Maaga akong gumising para magluto ng almusal. Nagluto ako ng mga pagkaing makakatulong kay Blake, lalo na't pipirma sya ng kontrata sa isang Music Company. Dala ko na agad ang Ipad at planner ko, para deretso alis na kami mamaya.
"Wow, salamat ha." Blake.
"Aba Hija, baka naman sumobra ang sexy ng anak ko." Biro ni Tito Joey.
Nagtawanan naman kami, ngumiti lang si Blake. Ayaw nya ng aasarin sya, pero pag sya ang mang-aasar napaka-galing.
"I don't like that brocolli soup, nakakasuka." Blake.
"Tss, ang arte." Bulong ko.
Puro bacon and ham lang ang kinain nya. Hmp! Bahala ka nga sa buhay mo.
Maya-maya pa ay nag-aya na syang umalis, nagmamadali na naman ang demonyo! This time buhat ko ang bag nya, bag ko at kung anu-ano pa.
"Hindi manlang ako tinulungan, akala ko mabait na." Sabi ko.
"Lahat ng tao nagbabago okay? So stop talking!" Sabi nya.
Aba .. May hugot pa syang ganun ah?
"Oo nga e, tingnan mo ikaw!" Ako.
Tumingin naman sya sa akin, ano naiinis ka na? C'mon Blake labanan mo ako sige, dali!
"Ikaw din naman di ba, pareho lang tayo." Blake.
Hindi ko na sya pinatulan at nag-cellphone na lang ako. I try to call Ebony .. Pero walang sumasagot e, baka nasa kalagitnaan ng ... UY ANG BERDE NG UTAK NILA 👽👽👽 Hahaha.
Nag-stop muna kami sa isang fast food chain, syempre ako yung oorder! Assistant ako e di ba, pinagmamadali nya akong bumili ng lintek na fries na yan.
Pagbili ko ay agad syang kumain, hindi manlang mang-alok. Pero okay lang hindi naman ako gutom e.
"Sobrang salamat talaga." Blake.
"Oo na!" Inis kong sabi.
Iniabot nya sa akin yung fries, medyo natatawa pa sya.
"Kunin mo na." Blake.
Dahan-dahan kong kinuha yung fries, akala ko hindi ka na mamimigay e.
Nandito na kami sa bahay, agad syang dumeretso sa kwarto nya at hila-hila nya ako.
Tumalon sya sa kama and he looks excited. O____O Hala, ano na naman ba ang trip nya?!
"B-bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Magce-celebrate tayo!" Blake.
"Para saan?!" Ako.
"Kasi nararamdaman kong magiging successful ang kantang ginawa mo, salamat talaga ha? I love you." Sabi ni Blake.
I LOVE YOU?
O________O
😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊
I LOVE YOU?
Tama ba yung narinig ko? Hindi ako nakapag-react sa sinabi nya, hindi ko alam kung kikiligin ako or titili or ewan. Oh my G.! Ano ba 'to? Kashi nemen e.
"B-blake, Blake totoo ba?" Tanong ko.
Tiningnan nya ako at halatang naguguluhan sya.
"Ang?" Blake.
"Yung sinabi mo." Ako.
Tumawa sya at hinawakan ako sa magkabilang braso, lalo pa akong kinilig deep inside. Hahalikan na ba nya ako? Go Blake, go!
"Ah- oo totoo yun, na magcecelebrate tayo." Blake.
Bumalik naman ako sa katinuan, hindi ba nya naaalala yung huli nyang sinabi? Hala ano ba yan :( Blake naman e, pafall talaga masyado nakakainis. Lumabas sya sandali, siguro mga 20 minutes bago sya nakabalik.
May bitbit na syang dalawang bucket na may tig-limang beer at isang bowl ng sisig. Wooooow!
WE LIKE 2 PARTY! (insert GD, TOP, TAEYANG, DAESUNG, SEUNGRI) 💓💓💓💓💓💓
Hihi. I'm a fan!"Uubusin natin yan?" Tanong ko.
"Oo, tig-isang bucket tayo." Blake.
Tama ba 'to?! Baka malasing kami tapos magwala kami, tapos baka pauwiin ako ng parents nya sa 'Pinas :( No Trisha! Kontrol lang tayo mga Beshies.
Sinimulan na namin, unang bote pa lang kalahati na agad ang nainom ko.
"Hindi ka naman siguro uhaw sa alak?" Biro ni Blake.
"Stressed lang po." Sabi ko.
Kinurot nya yung pisngi ko, ouch naman! Pafall talaga masyado. Pag ako umamin na naman bigla ewan ko na lang.
Mabilis ang inuman namin, nagdala pa ulit sya ng sampung bote. Aaaaahhhh! Nahihilo na ako, hindi ko na ata kaya.
"B-blake, n-na .. nahihilo na ako! K-ka .. k-kaya ko pa ba?" Sabi ko.
Nahihilo na talaga ako e, hindi ko na talaga kaya. Pinipilit ko lang :( Ang hirap naman kasi kapag hindi na ako uminom, baka sabihin KJ ako. Alam mo pa naman yang taong yan.
Lumapit ako sa kanya .. Shocks! Hindi ko na alam ang ginagawa ko, basta ang alam ko tama ang ginagawa ko. Oo, tama 'to. Di ba mga Beshies? Hindi naman ako lasing e.
"Blake, *hikbi* Blake alam mo naman e di ba, bakit pinapaasa mo pa ako?! Blake, *iyak* Blake mahal na mahal kita, alam mo yan!" Sabi ko.
Natatandaan kong nakatingin sya sa akin. -_______-
(Blake's POV)
Alam naman nating lahat na hindi ako madaling malasing, kaya yung mga sinasabi nitong kainuman ko alam na alam ko.
Nagda-drama na si Trisha and she is crying.
"Blake, sabihin mong mahal mo rin ako. Sige na Blake!" Naiiyak nyang sabi.
Hindi ko alam kung iiyak din ba ako, kasi di ba kapag ang isang tao ay lasing lumalabas lahat ng truth inside their heart. Kaya, bigla akong naawa sa kanya.
"Trisha, you're so tipsy." Ako.
"Sabihin mo na please, asang-asa na ako oh .. *hik!* please!! Blake I love you sho much!" Trisha.
Inihiga ko na sya sa kama, hindi ko na kaya ang nakikita ko. Totoo na yung iyak nya -____- Sobrang nagi-guilty tuloy ako. Humawak sya sa mukha ko, tinitigan ko sya.
"Trisha please." Bulong ko.
"Blake, hindi ako shushuko promise. *hik!* mamahalin pa rin ... kita ... kahit ayaw mo na sha akin." Sabi nya.
Inilapat ko ang labi ko sa labi nya, napapikit ako .. Sabay tumulo ang luha ko, bakit? Bakit ko 'to ginawa?! Ano bang nangyayari sa akin? Anong ginawa ko?!
Pagdilat ko ay nakatulog na sya.
Tumabi naman ako sa kanya, now I know .. Talagang hindi ka nga sumuko. Sorry Trisha kung itinatago ko sayo ang katotohanang SOBRANG MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA.