Chapter Nineteen

8.2K 137 3
                                        

Sabay kaming pumasok sa university ni Ebony. Remeber, hindi na ako assistant ni
Blake Hidalgo.

"TALAGA?! Ang romantic naman 'nun." hindi makapaniwala si Ebony.

"Yeah. Sobrang nakakakilig talaga!" tugon ko.

Nakasalubong namin si Shawn, dederetso na dapat kami ngunit humarang siya sa aming daraanan.

"Classmates!"

Ano daw?

Magkasabay kaming lumingon ni Ebony.

"KAMI?" tanong ni Ebony.

"Yeah. Nag-shift ako sa Education." tugon naman ni Shawn.

Nag-shift siya?

For what?

"Tara na." pag-aya ko sa aking kaibigan.

Sinusundan kami ni Shawn. Ang kulit niya!

"Hey girls! Bakit ba ayaw ninyo akong pansinin?" tanong ni Shawn sa amin.

Humarap kami.

"Madami pa kaming gagawin." kalmado kong sagot.

Nagmadali na kami pumasok ni Ebony. May surprise activity na naman ang aming professor.

Heto na naman si Shawn. Sakto! Doon pa siya sa likod namin ni Ebony nakaupo.

"Pssst."

"Ano ba?" bulong ko.

Inabot niya sa akin ang isang maliit na papel.

"Roses are red,
Violets are blue.
If you snob me, it means
I LOVE YOU."

Tinapon ko yun sa kanya. Bakit ba siya nanggugulo? Buti na lang at mabilis ang oras at makakaiwas na ako sa kaniya.

Nakaupo kami ni Ebony sa bench while eating some chips.

"Trish!" si Blake.

Lumapit siya sa amin. Hindi ko ineexpect na may dala siyang pagkain para sa akin.

"Thank you." saad ko.

Umupo siya sa tabi ko.

"Hi Ebony. How was your lesson?" saad naman ni Blake.

"Ayun, may umeepal na baliw sa classroom. Bwisit kasi si Shawn, nag-shift pa ng course." inis namang tugon ni Ebony.

Tiningnan ako ni Blake. Magagalit ba sya? Huwag naman sana. Please lang, please? Hindi ko 'to maha-handle sa ngayon.

"Si Shawn?!" galiit niyang sabi.

Hinawakan ko sya sa kamay.

"Oo e. Wala namang may gusto 'nun." kalmado kong sabi.

"Sabihin mo sa 'kin Ebony if that Shawn is trying to steal my girl." bilin naman ni Blake sa aking kaibigan.

Kiniliti ako sa tagiliran ni Ebony. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Uy! Haha." pang-aasar ni Ebony.

"May pasok ka pa?" tanong naman ni Blake.

"Wala na. Gagawa na lang ako ng reaction paper sa English. Bakit mo natanong?" saad ko.

Inakbayan niya ako. Naglakad na kami palayo kay Ebony.

"Boyfriend duties!" nakangiting sabi ni Blake.

"Gagala na naman tayo?" nagtataka kong tanong.

Pinitik nyia ang aking noo.

"Hindi. Kakain tayo sa bahay." tugon ni Blake.

Bahay nila? Ipapakilala na ba niya ako sa mga magulang niya as his girlfriend? Sumakay na kami sa kotse. Nanginginig ako sa kaba.

"Bakit pa kasi kailangan sa bahay ninyo tayo kumain?" tanong ko.

"I already told Mom and Dad about us." tugon ni Blake.

Sabi na nga ba e.

"Ikaw talaga!" inis kong sabi.

"O bakit?!" sigaw ni Blake.

Binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse.

At last! Nandito na kami.

"Trisha!" excited na sabi ni Tita Patricia.

"Hindi po kayo galit?" kabado kong tanong.

Hindi niya ako sinagot. Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa dining area upang mag-lunch.

"Nasaan po si Tito?" tanong ko.

Tumigil sa pagkain si Tita at tiningnan ako.

"Kayo na lang ni Blake ang meron ako." saad ni Tita Patricia.

Ano daw?!

"Dad left us." dagdag pa ni Blake.

"Sorry po. Hindi ko po alam, sorry talaga." saad ko.

"Okay lang. Basta Blake anak, huwag kang gagaya sa Daddy mo ha?" saad ni Tita Patricia.

OMG! Akala ko masaya pa ang pamilya ni Blake. Pero teka, sabi ni Blake kanina alam na ni Tito at Tita ang tungkol sa amin.

Tinapik ko siya.

"Akala ko ba sinabi mo kay Tito? Wala na pala dito." bulong ko.

"Later." matipid na sabi ni Blake.

Kumain na muna kami. Si Tita raw ang nagluto. We have menudo, fish fillet, carbonara, lasagna, fried chicken, fruit salad and cake.

Oh 'di ba? Sino'ng hindi mabubusog?

Natapos na kaming mag-lunch, nagpunta muna kami ni Blake sa garden.

"Okay, yung sinabi ko sayo. Although wala na si Daddy dito, may communication pa rin kami." paliwanag ni Blake.

"Kawawa naman si Tita." saad ko.

"No. Sa akin niya kasi ipapasa ang mga credit cards niya, and after that we will cut this jokes out!" saad ni Blake.

Nagbuntong-hininga ako.

"Pareho na rin tayong ulila sa ama." saad ko.

Inakbayan ako ni Blake at hinalikan sa pisngi.

"Umaarte ka na naman." nakangiti niyang sabi.

"Akala ko magagalit si Tita." hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Trust me." Blake whispered.

Binatukan ko siya. Yabang talaga nito!

Bumalik na kami sa loob.

Laking gulat ko nang makita namin si Carby.

Napabitaw ako sa pagkakahawak kay Blake.

Hinalikan nya sa pisngi ang boyfriend ko.

"Hi." nakangiting bati ni Carby sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Manggugulo ka na naman?" galit namang sabi ni Blake.

"No. I just want to see both of you." tugon ni Carby.

Hindi ko na mapigilan ang inis na nararamdaman ko. Bakit parang may masama siyang balak?

Hinawakan ko sa braso si Blake.

Inakbayan naman niya ako.

"Kung nagbabalak kang sirain ang relasyon namin, you better stop it now." saad naman ni Blake.

"Ikaw naman, parang hindi mo ako hinabol-habol noon." natatawang sabi ni Carby.

"Mom! Sa susunod huwag ninyo na siya patutuluyin dito." galit na sabi ni Blake.

Umalis na si Carby. Siguro yun yung sign na guguluhin niya talaga kami ni Blake.

Hindi talaga nawawalan ng ahas or kontrabida sa isang relasyon.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon