Chapter Four

13.3K 295 6
                                    

"Anak." mahimbing na saad ng aking Mama.

Idinilat ko ang aking mga mata.

"Bakit po?'' mahinahon kong tanong sa kaniya habang kinukusot ang mata.

"May bisita ka." nakangiti niyang tugon sa akin.

Lumabas na ako ng aking kwarto. Si Blake demonyo pala. He smirked at me. Ang aga manira ng araw!

"Anong ginagawa mo rito? Atsaka alam mo bang hindi ako sasama sayo?" inis kong sabi kaniya.

Ngumiti sya ng nakakaloko. Naupo na ako at kumain.

"Tita isasama ko po si Trish tonight sa party." at nagpaalam pa talaga siya sa Mama ko!

Ang kapal ng mukha! Aish. Binato ko sya ng pandesal. Tumawa sya at tila nang-aasar pa.

"E kailan naman ulit ang balik mo anak?" naging seryoso si Mama.

"Hindi ako sasama sa lalaking 'yan!" saad ko.

Pinalo ako ni Mama sa braso.

"Aray!" reklamo ko.

"Hindi ka ba nahihiya sa boss mo? Puro ka reklamo anak. Pasalamat ka at tinutulungan ka niyang mag-aral." sermon ni Mama sa akin.

Tiningnan ko ng masama si Blake at inaasar nya talaga ako. Bakit ba kasi nagpunta pa siya rito?! Tumayo na ako.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Blake sa akin.

"Maliligo. Bakit sasama ka?"

Napatigil ako sandali sa pagsasalita. Bakit ko nasabi yun?!

"Tss. Bilisan mo na." inirapan niya ako.

*****


(Blakes's POV)

Nandito ako sa bahay nila Trisha upang sunduin siya. Isasama ko sya sa birthday party ni Shawn mamaya. He's my best friend, at parang magkapatid na ang turingan naming dalawa.

"Hijo, pasensya ka na sa asal ng anak ko ha?" sabi sa akin ng Mama ni Trisha.

"Okay lang po. Ganyan naman po yan kahit saan e." pabiro kong sagot sa kaniya.

Ngumiti sya. I saw Trisha's awards and medals. Naka-display sa sala nila slash kitchen. Maliit lang kasi ang bahay nila.

"She's really smart." saad ko.

"Yan na nga lang ang bumubuhay sa akin kapag wala sya rito sa bahay." tila nalulungkot na sabi ni Tita.

"Sorry po kung minsan ko lang sya pauwiin." nakonsensya ako bigla.

Sa kalagitnaan ng drama namin ni Tita, biglang lumabas si Trisha.

"Ma!"

Natulala ako sa kaniya.

Nakatapis lang sya ng towel.

Tumakbo sya papasok ng kwarto.

"Uhm- Nasaan na po ang Papa ni Barbie? I mean Trish .. Trisha?"

Ay ang gulo mo Blake!

"Naghiwalay na kami. Pero si Trisha lang ang nagpalakas ng loob ko since araw-araw parang gusto ko nang sumuko sa buhay." she explained.

"Ma nasaan yung panda kong bear? Wala ata dito?" sumingit na naman sa usapan si Trisha.

Pinuntahan ko sya sa loob at saktong nakabihis na sya.

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon