa shop nya." Ako.
"No. Dito lang kayo." Carby.
Hindi na ako mapakali.
Kalma tayo mga Beshies oh!
Si Carby lang yan.
"Bakit parang iniiwasan mo ako?" Carby.
*clear throat*
Okay, tapang-tapangan tayo.
"Baka kasi mang-lait ka na naman, mahirap na! Atsaka wala akong oras para doon." Ako.
Tumawa si Carby ng napakalakas. Naiinis na ako!!
"Ikaw naman Trisha. Syempre hindi no?" Carby.
Bigla na akong tumakbo palabas at ganoon din si Ebony. Argh! Hindi pa kami tapos ng bruhang 'yun.
Sumakay na ako sa kotse ng bff ko para umuwi at magpahinga hanggang bukas :)
"Grabe sya no?!" Ako.
"Naku Best, lalo pa kapag nakatrabaho mo na sya." Ebony.
"E di lalabanan ko sya." Ako.
Tinapik ako ni Ebony sa braso sabay tumawa. Hindi na ako magpapasindak sa kanya.
"Nakakagigil." Bulong ko.
(Carby's POV)
Nakakatawa yung reaksyon ni Trisha. Akala nya magiging mabait na ako pag balik ko? No way! She stole everything to me. Hindi pa kami tapos!!
"Inaway mo na naman sya. Alam mo bang natatakot yun kasi wala nang magtatanggol sa kanya. Wala na sila ni Blake." Shawn.
Tumaas na naman ang blood pressure ko.
"E ano yung mga sinabi ni Blake sa interview nya?" Ako.
"Ramdam ko totoo yun. Kaya nga sya ang male model na kinuha ko para makapag-usap sila." Shawn.
Ay tanga! Nakakainis. No way! Ako na ang mamahalin ni Blake dahil nararamdaman kong kakalimutan na nya ang basahang babaeng 'yun. Ano ba kasing meron sa kanya na wala sa akin?!
"Nagpapakatanga ka lang Shawn." Ako.
"Naintindihan ko ang meaning ng friendship because of Trisha. Kaya ayoko nang masira pa ulit kami ng kaibigan kong si Blake. Parang kapatid ko na sya." Shawn.
Okay fine! Pero pasensya na, mahal ko pa rin si Blake until now.
Pupunta kami ni Shawn sa company nya. Gusto ko lang tingnan :)
"Sasama ako bukas." Saad ko.
"Magsusundo kay Blake?" Shawn.
Tumango ako at tiningnan ko sya. Is it great?
"I want to see him and kiss and hug him." Say ko.
Tumawa si Shawn. Anong nakakatawa doon? So crazy!
"Alam mo Carby, wag ka nang umasa." Shawn.
But why?! Hinabol nya din ako noon kaya for sure babalik sya sa akin.
Sino ba sa inyo ang kampi sa akin? Nakakaawa ako di ba? Kasi pinaasa ako ni Blake e, biktima din ako dito. Taas ang kamay ng nasa side ko! TEAM CARBY :)
"Hindi na mananalo ang Trisha na yan sa akin." Ako.
"Alam mo, wala kang pinagbago!" Shawn.
Ano ba?! Bakit ba lahat kayo inaasahang nagbago na ako? Hello, ako pa rin 'to.
"Basta sasama ako sa ayaw at sa gusto mo." Ako.
Nagmaneho na lang si Shawn at wala na syang nasabi. Nakakatawa yung reaction nya :)
Hinawakan ko ang kamay nya.
"I promise na kapag bumalik si Blake sa akin, I will stop bullying Trisha." Saad ko.
Umiling sya. Bahala ka, basta yun na yun.
